​​

Paano Makisalamuha sa mga Negatibong Tao

Harapin natin ang katotohanan. Hindi natin maiiwasan ang makisalamuha sa mga negatibong tao. Mayroon at mayroon tayong kaibigan na nawalan na ng pag-asa at negatibo ang pananaw sa buhay. Bukod doon, nakakahawa ang mga negatibong tao.

Marami sa kanila ang mahirap makausap at hindi sila masayahin. Hindi sila marunog makisabay sa agos at palagi na lang silang nagko-complain o nagagalit. Pero kapag kasama mo na ang isang negatibong tao, ano ba dapat ang gawin mo?

negatibo

Paano nga ba makisalamuha sa mga negatibong tao?

Arguments are pointless

Huwag kang makikipag-away o makipag-debate sa mga negatibong tao. Iba ang pananaw nila sa buhay at hindi nagkakalayong iba ang kanilang mga paniniwala. Walang patutunguhan ang isang away kasama ang mga negatibong tao. Hindi ito makabubuti sa iyo at mga tao sa paligid mo. Hindi healthy makipag-away sa mga negatibog tao dahil mahirap intindihin ang tingin nila sa mundo.

Iwasan mong makipag-away sa mga negatibong tao. Ito dapat ang pinakainiiwasan mo dahil ito ang pinakamalala sa lahat ng dapat mong iwasan.

Know your boundaries

Maraming negatibong tao ang sensitibo. Dapat alam mo kung ano ang dapat mong pag-usapan at kung ano ang hindi. Mga topics tulad ng rape, pamilya o kamatayan ang mga gusto mong iwasan. May tendency na ang dahilan kung bakit negatibo ang mga taong ito ay dahil sa isang trauma na naranasan nila sa kanilang buhay.

Iwasan mong makipag-usap tungkol sa mga bagay na ito. Wala kang nagagawa kung hindi buksan lang ang isang sugat sa loob ng kanilang mga puso. Kahit ang simpleng usap tungkol sa kasiyahan o ang mundo ay maaring makasakit sa mga taong sensitibo.

Mas lalo mo dapat iwasan ang ganitong mga pag-uusap kung hindi mo sila kilala ng lubos. Malaki ang tiyansa na may pinagdaanan sila na naging dahilan ng kanilang pagiging negatibo at iwasan mong pag-usapan ang dahilan na iyon.

Avoid them

Isa pang dapat mong iwasan ay ang mga negatibong tao mismo. Ito naman ay kung maaari lang. Subukan mo ang lahat ng makakaya mo na iwasang makisalamuha sila. Hindi dahil parang mayroon silang nakakahawang sakit ngunit dahil mahirap silang pakisamahan.

Dapat kang maging mapanuri sa mga galaw mo dahil sila ay sensitibo at isang maling galaw lang, hindi mo na alam, nasaktan mo na pala sila. Umiwas ka sa mga negatibong tao lalo na kapag ikaw ang tipo ng tao na happy-go-lucky at positibo ang pananaw sa buhay.

Ang mga negatibong tao ay hindi magandang balita ngunit huwag kang gumamit ng mga masasakit na salita at itaboy sila. Nakakasakit ka lang ng kapwa at sinasaktan mo rin ang sarili mo. Negatibo na nga ang pananaw niya sa buhay, dadagdag ka pa sa mga rason kung bakit siya negatibo.

Be around other people

Kung hindi mo talaga maiwasang makasama ang mga negatibong tao, siguraduhin mong may iba kayong kasama. Nakakatakot isipin na maging mag-isa kasama ang isang negatibong tao. Mahihirapan ka kung bigla na lang nag-breakdown ang taong ito.

Mas nakabubuti kung may kasama kang iba, lalo na ang mga kaibigan ng negatibong tao para kung sakaling may mangyari man, ay may taong tutulong sa iyo para lutasin ang sitwasyon. At hindi lang iyon, kung sakaling magkaroon man ng away sa pagitan ninyong dalawa, mayroong mga taong handang umawat sa inyong labanan.

Don’t use harsh words

Ang pinakanais mong iwasan ay ang paggamit ng mga nakakasakit na mga salita. Ang simpleng ‘negatibo’ ay maari ng makasakit ng kanilang damdamin. Iwasan mong magbigay ng feedback sa kanilang performance lalo na kung ang feedback na ibibigay mo ay negatibo. Hindi na nga masaya ang tao, dadagdag ka pa sa mga problema niya. Para ka lang nagbuhos ng gas sa isang nagliliyab na apoy.

Ang pinakagusto mong gawin ay bigyan sila ng positibog mga komento. Praise them kapag may nagawa silang maganda. Kahit na ang simpleng pag-compliment sa kanilang suot o hitsura ay isang magandang simula. Nakakahawa man ang pagiging negatibo, nakakahawa rin ang pagiging positibo. Iwasan mong saktan ang kanilang feelings dahil dumadagdag ka lang sa mga rason ng pagiging negatibo nila. Hindi ka nakakatulong kung ang alam mo lang gawin ay hanapin ang mga kahinaan nila.

Huwag mo rin silang huhusgahan at kailanman, huwag mong hanapin ang pagkakamali at kahinaan nila. Lumalabas na ang tingin mo sa kanila ay isang mababang uri ng tao.

Encourage them

Most of the time, ang mga response nila ay maaring maging negatibo. Huwag mong pansinin ang mga negatibo nilang mga komento dahil maiinis at maasar ka lang kung ikaw ay magpapaapekto. Ngunit kung nagkaroon ng milagro at sila ay ngimingiti, nagiging masaya at may kasiyahan sa kanilang mga salita, encourage her. Sabihin mong mas gumaganda siya o gumagwapo kung siya ay nakangiti. Maging masaya ka kung masaya siya sa paligid mo.

Don’t go overboard though. Huwag mong sobrahan. Gawin mong minimal lang ang mga complement at baka mapagkamalan kang pinopormahan siya. Pero kung gusto mo siyang mahalin, bakit hindi? Siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan at handa kang manatili sa tabi niya palagi.

Mahirap makisama sa mga negatibong tao. Maaring mauwi lang sa awayan at sakitan lalo na kung hindi ka maingat sa paligid ng mga negatibong tao. Pero kung magagawa mo ang mga dapat mong gawin, at maiiwasan mo ang mga hindi dapat, magiging smooth-sailing ang oras mo kasama ang mga negatibong tao.

Comments

comments

error: Content is protected !!