Paano gumawa ng e-mail account o e-mail address? Kailangan ba talaga ang e-mail?
Isang mabilis na paraan ng komunikasyon, iyan naman talaga ang dahilan kung bakit nagkaroon ng e-mail. Nagsimula ito nang maimbento ang internet. At ngayon, isa na ito sa pinakamahalagang bagay lalo na ngayong makabagong panahon. Dahil hindi na lang ito para sa komunikasyon kundi ginagamit na din sa pagbe-verify ng mga online activities at paggawa ng iba’t ibang accounts.
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano gumawa ng e-mail account mula sa iba’t ibang e-mail provider. At ang lahat ng ito ay libre.
Paano Gumawa ng E-mail Account?
Simple lang naman ang paggawa ng e-mail account. Magpi-fill up ka lang ng form kung saan hihingiin ang ilang impormasyon sa iyo gaya ng iyong pangalan, kasarian, username at password. Halos lahat ay iyan ang hinihingi. May ilan lang din na hihingi ng iyong mobile number para sa seguridad ng iyong e-mail.
Narito ang mga website para makagawa ka ng iyong e-mail nang libre. I-click lang ang kahit aling link sa ibaba at dadalahin ka niyan sa isang form na kailangan mong punan para makagawa ng iyong e-mail address.
Gaya nga ng nabanggit na, simple lang, fill-up lang ng form at ayos na.
Kung ako ang tatanungin, pinakagusto ko sa lahat ang Gmail. Para sa akin, napakadali nitong gamitin at madali ring i-connect sa mga devices gaya ng Android at iOS. Madali lang din gumawa ng Gmail account.
Simple lang ‘di ba? Ang mahalaga naman ay mai-secure mo ang iyong e-mail address. Para din iyang cellphone number na hindi mo kailangang ikalat.
Sa susunod, magpo-post kami ng tungkol sa kung paano pumili ng secure na password para makaiwas sa mga hacker ng e-mail.
Hanggang sa muli!
P.S. Huwag kakalimutan ang iyong username at password!