​​

Paano Magiging Masaya ang Pasko Kahit Malayo Ka sa Minamahal Mo

Pasko na naman, o kay tulin ng araw. Akalain niyo ba ‘yun? Ilang araw na lang ay Pasko na. Ang pasko ay ang panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagpapatawad. At syempre, ang pasko rin ang panahon kung saan walang pasok ang mga bata, kung saan walang trabaho si misis o si mister, kung saan holidays ng lahat sa pamilya.

Kay saya naman ng pasko na kasama ang pamilya, naglilibot sa mga mall, o di kaya’y pumapasyal sa mga parke o sa dagat, bumibili ng regalo, kumakain kasama ang pamilya.

Pero paano kung isa ka sa mga dakilang OFW na ilang taon nang hindi nakakauwi ng ‘Pinas dahil sa pasko?

Pero paano kung malayo ka sa pamilya mo ngayong pasko?

Hindi dahil malayo ka sa pamilya mo ay dapat ka ng maging malungkot ngayong panahon ng kasiyahan. Kaya, narito ang ilang mga paraan upang ikaw ay maging masaya ngayong pasko kahit na ikaw ay malayo sa iyong pamilya.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.
christmas alone
[img src] https://www.flickr.com/photos/amwbonfire/11526730134

Paano Magiging Masaya ang Pasko Kahit Malayo Ka sa Minamahal Mo

Gamitin ang teknolohiya upang madala kasama ang iyong pamilya

Ngayong nasa 21st century na tayo, kung saan marami nang imbensyon ang nagdadala sa atin sa mga taong malalayo sa atin, maari mong gamitin ito para kahit na ikaw ay malayo sa iyong minamahal, pakiramdam mo pa rin ay malapit ka sa kanila at nagno-Noche Buena kayo ng magkasama.

  • Skype/Video chat – ang paggamit ng Skype o pagvi-video chat sa araw ng pasko, habang sabay-sabay na kumakain, o nagbubukas ng regalo, kahit na ikaw ay malayo ay magdadala sa iyo ng saya. Dahil nakakausap mo sila, nakikita mo ang kanilang reaksyon sa mga regaling iyong ipinadala at tila kasama mo sila sa iisang kwarto.
  • Tawag – kung ikaw naman ay busy at may trabaho pa rin kahit na pasko, maari mong tawagan ang iyong pamilya at ibigay ang iyong bilin sa iyong mga anak at sa iyong asawa.

Siguraduhing hindi ka mag-iisa

Kung ikaw ay magdidiwang ng pasko na malayo sa iyong tahanan, maaring magpasko kasama ang iyong mga kaibigan. Maaring mga katulad mo ring kapwa OFW, maaaring iyong mga kasama mo sa trabaho. Mas mabuting may kasama sa pasko kaysa sa wala.

Dahil kung ikaw ay may mga kasama, at least, mararamdam mo ang ginhawa at init ng pasko kasama sila. Nakaka-depress isipin na ikaw ay kumakain sa iyong mesa, may cake, may queso de bola, may ham, may pancit, pero walang tao. Mararamdaman mo ang lamig ng pasko.

Humanap ng mga kaibigan o mga taong makakasama mo sa iyong pasko. Kapag may mga kaibigan ka, may mga karamay ka, may masasandalan ka, may mahihingian ka ng tulong.

Think positive, be optimistic

Kung ikaw ay malayo sa iyong pamilya o minamahal ngayong pasko, isipin mo na lang na ang darating rin ang pasko na magkasama kayo at nagtatawanan, sama-samang kumakain sa hapag kainan. Isipin mo na lang na darating rin ang panahon na makakauwi ka rin sa iyong bansa, sa iyong bahay. Isipin mo ang sabik na sabik na mga hitsura ng iyong asawa o ng iyong anak.

Isipin mo na malayo ka para sa iyong pamilya, para makapag-aral ang iyong anak, para may pambili ng gamot si mister, para rin sa kanila ito. Ang sakit ay naiibsan kapag maaalala ang dahilan kung bakit ilang dagat ang layo mo sa kanila ngayong pasko.

Iwasang mag-isip ng mga malungkot na bagay. Sa halip, maging masaya ngayong pasko.

Nariyan ang ilang mga paraan kung paano ka magiging masaya kahit na malayo ka sa iyong pamilya. Kaya, ano ba, ngiti naman diyan oh. Merry Christmas!

References: , Philstar

error: Content is protected !!