​​

Paano Kumuha ng PSA Certificate (Birth, Marriage, Death, CENOMAR)

Isa sa pinakamahalagang dokumento ay ang ating birth certificate. Maaaring kumuha tayo ng kopya nito sa PSA o Philippine Statistics Authority. Ito iyong dating NSO o National Statistics Office. Alamin natin ngayon kung paano kumuha ng PSA Certificate. Pero hindi lang iyan ang mga certificates na pwede mong makuha sa PSA. Pwede ka ring kumuha ng Marriage certificate, Death certificate at CENOMAR o Certificate of No Marriage.

May tatlong paraan para magkaroon ka ng kopya ng mga PSA certificates: una ang walk-in application o ang pagpunta sa isang PSA office, pangalawa ay ang online application o via website at ipapadala na lang ang iyong certificate, at pangatlo ay sa pamamagitan ng pagtawag sa PSA Helpline.

So, simulan na nating alamin kung paano kumuha ng PSA certificate.

Paano Kumuha ng PSA Certificate

#1 Walk-in Application

Kung ang paraang ito ang gusto mo, kakailanganin mong magtungo sa kahit saang Census Serbilis Center. Syempre, piliin mo na lang iyong pinakamalapit sa iyong lugar.

Huwag mong kakalimutang magdala ng valid ID. Kakailanganin mo ito kapag na-process na ang iyong request at kukuhanin mo na ang iyong certificate. Kung sakali naman na ipapakuha mo lang ang iyong certificate sa ibang tao, kailangan mo ring magpadala ng authorization letter at valid ID mo pa rin.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Huwag ring kalimutang magdala ng pera. As of February 2 ay nagtaas na ang presyo ng pagkuha ng PSA certificate. ₱155 para sa PSA birth certificate, PSA marriage certificate, at PSA death certificate. ₱210 naman para sa CENOMAR.

Mas mabuting magdala ka na rin ng sarili mong ballpen para mas mabilis kang makapag-fill up ng form.

So, magtungo ka na agad sa pinakamalapit na Census Serbilis Center sa iyong lugar. Pwede mong i-search sa internet kung saan mayroong malapit na Census Serbilis Center sa inyo. Sundan lang ang mga proseso at maghintay hanggang sa makuha na ang kailangan mong PSA certificate.

#2 Online Application

via www.psaserbilis.com.ph

Presyo:

  • ₱330 Birth, Marriage, Death Certificate
  • ₱430 CENOMAR
  1. Magtungo sa www.psaserbilis.com.ph.
  2. I-click ang “Click here to request now.”
  3. I-fill up ang online form. Siguraduhin malagyan ang lahat ng required na items.
  4. Magbayad sa mga accredited channels ng PSA Serbilis (BDO, UnionBank, Bayad Center, credit card)
  5. Maghintay na ng delivery.

via nsohelpline.ph (PSA Helpline)

 

Presyo:

  • ₱365 Birth, Marriage, Death Certificate
  • ₱465 CENOMAR
  1. Magtungo sa nsohelpline.ph
  2. I-click ang “Order Now” at i-fill up rin ang mga info na kailangan.
  3. Magbayad via VISA card or Mastercard o Bancnet ATM o Gcash. Pwede ring over-the-counter sa Metrobank or Security Bank.
  4. Maghintay ng delivery or pwede mong i-check ang status ng iyong order.

#3 Call PSA Helpline (Formerly NSO Helpline)

  1. Tumawag lang sa (02) 737 1111.
  2. Sundan ang mga instructions.

Kung sakaling maitatanong mo kung kailangan ba talagang kumuha ng bagong kopya ng PSA certificate, ang sagot ay depende. Ayon sa PSA, hindi naman nae-expire ang mga certificates. So, valid pa rin ang lumang NSO certificates. Kaya nga lang, may mga institustyon na nagre-request ng bagong kopya kasi nagpapalit ng kulay ang mga certificates. Ito ay para makaiwas sa mga peke. Basahin ang buong story tungkol dito sa page na ito: >> Bakit kailangan ng bagong kopya ng birth certificate?

Ayan! Alam mo na ngayon kung paano kumuha ng PSA certificate. May tatlong options ka pa. So, pili ka na kung alin ang mas gusto mo o mas angkop sa pangangailangan mo o kung alin ang mas madali para sa iyo.


References:

error: Content is protected !!