​​

Paano Mag-celebrate ng Bagong Taon nang Hindi Nagpapaputok

Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagpapaputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Pinaniniwalaan kasi na ang ingay ng mga paputok ay makakapagtaboy ng kamalasan o ng mga “bad spirits”. Pero taon-taon na lang, kasabay ng countdown para sa Bagong Taon ay tila nagbibilang din sa mga ospital ng mga nagiging biktima ng paputok. May nasusugatan, may napuputulan ng bahagi ng katawan, may nabubulag, at may nalalason.

paputok

[img src] http://thepoc.net/index.php/firecracker-safety-for-the-holidays/

Aminin na natin, delikado naman nga talaga. At kahit sabihin na nag-iingat ay hindi natin kayang makontrol ang aksidente. Kaya naman payo ng pamahalaan, ng DOH, at payo na rin namin, iwasan na lang ang pagpapaputok.

Hayaan ninyong bigyan namin kayo ng ilang bagay na maaaring gawing alternatibo sa pagpapautok.

Paano Mag-celebrate ng Bagong Taon nang Hindi Nagpapaputok

Torotot

Sikat na sikat ito. Iba’t ibang lakas, tunog at hugis. Hindi masasabing mahina ang tunog ng torotot dahil sa ngayon ay may mga nabibili na ring torotot na may napakalakas at nakakagulat na tunog. Isa ito sa pinakamagandang alternatibo sa pagpapaputok. Bukod sa mura na, mag-e-enjoy pa ang mga bata dahil pwede rin itong gawing laruan. Huwag lang sisirain kaagad dahil baka hindi na umabot sa celebration ng Bagong Taon.

torotot

[img src] https://twitter.com/trish_roque/status/416335524194832384

Lata o mga Sirang Kaldero

Naaalala ko pa noong bata pa ako, ganito lang ang mayroon kami – lumang lata ng gatas, butas na kaldero. Ginagawa namin iyong tambol. Hahanap kami ng stick na maaari namin ihampas sa lata para makagawa ng ingay. Kung minsan pa ay nilalagyan namin ng maliliit na bato ang lata at aalugin para makalikha ng ingay. Maraming pwedeng gawin sa lata para makapag-ingay. May ilang tatalian ito at hihilahin habang tumatakbo. Dagdag ingat lang sa mga gagamit ng lata dahil maaari naman itong makataga o makasugat.

Karaoke/ Videoke

Para saan pa ang hilig natin sa pagkanta kung hindi mapapakinabangan? Ibigay ang todong galing at lakas sa pagkanta. Maaaring may kamahalan ang pagrenta ng videoke pero alam nating lahat ang sayang naiidulot nito sa atin.

videoke

Mas okay ito kung ang patutugtugin mo ay mga kantang pampa- good vibes. Magpatugtog ka ng mga tugtuging nakakaindak o kaya kahit na anong maingay na musika. Iwasan mo na lang ang pagpapatugtog ng mga kantang panay hugot ang nilalaman. Ikaw rin, baka isang taon ka na namang hugot nang hugot at mas lalong hindi maka-move on. Gamitin mo ang mga musika sa iyong cellphone, itodo mo ang volume.

Loading...

Maraming paraan para makapag-ingay sa Bagong Taon. Hindi na natin kailangan pang magpaputok. Mas malalayo pa tayo sa disgrasya. Ikaw, mas alam ka bang ibang paraan kung paano mag-celebrate ng Bagong Taon nang hindi nagpapaputok? I-share mo naman sa amin.

Comments

comments

error: Content is protected !!