​​

Paano Maiiwasan ang Diabetes (Type 2 Diabetes)

Dumarami ang nagkakaroon ng diabetes dito sa Pilipinas at maging sa buong mundo man. Mabuti na ang may alam kung paano maiiwasan ang diabetes. Partikular na dito ang Type 2 diabetes, dahil ang Type 1 diabetes naman ay hindi maiiwasan.

Ano ang diabetes?

Ang diabetes ay isang sakit na makikilala sa mataas na blood sugar level na magiging sanhi naman ng pagkasira o pagka-damaged o failure ng mga bahagi ng katawan ng tao gaya ng mata, kidney, mga ugat at puso.

Sino ang posibleng magkaroon ng diabetes?

  • Ang diabetes ay namamana. Kaya naman kung diabetic ang magulang, posibleng diabetic o mataas ang chance na diabetic din ang anak.
  • Mga obese. Dahil ito sa taas ng sugar sa katawan kaya mas mataas ang chance ng mga obese na magka-diabetes. Pero hindi ibig sabihin na ligtas na ang mga hindi obese.
  • Mga taong may hypertension. High blood pressure.
  • Mga taong may mataas na cholesterol level.

paano maiiwasan ang diabetes

Paano maiiwasan ang diabetes?

Ang mga sumusunod ay makakatulong para mapababa ang chance na magkaroon ng diabetes ang isang tao o makakatulong kung paano maiiwasan ang diabetes:

  • I-maintain ang timbang. Sinasabing may tamang timbang ang isang tao base sa kanyang edad at taas. Mahalagang alamin ito para malaman mo kung ikaw ba ay nagiging obese na.
  • Mag-exercise. Ang regular na pag-eehersisyo ay isa sa pinakamabisang paraan para mag-maintain o magpababa ng timbang. Dahil dito, bababa ang chance na magkaroon ka ng diabetes.
  • Healthy diet. Hindi mo kailangang gutumin ang sarili mo. Tamang pagkain lang ang kailangan. Tamang dami, tamang nutrisyon. Bawasan ang pagkain ng mga pagkaing matamis at maalat. Bawasan din at hangga’t maaari ay iwasan na ang mga processed food o mga instant na pagkain. Damihan ang pagkain ng prutas at gulay.
  • Bawasan ang pag-inom ng alak. Sabi nga, “drink moderately”.
  • Itigil ang paninigarilyo. Isa ang diabetes sa mga masasamang dulot ng paninigarilyo. Kaya habang maaga pa ay itigil na ang paninigarilyo.
  • Magpa-check up regularly sa inyong doctor o sa mga health center.

Mga pagkaing makakatulong para makaiwas sa diabetes:

  • Beans. Ang beans ay nakakatulong para ma-maintain ang blood sugar level at mapababa ang cholesterol.
  • Dairy products. Gaya ng gatas at keso. Pero piliin ang mga non-fat o kaya less sugar.
  • Tuna. Ang isdang mayaman sa omega-3 na nakakatulong para mapababa ang cholesterol.
  • Oats. Oatmeal. Napakayaman nito sa fiber na makakatulong na mawala ang mga bad cholesterol.
  • Ampalaya. Ang pinakapopular na pagkain na sinasabing kontra sa diabetes. Ginawa pa nga itong food supplement para sa mga taong may diabetes.

Ang mga iyan ang mga paraan kung paano maiiwasan ang diabetes. Hindi iyan gamot sa diabetes. Ibang kaso na kung mayroon nang diabetes ang isang tao.

Loading...

References:

Comments

comments

error: Content is protected !!