​​

Paano Sumulat ng Tula at mga Halimbawa

Kailangan mong sumulat ng tula, alin man sa assignment mo sa school o trip mo lang o may pag-aalayan ka nito, ngunit nahihirapan ka at hindi mo alam kung paano. Pero ‘wag kang mag-alala. Dahil tutulungan ka namin sumulat ng tula.

Maraming uri ng tula pero hindi na namin iisa-isahin. Karamihan naman sa kanila ay nagkakaiba-iba lang sa itsura, bilang ng pantig, bilang ng saknong at kung ano pa. Simulan natin.

paano sumulat ng tula

Paano sumulat ng tula?

 

Inspirasyon

Una, kailangan mo ng dahilan kung bakit ka susulat ng tula. At ito ang magiging inspirasyon mo. Maaaring assignment mo nga ito sa school pero kailangan mo ng inspirasyon kung para kanino o para saan ang tula. Para sa bayan? Pwede. Para sa iyong minamahal? Pwede rin. Kahit ano, kahit kanino. Walang maglilimita sa iyo kung para saan o kanino ba ang tula mo. Ang mahalaga ay makakuha ka ng inspirasyon. Kasi kapag may inspirasyon ka na, mas gaganahan ang iyong isip at makakapagbigay ito ng mga salitang dapat mong gamitin sa pagsulat ng tula.

Magbasa at makinig

Magbasa ka din ng mga tula. Hindi ka kasi mai-inspire kung hindi ka magbabasa ng tula ng iba. Kung para sa pamilya ang gagawin mong tula, maghanap ka ng tula na para din sa pamilya. Kung tungkol naman sa kalungkutan, maghanap at magbasa ka ng tula na ginawa rin ng isang malungkot na may akda.

Makinig ka sa tula ng iba o kaya naman ay basahin mo nang malakas ang mga tulang mababasa mo. Bakit? Kailangang masanay ang pandinig mo sa kung ano ang magandang tula. Alam naman natin na karamihan sa mga tula ay magkakasingtugma ang mga huling salita.

Mensahe

Ito ang isang mahalaga, ang mensahe. Ano ang nais mong iparating sa pagsulat mo ng tula? Naghihimagsik ka ba o nagrerebelde o nagmamahal at umiibig? Sa umpisa pa lang, dapat alam mo na ang mensaheng nais mong iparating sa mga babasa.

Piliin mo ang uri ng panulaan na iyong gagamitin.

May inspirasyon ka na, sanay na ang iyong tenga at nasa mood na ang iyong damdamin sa paggawa ng tula, at malinaw na sa iyong sarili ang mensaheng nais mong iparating. Ngayon, kailangan mo na pumili ng uri ng tula na iyong gagamitin. Marami iyan – sonnet, epic, limerick, haiku, tanaga.

Kailangan mo ba talaga pumili? Minsan oo, minsan hindi. Kung assignment mo ay isang sonnet, hindi ka naman pwedeng sumulat ng haiku. Dahil siguradong mapapagalitan ka ng iyong teacher. Kung hindi mo kailangang mamili, maaari ka naman lumikha sa free verse. Malaya ka. Walang limitasyon. Nasa iyo na kung paano mo gagawin ang iyong tula.

Narito ang ilang halimbawa ng isang tula. Basahin mo at baka makakuha ka rin ng inspirasyon.

***

Ang Awit ni Maria Clara

ni: Jose Rizal

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

***

Puso, Ano Ka?
ni: Jose Corazon de Jesus

Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

***

Sana ay nakakuha ka ng inspirasyong sumulat ng tula. Maaari mo rin naman ibahagi sa amin ang iyong naisulat na tula.

Loading...

Source: SEAsite, Tagalog Lang

Comments

comments

error: Content is protected !!