Sawa ka na sa short time? Pagod ka na sa lokohan? At ngayon, nasa isang bagong nagsisimulang relasyon ka. Gusto mo nang magtagal kayo at makamit ang forever na inaasam. Paano magtatagal ang isang relasyon?
Lahat tayo dumadaan sa isang relasyon. Nagmamahal. Minsan parang ihip lang ng hangin ang isang relasyon. Minsan naman tumatagal ito ng ilang buwan. Pero hindi ba’t mas masarap kapag tumagal ang isang relasyon? Mas maraming ala-ala ang nabubuo. Mas matatag ang pagsasama. At kasabay ng pagtagal ng isang relasyon, ay palit ng palit ang inyong hakbang sa tinatawag nga nilang forever.
Paanos nga ba magtatagal ang isang relasyon? Narito ang ilang steps at tips na maari mong sundan upang tumagal ang inyong relasyon. Ang mga paraan na ito ay nakatago lamang sa puso mo. Pero marahil ay nahihirapan kang hanapin ang mga dahilan na ito. Sa pagbasa mo nito, mauunawan mo at makikilala mo ang mga paraan upang mapatagal ang isang relasyon.
Paano magtatagal ang isang relasyon?
Matutong magbilang
Oo, alam ko. Ayaw mo sa math. Ayaw mong magbilang. Pero sa isang relasyon, kailangan mong matutong magbilang. Alamin kung kalian sobra. Prapankahin na kita. Bakit mo ba kailangang magbilang sa isang relasyon? Dahil ang relasyon ay pagdalawahan lang. Dalawa lang. Hindi isa. Hindi tatlo. Hindi apat. Pag alam mong dalawa na kayo sa isang relasyon, tama na. Huwag ka ng magdagdag pa ng iba.
May mga tao kasing hindi marunong magbilang. Ang relasyon na pang dalawang tao lang ay nadadagdagan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit maraming relasyon ang nawawasak. Dahil nagkakaroon ng third party, nagkakaroon ng pagseselos at aawayan na nagtutungo sa mga break-up.
Ang mga susumusunod na paraan ay tuturuan kang magbilang. Tuturuan kang hindi magdagdag ng iba pa sa ibang relasyon.
Tiwala
Ang ikalawang paraan ay ang tiwala. Ang hindi pagkakaroon ng tiwala sa isang relasyon ay isang malaking kalokohan. Ano ito, naglolokohan lang kayo? Simula’t-simula pa lamang, dapat ay may tiwala na kayo sa isa’t-isa. Hindi mabubuo ang isang relasyon kung walang pagtitiwala.
Hindi naman sa lahat ng panahon ay magkasama kayo. Ang tiwalang ito ay nangangahulugan na hindi ka hahanap ng iba kung wala siya sa tabi mo. Hindi ka magkakaroon ng ano mang relasyon sa iba na higit pa sa isang KAIBIGAN. Dahil sa pagiging close mo sa ibang tao, nag-uugat ang pagseselos. Isang di magandang puno na tutubo at mamimiste sa inyong pag-iibigan.
Pagkakaunawaan
Ikalawa sa ating listahan ay ang pagkakaroon ng pagkakaunawaan. Syempre, nakapaloob na rin dito ang pagkakaroon ng komunikasyon. Dapat ay magkaroon ng pagkakaintindihan, pagpaparaya, konsiderasyon at syempre, tiwala. Sa bawat desisyon ng iyong kinakasama, suportahan mo siya at ibigay ang iyong sariling opinyon.
Huwag ring kalilimutang mag-usap sa mga bagay na bumabagabag sa inyong relasyon. Communication is key. Oo, maaring isa kayong long-distance relationship. Pero hindi inimbento ni Mark Zuckerberg ang Facebook para sa wala. Oo, maaring sobrang busy kayo at bihira na kayong magkita. Pero make time to talk. Gawan ng paraan upang makapag-usap. At meron namang cellphone at messaging hindi ba?
Sa kawalan ng komunikasyon ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan. Ang mga misunderstanding ay mapaminsala sa isang relasyon. Kung walang maayos na pag-uusap, lumalabas ang kung ano-anong konklusyon at haka-haka na wala namang basehan. Na kadalasan nating naiisip dahil paranoid tayo para sa ating kinakasama.
Halimbawa, si C at J ay mayroong isang relasyon. Ngunit magkaiba sila ng kursong kinukuha. Bihira rin silang magkita. May nakikita si C na kasama ni J madalas na babae. Pero ang totoo, pinsan pala ni J ang babae na kanya kasama. Kung hindi nila ito pag-uusapan. At kung hindi magpapaliwanag si J, maaring hindi maganda ang kahahantungan ng kanilang pagsasama.
Dapat rin sa pag-uusap ay mayroong tamang komunikasyon. Huwag kayong magsigawan na parang nasa isang palengke. Hayaang matapos ang isa bago ipahayag ang iyong saloobin. Iwasan rin ang sigawa. Shouting does not solve anything. At kung nagbigay ng paliwanag, huwag itong pagdudahan. Tiwala nga, hindi ba?
Loyalty
At ang panghuli sa ating listahan ay ang loyalty. Madali lang namana ng kahulugan nito. Dapat ay magkaroon ka ng pagtitiwala sa iyong kasama at sa iyong sarili. Huwag makikipaglampungan sa iba kung alam mong meron ka ng kinakasama. Huwag magpapadala sa tukso. Maaring may mga ibang tao na gusto kang kumulas sa iyong relasyon. Pero stay strong, maging matatag at huwag kang lilingon sa ibang tao.
Meron mang babae sa gilid mo, na kung todo make-up at kung todo ang pagpapa-cute. Huwag. Tandaan mong may minamahal kang iba. At ang pagmamahal na iyon ay nagiging matatag sa bawat pagsubok tulad nito.
Iyan ang ilang mga paraan upang mapatagal at mapatatag ang iyong relasyon. Pero higit sa lahat, tiwala ang namamayani. Ito ang dapat na meron kayo sa isa’t-isa upang maging masagana ang inyong pagmamahalan at makamit na ninyo ang forever.
Ngayong alam mo na kung paano magtatagal ang isang relasyon, i-share mo ang post na ito sa iyong partner. Para naman alam din niya kung paano magtatagal ang isang relasyon. Dahil ang pagtatagal ng isang relasyon ay pinaghihirapan ng mag-partner at hindi ng indibidwal.