Isa sa mga naging unang focus ni Pangulong Duterte ay ang matulungan ang mga maliliit na negosyante na kadalasan ay umaasang magkaroon ng puhunan sa pamamagitan ng 5-6. Batid ng pangulo na mahirap makaahon mula sa 5-6. Kaya naman nagkaroon ng proyekto na naging kilala “pautang ng gobyerno”. Pero ang proyektong ito ay tinatawag na P3 o Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso.
Paano Mag-avail ng Pautang ng Gobyerno?
Tatalakayin natin ngayon kung paano mag-avail ng pautang gobyerno sa pamamagitan nitong tinatawag na P3 program. Tatalakayin din natin kung ano nga ba ang kaibahan nito sa ibang mga pautang o loans.
Ano ang P3?
Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso.
Ang P3 ay inilunsad ng gobyerno nitong 2017 bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Duterte na maiangat ang MSME (Micro, Small and Medium Enterprises) sector sa bansa. Nais niyang matulungan ang mga maliliit na mamumuhunan o maliliit na negosyante na nahihirapang mangutang sa bangko at napipilitang umutang sa ibang lending business na may mataas na interes.
Pangunahing layunin ng programang ito ang:
- Mas mabilis na proseso ng pagpapautang (isang araw na proseso),
- mas mababang interes (hanggang 2.5% na interes),
- at magaang pagbabayad (araw-araw o lingguhang pagbabayad).
Sa programang ito, maaaring mangutang ng halagang mula PhP5,000 hanggang PhP100,000. Para sa karagdagang impormasyon kung saan maaaring makautang sa gobyerno o maka-avail sa programa ng P3, bisitahin ang site ng DTI >> Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso.
Saan pwedeng mag-apply ng P3:
- Cebuana Lhuillier Finance Company
- Cebuana LhuillerBldg., Evangelista cor Aguinaldo Highway Zapote Bacoor Cavite
- Telepono: 759-9888
- Radiowealth Finance Company, Inc. (RFC)
- 52 DMG Center, 8/F D.M. Guevara Street, Mandaluyong City
- Telepono: (02) 571.4401 to 05
- Mobile: 09989988080 (SMART) || 09176798080 (Globe)
- E-mail: [email protected]
- Taytay sa Kauswagan, Inc. (ISKI)
- National Highway, Brgy. Mali-Ao Pavia, Iloilo
- Telepono: (033) 3203958 | (033) 3295547
- E-mail: [email protected]
- Mindanao Alliance of Self-help Societies, Inc. (MASS-SPECC)
- Tiano-Yacapin Streets, Cagayan de Oro City
- Telepono: (088) 8565753
Narito naman ang listahan ng iba pang Accredited na kooperatibe o organisasyon >> P3 Accredited Conduits. Tignan mo kung mayroon malapit sa inyong lugar.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring:
- tumawag sa Small Business Corporation P3 Hotline: (02)8135711; (02)7511888
- mag-email sa: [email protected]
- tumawag sa: DTI Direct: (02) 7513330: (0917) 8343330
- o bumisita sa Negosyo Center o DTI Office malapit sa inyong lugar.
Paano mangutang sa P3? (P3 Pautang Requirements)
- Mag-fill up ng form .
- Magdala ng valid IDs, dokyumento ng pagnenegosyo (business permit)
- Interview tungkol sa negosyo.
Para sa karagdagang impormasyon pa, panoorin ang mga videos sa ibaba mula sa GMA:
Mapapanood mo rin ang tungkol sa P3 dito sa episode na ito ni Ted Failon sa Failon Ngayon:
Pwede mo ring i-download itong flyer ng P3 Program at i-save mo sa iyong phone para hindi mo na makalimutan ang buong detalye. Ang flyer na ito ay galing mismo sa website ng DTI.
Kung nasubukan mo nang mangutang sa programang ito, kumusta naman ang iyong experience? Ipaalam mo sa amin sa pamamagitan ng comments. Kung may mga katangungan naman, mangyaring tumawag sa hotline ng DTI na makikita sa image sa taas.
Huwag mo sanang kalimutan na i-share ang post na ito para mas maraming makaalam ng tungkol dito sa programang ito ng ating gobyerno.
UPDATES: