​​

Paano Mawala ang Pimples

Paano mawala ang pimples? Normal lang ang pagkakaroon ng acne at pimples lalo na sa mga kabataan. Ngunit minsan, nagdudulot ito ng tukso at nakakawala ng tiwala sa sarili. Narito ang ilan sa mga paraan kung paano mawala ang pimples.

paano mawala ang pimples
src: http://mojbalans.com/article/kako-ukloniti-bubuljice-na-prirodan-nacin-1145

Paano mawala ang pimples?

Ang kinakain mo ay nakakapekto sa pimples sa iyong mukha. Mayroong mga pagkain na dahilan ng pagdami ng iyong pimples at mayroon ring ang nakabubuti upang mabawasan mo ang mga ito. Ang pagkain ng asukal o pagkain ng mga matatamis na pagkain ay dapat mong iwasan. Ang pagkakaroon ng acne o pimple ay isang inflammatory condition. At ang asukal ay pro-inflammatory. Sa madaling salita, ang sugar ay nagbo-boost ng dami ng itong pimples.

Dapat mo ring iwasan ang junk food o mga pagkain na maraming grease at fat. Pro-inflammatory rin ang mga pagkain na ito na nagpapabilis ng pagdami ng pimples. Ang junk food ay nagpapataas ng blood sugar levels at nagpapadami ng hormones. Ang pagtaas ng blood sugar level at pagdami ng hormones ay konektado sa pagkakaroon ng pimples ayon sa pag-aaral ng mga siyentista.

Ang mga pagkaing mabibili sa mga fast food restaurants tulad ng burger at fries ay dapat mo ring iwasan. Ang mga ito ay puno ng grease at fat at dahilan ng inflammation sa katawan. Ang pimple ay inflammation sa iyong katawan kung kaya’t nagpapadami ng pimples ang mga ganitong klase ng pagkain.

Ang chocolate ay dapat mo ring iwasan. Kahit na masarap ito, iwasan mo itong kainin. Ito ay puno ng asukal at nagpapadami ng pimples. Ayon sa isang pag-aaral sa Netherlands, ang chocolate ay napatunayang isang dahilan ng pagkakaroon ng pimples.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Subukan mo naman na uminom ng tsaa o tea. Ang tsaa o tea na mabibili sa merkado bilang green tea, jasmine tea, lemon tea o oolong tea ay anti-inflammatory. Tumutulong itong labanan ang pagdami ng pimples at marami rin itong ibang health benefits. Nagtatanggal ito ng pimples, acne at mga blemishes para sa isang makinis at malinis na mukha. Ang tsaa ay isang natural na antioxidant na lumalaban sa produksyon ng hormones na dahilan ng pagkakaroon ng pimples.

Ang mga prutas at gulay ay anti-inflammatory. Mayaman ang mga ito sa mga bitamina upang manatiling makinis at malinis ang iyong balat. Ang mga green vegetables tulad ng cabbage at spinach ay mga antioxidants na nakakatulong mag-alis ng mga imperfections sa ating mukha, kasama na ang mga pimples.

Ang regular na pag-inom ng tubig, walong baso sa isang araw ay nakakatulong upang mawala ang iyong pimples. Nakakatulong itong linisin ang pores ng iyong balat na maaring dahilan ng pagkakaroon ng pimples. Natatanggal nito ang dumi sa ating mga balat. Kapag mayroon tayong pimple ay mas nagiging dehydrated ang ating balat. Kaya nakakatulong ang tubig upang i-rehydrate ito.

Ang lifestyle ay isang dahilan sa pagkakaroon ng acne. Kung ang lifestyle mo ay hindi healthy malaki ang posibilidad ng ikaw ay mayroong pimples. Ang palaging pagiging stress ay hindi maganda ang dulot para sa iyo. Ang stress ay napatunayan nang dahilan ng blemishes sa balat. Kung kaya’t hanggang maari, iwasan mo ang pagiging stress at matuto kang ihandle ito ng mabuti.

Ang kakulangan sa pagtulog ay isang dahilan ng pagkakaroon ng pimples. Huwag mong hayaang manakawan ka ng tulog. Ang kulang na tulog ay nagdudulot ng stress at ang stress ay nagpapadami ng acne sa iyong mukha. Kung ikaw ay nahihirapan matulog, ang pag-switch ng airconditioner ay isang epektibong paraan. Ayon sa isang pag-aaral, mas madaling makatulog kapag malamig ang temperatura ng iyong katawan.

Kung malala na ang kaso ng iyong pimple o acne, nakabubuting konsultahin ang isang dermatologist upang malaman ang tamang aksyon para dito. Maaring mag-prescribe sila ng cream o wash na dapat mong gamitin sa loob ng ilang linggo upang mawala ang iyong pimples. Ang mga cream o facial wash na ito ay may formula na makakatulong matanggal ang iyong pimples. Minsan naman ay nagpre-prescribe sila ng mga pills na pwedeng i-take upang makontrol ang pagdami ng iyong pimples.

Mas nakabubuting komunsulta sa mga eksperto upang malaman ang dapat mong gawin. Delikadong maniwala sa mga paniniwala ng ibang tao. Putukin mo na daw kapag hinog na, maglagay ng toothpaste para mawala. Ang mga paniniwalang ito ay hindi medically tested at walang matibay na basehan sa mga ito.

Marami rin iba pang paraan kung paano mawala ang pimples sa natural na paraan. Narito ang detalyadong listahan ng mga natural na paraan upang mawala na ang pinoproblema ninyong pimples: Home Remedies For Acne & Pimples – Natural Treatments for Clear Skin.

Nakakawala ng self-esteem ang pagkakaroon ng maraming pimples. Minsan, nahihiya ka ng humarap sa maraming tao. Maraming mga paraan kung paano mawala ang pimples. Good luck, kaya mo ‘yan!

Sources:

http://lethow.com/home-remedies/get-rid-of-pimples-overnight/
http://www.howhunter.com/skin-care/get-rid-of-pimples-overnight-fast/
http://www.annmariegianni.com/5-foods-that-reduce-breakouts/
http://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/acne/features/lifestyle?page=2
http://www.epyk.com/459/top-7-anti-inflammatory-foods/

error: Content is protected !!