​​

Paano Maging Matalino

Alam namin, marami ang may gustong maging matalino. Hindi dahil sa sila ay bobo, at wala namang taong bobo, kundi nagnanais lamang madagdagan ang katalinuhan. Dahil bukod sa katawan ay ang talino at husay ang puhunan ng karamihan sa atin upang umasenso sa buhay. Ngunit paano nga ba maging matalino?

brain

img source: pixabay.com

Pagkain at Inumin

Iba’t ibang sustansya ang nakukuha sa iba’t ibang uri ng pagkain. May pagkain na nakakapagbigay ng enerhiya, sigla at lakas ng katawan. Ganoon din sa ating isipan. Upang ang ating utak ay maging malusog, kailangan nito ng sustansya.

  • Dark chocolate – Nakakapagpaganda ng pagdaloy ng dugo sa utak ang dark chocolate na magiging dahilan ng mas matalas na memorya at mas mabilis na pag-iisip.
  • Isda – Kumain ng mga isdang mayaman sa Omega 3 gaya ng tuna, tilapia, sardinas at bangus.
  • Mani – Totoo pala na nakakapagpatalino ang mani. Ito ay dahil sa pagtataglay nito ng Bitamina E. Hindi lang naman mani kundi lahat ng klase ng mga nuts. Nariyan din ang almonds, pili, kasoy at iba pa.
  • Abokado – Mayaman din ito sa Bitamina E at ganoon din sa Bitamina C.
  • Ang sobrang alak naman ay nakakasama, pagkat makakasira ito ng mga cells sa ating utak. Sabi nga nila, ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kaya naman hinay-hinay lang.

Pagbabasa, Panonood, Pakikinig

Kahit naman siguro mga bata ay alam na ang pagbabasa ay nakakadagdag ng katalinuhan. Depende na lang siguro sa kung ano ang binabasa. Sa pagbabasa, nahahasa ang ating bokabularyo. Lalo na ngayon sa panahon na kung anu-ano na ang maaaring mabasa sa internet. Ganoon din sa maaaring mapanood at mapakinggan. Maging mapili na lamang. Kung gusto talagang maging matalino, basahin, panoorin o pakinggan ang mga bagay na makakapagdagdag sa kaalaman. Napakarami ngayong mga websites na nagbibigay ng mga maling impormasyon para lamang kumita. Maging mapanuri tayo sa ating mga binabasa.

Ehersisyo

Gaya ng pisikal na pangangatawan, kailangan ng utak ng ehersisyo.

  • Subukin ang memorya. Gumawa ka ng listahan ng kahit na anong mga bagay at subukan mo kung kaya mo itong imemorya. Gawin lang ito nang paulit-ulit.
  • Mag-calculate gamit ang utak. Bakit pa ba? May calculator naman. May cell phone naman. Kadalasan, kahit mga simpleng aritmetik ay ginagamitan pa ngayon ng calxulator. Hindi malayong humihina na nga ang utak kung palaging ganoon.
  • Magsulat, sa halip na mag-type sa computer o cell phone.
  • Maglaro ng iba’t ibang puzzle games gaya ng sudoku, kakuro, word puzzles, maze, at iba pa.
  • Magmeditate. Gawin ito araw-araw. Kahit ilang minuto lang. Makakatulong ito sa memorya at pagkakaroon ng focus sa mga bagay na kailangang gawin.

Gamitin ang utak. Gaya ng ating katawan, humihina ito kung hindi tayo gagalaw. Sabi nga nila, kung hindi na raw ginagamit ang utak, ibenta mo na!

 

Comments

comments

error: Content is protected !!