​​

Paano Magpaputi ng Ngipin

Bakit gusto nating magpaputi ng ngipin? Kasi, para sa ating mga Pilipino, ang maputi at maayos na ngipin ay kagandahan. Ang maputi at maayos na ngipin ay simbolo ng maayos na hygiene at kadalasan ay mayamang pamilya. Dahil dito, uso para sa mga kabataan ang magpa-braces at magpa-ayos ng ngipin.

Ngunit hindi maikakaila na karamihan sa atin ay may naninilaw at sungki-sungking ngipin. Gusto mo bang magpaputi ng ngipin? Gusto mo bang hindi na mahiya sa pag-pose sa mga pictures? Palagi bang nakatago ang iyong ngipin kapag ikaw ay ngingiti?

magpaputi ng ngipin

[img src] http://naturalsociety.com/natural-teeth-whitening-home-remedies/

Paano magpaputi ng ngipin?

Dental procedures

Ang una sa listahan ay ang pinakamabisa at subok na paraan upang magpaputi ng ngipin. Ang mga dental procedures ay garantisadong magpapaputi ng iyong ngipin. Bisitahin ang lokal na dentista (siguraduhing lisensyado ang iyong dentista at hindi nagdo-doktor-doktoran lang) at mag-inquire tungkol sa mga dental procedures na maaring magpaputi ng iyong ngipin.

Narito ang ilang mga procedures:

  • Teeth bleaching kung saan gumagamit ng bleach upang maalis ang mga mantsa sa iyong ngipin dulot ng iba’t-ibang uri ng pagkain tulad ng kape, juice o mantsa dahil sa paninigarilyo
  • Ayon sa WebMD, isang batikang website pagdating sa mga medical na mga tanong, ang teeth whitening ay hindi para sa lahat, recommended lamang ito sa ibang tao.

Sa paraang ito, dahil isang dentista ang gumagawa ng cosmetic procedure na ito, nananatiling ligtas ang iyong ngipin malayo sa anumang kapahamakan. Dapat ay maging mapanuri sa dentistang bibisitahin at huwag humanap ng isang dentista galing sa tabi-tabi lamang na maaring hindi naman talaga isang dentista.

Teeth whitening kit

May mga nabibiling teeth whitening kit (online at sa ibang mga store) na kadalasang naglalaro sa 800-1500 pesos. Kung masyadong mura ang presyo, magdalawang isip ka na kung ikaw ay bibili. Iwasan ring bumili sa divisoria o sa mga tiangge-tiangge na maaring galing sa China ang teeth whitening kit at magdulot pa ng komplikasyon sa iyong ngipin.

Ang isang teeth whitening kit ay kadalasang mayroon isang whitening gel. Para itong toothpaste na ginagamit sa pagsisipilyo ngunit ito ay mas clear at transparent ang kulay. Mayroon rin itong tray kung saan ilalagay ang whitening gel papunta sa iyong ngipin. Mayroon ring LED light na itututok mo sa iyong ngipin, habang nakalagay ang whitening gel at tray.

Intindihin na hindi lahat ng whitening kit ay ganito ang laman. May mga iba na gumagamit ng ibang teknolohiya upang pumuti ang ngipin.

Ang isang teeth whitening kit ay dapat mong gamitin isang beses sa isang lingo (o ang recommended na frequency ng paggamit sa box) sa loob ng sampung minuto sa bawat gamit.

Natural home remedies

At kung ikaw naman ay nasa budget, at hindi mo ma-afford ang ano man sa mga nailistang paraan sa itaas, narito ang ilang mga paraan na maaari mong gawin sa iyong bahay.

  • Ang paggamit ng baking soda at suka at pagpapahid nito sa iyong ngipin ay isang epektibong instant na solusyon. Ang baking soda at suka ay natural bleaching agents na mag-aalis ng mantsa sa iyong mga ngipin.
  • Ang pagkagat sa lemon na may asin ay gumagana tulad ng sa baking soda at suka. Dahil natural bleaching agent ang lemon, naaalis nito ang dilaw na mantsa sa ngipin.
  • Ang paggamit ng isang whitening toothpaste at circular rotating toothbrush ay isang magandang kombinasyon upang mawala ang mantsa sa iyong ngipin.

Ngunit tandaan na ang home remedies na ito (lalo na ang paggamit ng suka at lemon) ay hindi dapat abusuhin. Dahil kung nasobrahan ang iyong paglagay nito, maaring matunaw ang enamel (outer protective coating) ng iyong ngipin at magdulot pa ng mas maraming mantsa sa iyong ngipin. Mas ligtas pa rin talaga ang paghanap ng solusyon mula sa isang dentista.

At iyan ang ilang mga paraan upang ikaw ay magkaroon ng maputing ngipin at kapag ikaw ay ngingiti, ilalabas mo ang iyong ngipin na talaga namang proud na proud ka. Kaya, sa susunod na may picture taking, huwag ng mahihiyang ilabas ang iyong ngipin. Say cheese!

Loading...

Reference: WebMD

Comments

comments

error: Content is protected !!