​​

Paano Maglaro ng Pokémon Go? (Be the Very Best Like No One Ever Was)

Kinababaliwan na ng buong mundo ang larong ito. Kaytagal na itong hinihintay dito sa Pilipinas, nauna kasi itong i-release sa ibang mga bansa. At ngayon, wala nang makakapigil sa atin. Available na sa Pilipinas ang Pokémon Go. At dahil d’yan, gumawa kami ng guide para sa lahat ng gustong maglaro ng Pokémon Go.

Paano maglaro ng Pokémon Go?

pokémon go

Ano ang Pokémon Go?

Ang Pokémon Go ay isang location-based augmented reality mobile game na ginawa ng Niantec para sa mga Android at iOS devices. Gumagana ito sa pamamagitan ng GPS na nagde-detect kung nasaan ang naglalaro at internet connection.

Paano mag-install ng Pokémon Go?

Gaya ng ibang laro, makakapag-download at makakapag-install ng Pokémon Go sa Google Playstore para sa mga gumagamit ng Android devices at Apple App Store para naman sa mga gumagamit ng iOS devices.

Hindi lahat ng Android at iOS devices ay makakapag-download at makakapag-install ng Pokémon Go. Hindi na supported ang mga lumang devices. Narito ang mga supported na device ng larong Pokémon Go:

Android

  • Android 4.4 – Android 6.0.1 (wala pang support ang Android N dahil hindi pa ito opisyal na naii-release)
  • Preferred resolution: 720×1280 pixels
  • Malakas na internet connection (Wi-Fi, 3G, or 4G)
  • GPS at Location Services

iOS

  • iPhone 5+
  • iOS 8+
  • Malakas na internet connection (Wi-Fi, 3G, or 4G)
  • GPS and Location Services

Paang mag-sign up sa Pokémon Go? Paano magkaroon ng account sa Pokémon Go?

Bago ka makapaglaro ng Pokémon Go, kinakailangan mo munang magkaroon ng account dito para mai-save o mai-record ang iyong progreso online. Simple lang naman ang mag-sign up. Dalawang paraan – mag-sign up gamit ang iyong Google account o kaya naman ay mag-sign up sa Pokémon Trainers Club. Sa pagbukas ng Pokémon Go App ay ang dalawang button na iyan ang unang bubulaga sa iyo.

Paano i-customize ang iyong digital avatar sa Pokémon Go?

Matapos mo mag-sign up, ipapakita sa iyo ang isang digital avatar. Maaari mo itong i-customize, bagama’t hindi masyadong marami ang pagpipilian. Maaari mong palitan ang kasarian, kulay ng buhok, kulay ng mata, sumbrero, damit, pants, at backpack.

Pokémon Go Map

Matapos mong i-customize ang iyong digital avatar, mapupunta ka na sa main area ng laro. Makikita mo ang iyong avatar na nakatayo sa isang mapa. Ang mapang ito ay base sa totoong lokasyon mo dahil gumamit ito ng GPS at location service ng iyong device.

Gamit ang mapa, makakakita ka ng mga Pokémon, PokéStops, Pokémon Gym. Kung maglalakad ka ay maglalakad din ang iyong digital avatar.

Mga Icons sa Pokémon Go

Player Icon: Makikita mo ito sa ibaba ng screen sa gawing kaliwa. I-tap mo ito at makikita mo ang mga impormasyon tungkol sa iyong character. Makikita mo rin dito ang iyong mga achievements sa paglalaro.

Backpack: Makikita mo dito ang mga items na nakuha mo habang ilaw ay naglalaro.

Pokédex: Makikita mo naman dito ang mga impormasyon tungkol sa mga Pokémon na iyong nakita habang ikaw ay naglalaro.

Pokémon: Makikita mo naman dito ang mga pokémon na nasa iyo.

Nearby Pokémon: Ito at nasa gawing kanan sa ibaba. Malalaman mo dito kung may malapit na pokémon sa iyong paligid na maaari mong hulihin.

Paano makahuli ng unang Pokémon?

Matapos mong i-customize ang iyong digital avatar, makikita mo na ang mapa. At sa mapang ito lilitaw ang tatlong Pokémon. Kailangan mong mamili kung sino ang huhulihin mo. Mamimili ka kina Bulbasaur, Charmander at Squirtle.

Paano makahuli ng Pikachu bilang unang Pokémon?

May trick dito. Kung ayaw mo kina Bulbasaur, Charmander at Squirtle, may isang pokémon pa na maaari mong hulihin, si Pikachu, ang paborito ng nakararami.

Ang trick dito ay dapat huwag mong pansinin ang tatlong starter pokémon. Maglakad-lakad ka lang, magpalipat-lipat ka ng lugar. I-restart mo ang laro, at lumipat ka ng lugar. Gawin mo ito nang apat na beses. At ang susunod ay lilitaw na si Pikachu at maaari mo na siyang hulihin.

Paano makakahuli ng iba pang pokémon?

Sa Pokémon Go, parang ang ating ginagalawan ay ang Pokémon World. Kahit saan ay maaari kng mkakita ng mga pokémon. At syempre, pwede mo silang hulihin.

May mga pokémon naman na hindi pangkaraniwang nakikita. Rare pokémon ang tawag sa kanila. Rare pokémon din na maituturing ang mga evolved pokémon.

Iba’t ibang lugar, iba’t ibang klase ng pokémon ang iyong makikita. May mga pokémon na lumilitaw din depende sa oras. May mga pokémon na makikita mo lang sa umaga at mayroon din naman na sa gabi mo lang makikita.

May mga pokémon din na malalakas na hindi madaling mahuli. Minsan kakailanganin mo ng higit sa isang pokéball para lang makahuli ng isang pokémon o kaya naman ay mas malakas din na pokéball ang iyong gagamitin para mas mataas ang tsansa na mahuli mo ang mas malakas na pokémon.

Pwede ka din gumamit ng mga items para lumapit sa iyo ang mga pokémon. Ang mga ito at ang incense at lure na maaari mong makuha sa mga PokéStops.

Ano ang mga PokéStops?

Ang mga PokéStops ay mga lugar sa Pokémon Go na maaari kang makakuha ng mga items gaya ng Pokéballs, Lure, Incense, Revive, Potions at Pokèmon Eggs.

Ang mga PokéStops ay may koneksyon din sa ating totoong lugar. Ang mga PokéStops kasi ay maaaring isang Historical na lugar o monumento sa iba’t ibang lugar.

Paalala lang:

Maging maingat tayo habang naglalaro ng Pokémon Go. Maging aware sa kapaligiran. Dapat ay laging alisto. Bakit? Baka sa kagustuhan mong makahuli ng Pokémon ay ma-snatch ang cellphone mo. O kaya naman, sa kakatitig mo sa cellphone mo habang naglalaro ng Pokémon Go at madapa ka. Mabuti kung may sasalo sa’yo. E kung wala? E di nasaktan ka lang.

Kung may sasakyan ka, huwag na maglaro ng Pokémon Go habang nagmamaneho. Sobrang delikado.

Igalang ang mga lugar. Hindi mo alam kung saan ka pwedeng dalahin ng larong Pokémon Go. Pwedeng mapadpad ka sa paaralan o kaya sementeryo o kaya simbahan. Kahit saan ka man mapadpad, igalang mo sana ang mga lugar. Wag kang magkakalat, wag kang mag-iingay. Respeto.

So, paano? Enjoy sa paglalaro ng Pokémon Go.

***

Sources:

Niantic, iMore, Vox

Comments

comments

error: Content is protected !!