​​

Paano Makakaiwas sa Coronavirus (2019-nCov)

Nakakaalarma ang mabilis na pagkalat ng bagong Coronavirus o ng 2019-nCov. Sa ngayon ay wala pa itong lunas. Kaya naman walang mas mainam na gawin kundi ang prevention. Sabi nga, PREVENTION is BETTER than CURE. Alamin natin ngayon kung paano makakaiwas sa corona virus.

Paano Makakaiwas sa Coronavirus (2019-nCov)

Dahil wala pang bakuna o lunas para sa coronavirus, wala kang ibang magagawa para maprotektahan ang iyong sarili kundi gumawa ng paraan para makaiwas.

#1 Protektahan ang sarili.

  • Palakasin ang immune system. Mas mainam pa rin kung malakas ang immune system para may laban ang katawan kontra sa mga virus.
  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay (with soap) at least 20 seconds. Gawin ito agad lalo na kapag galing ka sa labas.
  • Mas okay kung may baon ka nang alcohol o hand sanitizer.
  • Iwasan ang paghawak sa mata, ilong, bibig lalo na kung hindi ka pa nakakapaghugas ng kamay.
  • Iwasan ang lumapit sa mga taong may sintomas ng flu gaya ng sipon, ubo, lagnat, at iba pa.
  • Gumamit ng surgical mask. Alamin dito ang tamang paggamit ng surgical mask >> Paano Gumamit ng Surgical Mask
  • Ugaliin ang paglilinis at pag-disinfect ng paligid.

#2 Protektahan ang iba.

  • Sa ganitong panahon, unahin natin isipin ang sarili pero isipin din naman natin ang iba. Dahil sa mabilis nga ang pagkalat ng sakit na ito.
  • Kung ikaw ay nakakaramdam ng kahit na anong sintomas ng flu (ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka), manatili ka na lang sa bahay para hindi ka makahawa.
  • Magpa-check up ka agad. Kapag may sintomas ka, huwag ka nang gumala, sa doctor kaagad ang punta.
  • Takpan ang bibig kapag uubo o babahing. Mas mainam kung magsuot ka na lang ng surgical mask.
  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay (with soap) at least 20 seconds.
  • Ugaliin ang paglilinis at pag-disinfect ng paligid.
Loading...

Habang wala pang lunas sa kumakalat na sakit na ito, maging maingat tayo. Magtulungan at makakaya rin natin ito.

Comments

comments

error: Content is protected !!