​​

Paano Gumawa ng Talumpati

Bilang mga mag-aaral, office worker o kahit sa ano mang okasyon, may mga panahon talaga na kinakailangan nating alamin kung paano gumawa ng talumpati dahil pagagawain tayo nito ng ating guro.

Halimbawa, sa isang kasal ng iyong matalik na kaibigan, kinakailangang umakyat ka sa stage at maghatid ng isang congratulatory message para sa mga bagong-kasal. Syempre, kung tulad ka ng karamihan na hindi magaling mag-isip ng mga salita on-the-spot, tuturuan ka namin kung paano gumawa ng talumpati.

Step by step na paraan kung paano gumawa ng talumpati:

Tungkol saan ang iyong talumpati?

Bago ka umupo at magsulat gamit ang ballpen sa papel, kinakailangan munang malaman mo kung tungkol saan ba ang iyong talumpati — at dito mo paikutin ang iyong isusulat.

Tungkol ba ito sa isang paksa na ibinigay ng iyong guro? Kinakailangan mo ba ng research bago isulat ito?

Parang sumusulat ka lang din ng sanaysay, mahalagang kilalanin mo muna ang iyong paksa bago mo ito isulat. Gawin ang mga paraan upang makilala at alamin ang iyong paksa. Mahirap gumawa ng talumpati tungkol sa isang paksang wala kang alam — parang isang sundalong sumabak sa laban ng walang armas.

Mainam na magsaliksik muna bago mo isulat ang iyong talumpati upang maging malinis at madali itong sundan. Dahil kung hindi, malaki ang tiyansa na magpapaligoy-ligoy ka at walang makakaintindi ng iyong tinatalumpati.

Kung hindi ka isang bihasang mananalumpati, at ito ang iyong first time na magbibigay ng isang talumpati, ang tip ko para sa iyo ay magsulat ng dalawa o tatlong mga bagay kaugnay ng iyong paksa, at dito ka mag-focus.

Isulat ang iyong talumpati ayon sa isang balangkas

Ang susunod na hakbang matapos kang magsaliksik ukol sa iyong paksa ay ang pag-susulat ayon sa isang balangkas. Para sa mga beginners na mananalumpati at sa mga talumpating hindi kinakailangan ng magarbong presentasyon, iminumungkahi kong gumamit ng isang three-part system na format.

Ang format ay inilathala sa ibaba:

1. Panimula – dito nakapaloob ang lahat ng “magandang umaga” at pagbati na iyong sasabihin. Dito mo rin ilalahad kung bakit ka nagbibigay ng isang talumpati. Kung gusto mong maging extra at makinig lahat sa iyo, maaari kang gumamit ng isang mabigat na pahayag. Siguraduhin mo lang na babawiin mo ito sa content ng kabuuan ipamh iklaro ang iyong panimulang pahayag.

Halimbawa: (Isang talumpati tungkol sa iyong pahayag sa kung dapat nga bang i-Abolish ng Sangguniang Kabataan)

“Walang kwenta ang mga kabataan! Mga kababaihan, kalalakihan o mga kabilang sa LGBT community, magandang gabi at nakatayo ako sa inyong harapan upang italumpati kung bakit sa tingin ko, walang kwenta ang mga kabataan.”

2. Kabuuan – naaalala mo ba ang tatlong mahahalagang bagay tungkol sa iyong paksa na aking ipinasulat sa umpisa? Dito sa parteng ito mo na sila tatalakayin, isa-isa. Unahin mo muna ang pinaka-i portante sa tatlo at i-sunod mo ito sa iyong naging panimula.

Halimbawa: (Ang tatlong mahahalagang paksa ay: 1. Bakit dapat i-abolish ang SK? 2. Bakit hindi dapat i-abolish ang SK?. 3. Epekto nito sa kabataan.)

“Kakatapos lang ng 2018 SK Elections ngunit usap-usapan pa rin kung dapat nga bang i-abolish ang nasabing local youth organization dito sa Pilipinas. Magpakatotoo tayo, ang mga kabataan ngayon ay walang kwenta. Wala silang ginagawang makabuluhan. Oo, merong mga parte ng church at school organizations ngunit ayon sa estadistika, malaking parte pa rin ng mga kabataan natin ang nasa bahay lang at walang-hanggang nag-i-scroll sa Facebook at tinatawanan ang mga “memes.” Kaya wala silang kwenta.

Sinasabing dapat i-abolish ang SK dahil wala naman itong naitutulong at hindi interesado dito ang mga kabataan. Bukod pa roon, gumagamit rin ito ng funds na di umano’y napupunta lang sa wala at “breeding ground” rin daw ito ng political dynasty.

Ngunit sa tingin ko, hindi. Ang problema’y kulang ng mga inobatibong mga programa ang SK natin at kaunti lang ang nakakaalam dito. Bakit hindi natin gamitin ang social media upang ipromote ang ating SK sa ating baranggay at magkaroon ng mga seminars at trainings kung saan matututo ang mga kabataan natin?

Kung tatanggalin ito, mas lalong mawawalan ng halaga aang ating mga kabataan. Ano na lang ang sasabihin ng ating bayaninb si Jose Rizal kung ang mga kabataan natin ay mga tambay lamang?”

3. Kongklusypn – dito i-bubuod natin ang lahat ng mga nasabi natin, at, mas mainam kung mag-iwan ng isang malakas na katapusan upang tatatak sa mga tagapakinig.

Halimbawa:

“Kaya kung i-a-abolish ito, mas lalong mawawalan ng outlet ang mga kabataan upang matuto at lumaki at maging mabubuting mga Pilipino. Kung i-a-abolish ito, magiging walang kwenta ang Pilipinas.”

Ibang mga tips kung paano gumawa ng talumpati

1. Isulat ito ng tila nakikipag-usap sa isang kaibigan. Huwag maging pormal.
2. Gawing simple at huwag maging komplikado sa paggamit ng salita at mga ideya.
3. Maging matalino sa pag-alam ng kung sino ang iyong mga audience, upang maisulat ang talumpati nang naaayon sa kanila.

At ngayon, handa ka ng isulat ang iyong talumpati.ang kinakailangan mo na lang ay mag-ensayo ng maayos sa paraan ng pagbigkas nito.

Sa mga nais matuto kung paano mag-talumpati, mayroon kaming article para diyan!

(Ang halimbawang ibinigay ay halimbawa ng isang opinion speech ukol sa isang paksa. Ginamit lamang itong bilang isang halimbawa upang mainam na maipakita ang pag-apply ng mga technique na ginamit).


Resources:

Loading...

http://teacher.scholastic.com/writewit/speech/tips.htm
https://m.wikihow.com/Write-a-Speeh-Outline
http://www.eaglenews.ph/sk-should-be-abolished/

Comments

comments

error: Content is protected !!