​​

Paano Magpaputi at Kuminis ang Balat

Marami talaga ang gustong magpaputi. Bagamat hindi dapat, ang pagkakaroon kasi ng maputi at makinis na balat ay tila nagiging isang sukatan ng kagandahan. Hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa rin tulad ng South Korea, Japan at Thailand. Kaya naman marami ang nagnanais na malaman kung paano magpaputi at kung paano kuminis ang kutis.

Paano magpaputi

src: http://www.wikihow.com/Have-Light-Skin

Paano magpaputi at kuminis?

Sa pagkain ating nakukuha ang mga sustansya at bitamina para sa ating balat. Ang pagkain ng tama na siksik sa mga bitamina at mineral ay nakakatulong upang pumuti at kuminis ang balat. Ang pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C ay epektibo upang pumuti ang balat. Ang Vitamin C ay matatagpuan sa mga citrus fruits tulad ng orange, lemon, papaya, pinya at iba pa. Ito ay dahil ang Vitamin C ay nakakabawas ng produksyon ng melanin na dahilan ng mabilis na pangingitim ng balat.

Ang lemon at papaya ay sikat na pampaputi ng balat. Maraming skin whitening products ang gumagamit ng lemon o papaya dahil sa taglay nitong benipisyo para sa ating balat. Ang lemon ay likas na mayaman sa Vitamin C at ito rin ay isang natural na bleaching agent. Ang papaya naman ay puno rin ng Vitamin C at isa ring bleaching agent. Bukod rito, ang papaya ay may cleansing properties na nagtatanggal ng mga dumi sa balat na nagdudulot ng maitim na kulay.

Ang pagkakaroon ng isang balanseng diet kung saan nakukuha mo lahat ng iyong sustansyang kailangan ay isa sa mga paraan upang mapaputi ang iyong balat. “You are what you eat” sabi nga nila. Kaya kung masustansya ang iyong kinakain, tiyak magkakaroon ka ng maputi at makinis na balat.

Maraming mga mabibiling beauty products ang may skin-lightening benefits. Ngunit kailangan mong maging mapanuri dahil ang ibang mga beauty products ay naglalaman ng mga carcinogenic chemicals na nakakamatay. Kailangan mong magkaroon ng isang mapagkakatiwalaang brand at huwag umasa sa mga nabibili sa bangketa.

Maraming whitening soap ang nabibili sa merkado. Ang isang magandang whitening soap ay papaya o lemon soap dahil tulad ng nabanggit sa itaas ang papaya at lemon ay may natural bleaching properties. Ang whitening creams at lotion ay magandang gamitin ngunit dapat kang maging mapanuri sa brand at ingredients ng mga produktong ito. Ang Human Nature ay isang natural beauty brand na hindi gumagamit ng mga chemicals sa kanilang mga produkto.

Isang sikat na pampaputi ay ang gluta o glutathione. Maraming mga resellers nito na naglipana na sa mga Buy and Sell Facebook groups. Ngunit huwag kang magpapaloko. Maraming mga glutathione ang peke at hindi totoo. At kapag in-inject sa iyong balat ay maaring magkaroon ka ng sakit mula sa pekeng glutathione. Ang pag-inject nito ng isang taong walang lisensya at hindi isang professional ay maaring maging dahilan ng mga sakit tulad ng HIV at AIDS dahil sa paggamit ng iisang karayom. Siguraduhin lang na ang gagamitin ay aprubado ng FDA para makaiwas sa anumang masamang epekto.

Ang pagkakaroon ng isang regular skin care routine ay nakakatulong paputiin at alagaan ang iyong balat. Bago matulog ay siguraduhin mong natanggal na ang makeup mo sa iyong mukha. Ang regular na paghihilamos ng mukha ay nakakatulong upang manatiling malinis ang pores sa iyong balat. At ang paggamit rin ng mga beauty products sa iyong skin care routine ay nakakatulong paputiin ang iyong balat.

Maraming mga natural facial wash na ngayon na pwede mo nang gawin sa iyong bahay. Ang simpleng paglalagay ng slices ng pipino o patatas sa iyong mukha ay nakakatulong paputiin ang kulay ng iyong balat. Ang pipino rin ay nagsasama ng collagen upang maging firm at bata ang iyong balat.

Ang mask rin ay isang magandang paraan upang gawing maputi ang iyong balat. Kuskusin ang kalahati ng isang lemon sa iyong balat upang paputiin ang mga maiitim na bahagi. Ang lemon ay may skin bleaching properties at ang direktang paggamit nito sa iyong balat ay isang magandang solusyon upang magkaroon ng maputing balat.

Maraming mga natural na paraan kung paano magpaputi ng ating balat.

Ang exposure sa araw ay nagpapabilis ng produksyon ng melanin – isang cell sa ating balat na dahilan ng ating kulay. Mas maraming melanin ay mas maitim na balat. Ang sobrang pagkabilad sa araw ay nagdudulot ng maitim na balat. Kaya ang mga gustong magka-tan ay nagbibilad sa araw ng matagal.

Iwasan mong magpa-araw lalo na sa mga oras na sobrang init. Ang sinag ng araw sa umaga ay mayaman sa Vitamin D para sa iyong mga buto. Ngunit ang sinag ng araw sa hapon kung saan tirik na tirik ito ay nagpapaitim at maari ring maging dahilan ng heat stroke o pagkahimatay. Iwasan ang sobrang exposure sa araw.

Kung hindi naman maiiwasan, gumamit ng isang sunscreen o sunblock na tama ang bilang ng SPF para sa iyong edad. Bago ka magbabad sa dagat tuwing summer, lagyan mo ng sunblock o suncreen ang iyong balat upang maiwasan ang sunburn at upang magkaroon ka ng proteksyon mula sa araw.

Gumamit ng payong upang panangga sa sinag ng araw. At kung gusto mo talagang magpaputi, mag-jacket ka na rin kahit na pawis na pawis ka na. Hayaan mo na lang pag pinagtawanan ka.

Ngayong alam mo na kung paano magpaputi, sana naman ay huwag maging basehan ang pagiging maputi ng kagandahan. Ito ay nasa ating pagtanggap sa ating sarili at ganoon din sa ating kapwa.

Ikaw? May alam ka bang ibang tips kung paano magpaputi at kuminis? Share mo naman sa amin at sa ating mga kaibigan na naghahangad din na pumuti at kuminis ang balat.

Sources:

https://www.illuminatural6i.com/info/vitamin-c-skin-lightening/
http://www.webmd.com/vitamins-supplements/ingredientmono-717-glutathione.aspx

Comments

comments

error: Content is protected !!