​​

Paano Gumawa ng Bionote (Biographical Note)

Pinapagawa ka ba ng teacher mo ng bionote? Okay lang iyan! Huwag kang mag-alala kung bago lang ito sa iyong pandinig. Hindi iyan mahirap gawin. Ituturo namin sa iyo ngayon kung paano gumawa ng bionote o biographical note. Pero bago ang lahat, alamin muna natin ang depinisyon nito.

Ang bionote o biographical note ay isang tala o rekord na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao. Maikli lamang ito, hindi ito isang sanaysay. Karaniwang isa o dalawang talata lamang ito. Hindi personal na impormasyon kundi impormasyon sa mga mahahalagang kaganapan sa buhay na maaaring makadagdag sa pagkakakilanlan ng isang tao. Ginagamit rin ang bionote o biographial note upang makilala nang maayos ang isang tao lalo na kung sila ay may kaparehong pangalan.

Kadalasang makakakita ng biographical note sa likod ng mga akademikong libro na ginamit upang ipakilala ang may akda ng aklat. Nakalagay doon ang mga bagay na maaaring makadagdag sa kanyang kredibilidad para isulat ang naturang aklat. Nakalagay doon ang kanyang mga pinag-aralan o mga karanasan sa isang partikular na larangan para maging karapat-dapat siyang magsulat ng librong iyon.

Paano gumawa ng bionote (biographical note)

1 – Alamin ang layunin

Una sa lahat, alaming mabuti kung ano ang layunin sa paggawa ng bionote. Halimbawa: May mga propesyunal kasi na maraming propesyon. May mga tao na nag-aral ng pagiging inhinyero, tapos ay nag-aral pang muli ng pagiging abogado. Ngayon, kung ang layunin ng paggawa ng biographical note ay maipakilala ang mga nagawa ng isang tao sa kanyang pagiging inhinyero, iyon lamang ang marapat mong babanggitin sa isusulat mong biographical note.

2- Mag-research

Pinakamahalagang bahagi ang pananaliksik o research. Kritikal rin ito. Sa bahaging ito, hindi ka maaaring magkamali dahil kapag nagkamali ka rito ay maaaring ibang impormasyon ang iyong makuha tungkol sa isang tao. Siguraduhin lamang na tamang tao ang iyong sinasaliksik.

3 – Ikatlong panauhang pananaw o third person point of view

Ang isang biographical note ay isinisulat sa ikatlong panauhang pananaw. Ano nga ulit ang mga panghalip na nasa ikatlong panauhang pananaw? Kung nakalimutan mo na ay kinakailangang balikan mo ito. Review mo na!

4 – Maging tapat na po!

Maging tapat sa pagsulat ng isang biographical note. Huwag kang mag-iimbento ng mga maling impormasyon. Huwag kang “fake news”, okay? Dahil ang mga maling impormasyong isusulat mo ay maaaring makasira sa kredibilidad ng tao at ng sarili mo na rin. Kaya maging tapat na po.

Halimbawa ng bionote:

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

Ilan sa mga nobela niya ang: GapoDekada ’70, at Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

~

Loading...

Unawaing mabuti kung paano gumawa ng bionote. Basta sundan mo lang ang mga paraan ay siguradong hindi ka maliligaw. So, kaya mo na gumawa ng isang biographical note, di ba? Kapag nakagawa ka, i-post mo sa comment section at baka maisama namin bilang halimbawa dito sa article na ito para namanb makatulong din sa ating mga mambabasa.

Comments

comments

error: Content is protected !!