​​

Paano Magkaroon ng Lakas ng Loob

May kailangan kang harapin na misyon. Siguro ikaw ang head ng isang project sa kompanya mo, o siguro gusto mong itanong kung pwedeng maging girlfriend mo na siya pagkatapos ng ilang buwan na panliligaw. Pero may problema. Takot kang mabigo at bumagsak. Kaya hindi mo ito magawang umpisahan and take a step forward.

Kailangan mo ng lakas ng loob para mapagtagumpayan at malabanan ang takot na ito. Dahil kung patuloy kang matatakot, walang mangyayari at hindi mo makakamit ang matamis na tagumpay. Huwag mong hayaang maging isang rebulto ang sarili mo dahil sa sobrang takot. Sa halip, labanan mo ang takot na ito at magkaroon ka ng lakas ng loob.

fear

img source: pixabay.com

Paano nga ba magkaroon ng lakas ng loob?

Be positive

Maging positibo ka. Huwag mong isipin na magiging masama ang bunga ng iyong mga paghihirap. Sa pagiisip ng negatibo, unti-unti mong dinudurog ang tiwala mo sa iyong sarili. Ang pagiging positibo ay isang magandang katangian upang magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Sa pag-iisip ng mga positibong bagay habang ikaw ay nagtratrabaho o gumagawa ng pang-araw-araw na gawain, napabubuti mo ang resulta ng iyong mga ginagawa.

Imbes na isipin mong magagalit sa’yo ang boss mo dahil wala sa standards niya ang report mo, isipin mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo at pupuriin ka pa ng boss mo. Kung negatibo ang pagtingin mo sa isang bagay, mawawalan ka ng ganang pagbutihan pa ang trabaho mo.

Kill the negative thoughts

Patayin mo ang mga negatibong ideya. Uubusin ng mga negatibong ideya ang pasensya mo at ang tiwala mo sa iyong sarili na tila ka isang nauupos na kandila. Tulad ng nabanggit sa itaas, nakakawalang gana ang mga negatibong pagtingin sa mga bagay. Huwag mong isipin na hindi mo ito kayang gawin. Sa halip, isipin mo na kakayanin mo ito at magagawa mo ito ng maayos. Ang pagiging negatibo ay nakakapagpababa ng kasiyahan at self-esteem. Dahil wala kang kakayahang mapansin ang mga positibo at masayang bagay sa paligid mo.

Ang pagiging positibo at pagpatay sa mga negatibong pananaw ay isang epektibong paraan para magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili at lakas ng loob. Ang pagiging isang negative thinker ay pumapatay ng brain cells. Hindi healthy ‘yon para sa iyo at hindi ka matutulungan niyon sa pagkakaroon ng tiwala sa iyong sarili.

Subukan mong maging positive at mas makakayanan mong malagpasan ang takot ng pagkabigo.

Believe in yourself

Ang salitang confidence ay galing sa wikang Latin at nangangahulugan itong “have faith.” O pagkakaroon ng tiwala sa iyong sarili. Kadalasan, ang mga taong hindi naniniwala sa kanilang mga sarili ay sumusuko na bago pa man nag-uumpisa ang laban. Karamihan sa kanila ang mga torpe o duwag na takot lumaban dahil takot harapin ang pagkabigo o failure.

Humarap ka sa isang salamin at kausapin mo ang sarili mo. Give yourself a pep talk whenever going into battle. Sabihin mo sa sarili mo na kaya mo, magagawa mo at magiging maganda ang performance mo. Magandang magkaroon ng mantra na maari mong ulit-ulitin sa sarili mo kapag ikaw ay kinakabahan o natatakot. Pwede mong ulitin ang mantra na ito habang ikaw ay naliligo, nasa sasakyan, o naglalakad.

Huwag mong ipagdamot ang tiwala mo sa iyong sarili. Maniwala ka sa mga kakayahan mo at maniwala kang magagawa mo. Kung hindi mo paniniwalaan ang sarili mo, sino ang maniniwala?

Communicate

Kung may mga insecurities ka man, o mga takot, or just your thoughts, sabihin mo ito sa isang taong iyong mapagkakatiwalaan. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay isang proseso na pinagdadaanan ng maraming tao. Marahil ang kaibigan mo, ang kapatid mo. Kaya huwag kang matakot na sabihin ito sa isang taong makakaintindi sa iyo. Minsan, mahirap rin ang magkimkim ng emosyon dahil kapag naubos na ang pasensya mo at nasa limit ka na, bigla ka na lang sasabog na parang isang bulkan.

At kung walang taong handang makinig para sa iyo, nandiyan ang internet na maari mong puntahan. Maraming mga forums o community online na maaring makatulong sa iyo. Pwede kang maging anonymous o pwede mo ring sabihin ang pangalan mo.

Accept failures and learn from it

Tanggapin mong mabibigo ka along the way. Walang perfect shot sa unang tira. Mararanasan at mararanasan mo rin ang failure na sinasabi nila. Normal lang yan, at parte ‘yan ng gulong ng buhay. Pero kapag naranasan mo ang pagbigo, tanggapin mo ito ng buong-buong at matuto dito. Hindi ka nagtagumpay dahil may pagkakamali kang nagawa. Tanggapin mo iyon at matuto mula sa iyong mga pagkakamali upang hindi ka na magkakamali sa susunod na pagkakataon.

Pagkatapos mong bumagsak, tumayo ka kaagad at lingunin ang binagsakan mo. Kalimutan mo ang iyong pagkatalo at siguraduhing natutunan mo ang iyong mga pagkakamali. Take it as a life lesson.

Sa ganitong paraan, nahuhulma ang iyong pagkatao na hindi matakot sa pagkabigo. Sa halip, mapagtatanto mo na parte ng tagumpay ang mga pagbagsak at ang mga failure. Ito ang bubuo sa iyong upang maging matagumpay. Failure makes success,” they say.

Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay importante para makamit mo ang tagumpay. Huwag kang matakot na sumubok o mabigo dahil iyan ang bubuo sa’yo upang maging isang matagumpay na tao. Good luck, alam kong kaya mo ‘yan!

Comments

comments

error: Content is protected !!