Ang isang reflection paper ay kadalasang isang requirement upang maipasa ang isang subject. Kaiba ito sa mga research paper o essay na kadalasan na nating isinusulat. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi marami sa atin ang nakakaalam kung paano gumawa ng reflection paper. Yan ang aalamin namin dito.
Sa artikulong ito, makikilala mo kung ano ba dapat ang hitsura ng isang reflection paper at paano makamit ito sa iyong sarili. Dito sa artikulong ito, aming ituturo kung paano gumawa ng reflection paper. Matututunan mo rin dito ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Paano Gumawa ng Reflection Paper
Bago mag-umpisa
Bago mo umpisahang isulat ang iyong reflection paper, may mga bagay muna na dapat mong malaman. Mainam na tandaan ang mga ito habang isinusulat mo ang iyong reflection paper.
- Ang iyong reflection paper ay personal. Ito man ay isang akademikong pagsulat, ang layunin pa rin ng isang reflection paper ay ipahayag ang iyong sariling opinyon at panukala ayon sa isang nasabing isyu.
- Ipakita mo ang iyong tunay na sarili. Huwag magtatago sa mga opinyon nina Einstein o Aristotle o kahit sino man iyang sikat na personal. Dapat ay gamitin ang iyong sariling mga salita upang ipahayag ang iyong sariling mga saloobin.
- Ito man ay personal, parte pa rin ito ng mga akademikong teksto. Kung kaya’t dapat ay mayroon pa ring isang antas ng pagka-propesyonal sa iyong tono at uri ng pananalitang ginagamit. Isa-isip ang iyong mga mambabasa.
- Ito man ay personal at pansarili, siguraduhing ipinapahayag kaagad ang iyong mga opinyon. Iwasang magpasikot-sikot o magpa-ikot-ikot sa iisang ideya lamang. Iwasan rin ang paglalagay ng mga kwentong malayo na ang koneksyon
Brainstorming
Aming hinihikayat dito sa PaanoHow na sa lahat ng uri ng mga bagay na dapat isulat ay magplano muna. Sa lahat naman ng bagay, dapat ay may plano. Huwag na huwag papasok sa isang relasyon ng hindi ka handa, charot hahaha.
Tigil na ang paghugot, balik na ta’yo sa pagbre-brainstorm.
- Isipin mo kung tungkol saan ba ang iyong isusulat na reflection paper?
Hal: Paano Nagbago Ang Aking Pagtingin kay Pangulong Duterte Mula ng Maupo siya sa Pwesto
- Ano ba ang iyong kasalukuyang saloobin tungkol sa nasabing paksa?
Mahalagang isulat ito upang malaman mo kung na saan ka ngayon at upang madali mo ring mahanap ang mga kaganapan pabalik.
- Mayroon ka bang mga mahahalagang kwento o karanasan patungkol sa paksang ito?
Hal: Ako ay kabilang sa unang batch ng K-12 graduates. Hindi man ito inilunsad ni Pangulong Duterte, pinili niya pa rin itong ituloy. Ito ang aking pagtingin patungkol sa kanyang pamumuno.
Ito ang kasagutan sa tanong na: sino ka para isulat ang reflection paper na ito? (Sagot: Graduate ng unang batch ng K-12 curriculum).
- Ano pa ba ang mga bagay na gusto mong banggitin?
Hal: Nais ko rin sanang banggitin na bilang isang mamayang Pilipino, nanood ako. Nakita ko ang pagkawala ng mga drug dealers dito sa aming bayan. Ang dating madilim na eskinita sa likod ng paaaralan na hindi ko madaanan ay maaari ng baybayin ng mag-isa ngayon. Bunga na rin ito ng pagkadakip ng mga drug users na dating tumatambay sa eskinitang iyong.
Pagsulat
Ngayong tapos mo ng isulat ang iyong mga ideya, maaari ka ng magsimula.
- Umpisahan ito sa isang nakakatuwa at masining na pamamaraan. Siguraduhing makukuha ang atensyon ng iyong mambabasa.
- Bago mo umpisahan ang iyong paglalatag ng iyong mga opinyon, ipakilala mo muna ang paksang iyong binibigyang tugon.
- Ayusin ang organisasyon ng iyong opinyon. Siguradong ito ay nasusundan at gamitin ang iyong mga karanasan bilang mga datos na susuporta sa iyong naunang opinyon.
- Gumamit ng mga signal tulad ng mga salitang: Sa aking palagay, mula sa aking obserbasyon, atbp., upang maipakilala ang iyong mga opinyon.
- Tapusin ito sa pamamagitan ng paglikom ng mga bagay na nabanggit sa umpisa upang malinis na matapos ang iyong reflection paper.
Ngayong alam mo na ang mga dapat at hindi dapat gawin, pati na rin ang format at iba pa tungkol sa kung paano gumawa ng reflection paper, handang-handa ka nang magsulat nito.
Huwag maghihinayang na balikan o i-save ang artikulong ito upang iyong maging sanggunian sa panahon ng iyong pagsulat.
References:
https://www.wikihow.com/Write-a-Reflection-Paper
https://paperovernight.com/blog/reflection-paper