​​

Paano Matuto Mag English

Marami sa atin ang may gustong matuto mag english. Ang pagiging magaling sa pagsasalita at pagsusulat sa English ay isang magandang kasanayan na maari mong taglayin. Ang English ay itinuturing “universal language” at natutunan ang basic English umpisa pa lang sa ating pag-aaral sa paaralan. Magandang matuto ng English at maging fluent dito dahil maraming oportunidad ang magbubukas para sa iyo. Maari kang makipag-communicate sa ibang lahi, gamit ang English. Maari kang makapagsulat sa English at maipahayag ang iyong mga saloobin. Higit sa lahat, magiging parte ng iyong trabaho ang English, lalo na kung ikaw ay nagtra-trabaho sa isang opisina. Ito ang wika sa iyong job interview, ang iyong mga isusulat na reports ay required na English ang gamit na medium.

paano matuto mag english

Paano matuto mag English?

Pormal na edukasyon.

Isang paraan upang matuto mag English ay ang formal education. Mas kilala ito bilang ang subject na “English” na natutunan natin mula unang taon ng pag-aaral. Ito ay libre para sa ating mga Pilipino. Kasama ang subject na English sa ating curriculum, at panigurado, napag-aralan mo rin ito noong ikaw ay nag-aaral pa. Natutunan natin ang basic grammar, sentence construction at vocabulary words sa ating paaralan. Sa pagkakaroon ng formal education ng English, natutunan natin ang basics ng English at mayroon na tayong pundasyon upang matutunan ito.

Alam niyo ba? Maswerte tayong mga Pilipino dahil hindi na natin kailangang matuto ng bagong alphabet dahil ang English alphabet at Alpabetong Filipino ay halos parehas lamang? (Ang pagkakaiba lamang ay ang letter ñ at ng). Hindi katulad ng mga Chinese, Thai o Korean, na kailangan pang ma-tutuhan ang English alphabet dahil iba ang writing script ng kanilang native language. Bukod rito, ang mga sounds na ginagamit sa English ay familiar sa ating mga Pilipino kaya madali natin itong bigkasin. (Halimbawa: Ang letter /r/ ay nawawala para sa mga Korean. Eleanor ay nagiging E-la-no).

Magbasa ka sa English

Marami kang matututunan sa pagbabasa. Mga magazine, newspaper, articles sa internet, novels, ay magandang basahin upang matuto ng English. Matututuhan mo rito ang grammar, at mapapalawak mo ang iyong vocabulary. Bukod sa pagkatuto ng grammar at vocabulary, bonus na rin ang pagkatuto ng mga native-American expressions at idioms sa iyong pagbabasa. “Stop chickening out,” ay nangangahulugang huwag maging duwag, at hindi literal na maging isang manok na tumitilaok.

Imbes na magbasa ng mga stories sa Wattpad, na Filipino ang gamit na medium, magbasa ng mga English stories ng mapalawak ang iyong kaalaman sa English. Ugaliing magbuklat ng mga English magazines at kung ikaw ay may hindi nauunawaang mga salita, consult your Merriam Webster Dictionary upang malaman ang meaning. Magbasa ng mga novels na English ang medium. Maraming matutunan sa mga librong isinulat ni Rick Riordan lalo na sa vocabulary. Kung naghahanap ng ibang mga authors, pumili ng mga libro na isinulat ni Rainbow Rowell (Fangirl, Eleanor and Park, Attachments) at si John Green na sikat dahil sa kanyang librong “The Fault in Our Stars”.

Isang magandang habit ang pagbabasa dahil marami kang matututunan at mawiwili ka pa habang nagbabasa.

Manood ng mga English na palabas

Manood ng mga English movies. Bukod sa pagbabasa, matututo ka rin sa panonood ng mga English films (movies man o television series). Isa pang magandang advantage na mapupulot mo sa panonood ng English films ay ang tamang pagbigkas (correct pronunciation), ang accent at ang diction. Mas mainam kung may subtitles ang pinapanood na movie upang malaman na rin ang correct spelling at written form ng naririnig na English words.

Hindi tulad ng libro, may maririnig kang audio sa movie na makakatulong sa’yo upang malaman ang pronunciation ng mga salitang iyong binibigkas. Ang salitang jalapeño ay maaring mabigkas bilang ja-la-pe-nyo. Ngunit ang tamang pagbikas nito ay ha-la-pe-nyo.  Matuto ka rin ng tamang accent upang maging mas malinaw ang iyong English at madali itong maintindihan. Lalo na kapag ang native language mo ay isang diyalekto (dialect) na matitigas ang sound. Ang mga Cebuano at Ilokana ay kapansin-pansin na iba ang accent sa mga Filipino na Tagalog ang native language. Matutunan mo rin ang tamang diction sa iyong pagsasalita ng English. Ang diction ay ang tamang pagpili at paggamit ng iyong mga salita.

Isang magandang approach sa pag-aaral ng isang bagong language ang pagka-expose sa language na ito. Ang panonood ng mga movies o television series sa language na pinag-aaralan ay isang magandang strategy. Ito ay madalas ko ring ginagamit sa pagkatuto ng ibang wika tulad ng Korean, Chinese at Thai. Magagamit rin ang tip na ito sa pag-aaral ng English.

Self-study

Paano naman kung nakatapos ka na ng pag-aaral ng elementary ngunit nais mong balikan ang mga lessons mo noon? Tulad ng simpleng parts of speeches (conjunctions, ligature, etc). Madaling balikan ang pagkatuto ng English dahil sa mga available na libro o videos, websites, apps sa internet na maaring makatulong sa iyo. Usong-uso ngayon ang mga grammar test apps upang masukat ang kaalaman mo sa proper English grammar, at maayos na paggamit ng uppercase at lowercase letters (capitalization) at pananda o bantas (punctuations).

Maraming videos online ang makaka-pagturo sa iyo ng English. Ang maganda pa doon, ang mga video na ito ay intended sa mga natuto ng English kaya’t madali mong matutuna ang mga lesso at concepts sa mga video na ito.

Training

Marami kang makikitang ganito. Karamihan ay may mga bayad ngunit may makikita ka rin naming libre. Maari kang magtanong sa mga paaralan kung may ino-offer ba silang ganoong klase ng training o kaya naman ay mag-search sa internet. Marami kang makikita sa internet. May mga libro at mayroon ding mga video. Isa sa maiirekomenda naming at itong kurso sa Coursera: Academic English. May bayad ang kursong iyan kung gusto mong magkaroon ng certificate at libre naman kung hindi mo ito kailangan.

Gamitin palagi.

Gaya ng ibang kasanayan, ang pagsasalita o pagsusulat ng English ay makukuha sa paggamit nito. Kaya hangga’t maaari ay gamitin mo ito upang masanay ka. Hayaan mo lang kung may mga mali ka. Tandaan, mas matututo ka sa mga pagkakamali.

Sana ay makatulong ang mga nabanggit sa iyo at ikaw ay matuto mag english. Ang pag-aaral ng English ay hindi madali. Tulad ng pag-aaral ng kahit anong wika o subject. Kailangan itong seryosohin at kailangang maglaan ng oras, pagod at effort para dito. Kaya mo ‘yan, sisiw lang ‘yan. Magiging fluent ka rin para sa future job interviews or opportunities.

Paano matuto mag english? Ngayon alam mo na kung paano. I-share mo na rin ito, baka mayroon kang mga kaibigan pa na gustong matuto mag english para sabay-sabay na kayo mag-aral. Mas marami, mas masaya!

Comments

comments

error: Content is protected !!