​​

Paano Magluto ng Adobong Baboy (Pork Adobo Recipe)

Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ulam ng mga Filipino, may okasyon man o wala. Iba’t iba na rin ang mga bersiyon ng pagluluto ng adobo depende sa lugar at sa mga isasamang sangkap. Madali lang ang pagluluto nito. Don’t worry, dahil ituturo namin sa inyo ang paraan kung paano magluto ng adobong baboy (pork adobo). Simpleng paraan lang na pwede mong i-adjust pa ang mga pampalasa depende sa gusto ng iyong panlasa.

Iyan naman kasi ang kagandahan sa pagluluto ng adobo. Kumbaga sa picture, konting edit lang, mabibigyan mo na ng kakaibang sipa ang iyong adobo.

Paano magluto ng adobong baboy (pork adobo recipe)?

Ingredients

* Tandaan, pwedeng i-adjust depende sa inyong panlasa.

  • 1/2 kilo karne ng baboy (mas masarap kung may kasamang kaunting taba)
  • 1/2 tasa ng toyo
  • 2-3 kutsarang suka
  • pinirat na bawang
  • Sibuyas (sliced)
  • Asin
  • Pamintang buo
  • 2-3 piraso ng pinatuyong dahon ng laurel
Paano magluto ng adobong baboy.

Isang simpleng recipe ng adobong baboy.

Mga hakbang sa pagluluto ng adobong baboy

  1. I-marinade ang karne ng baboy sa pinaghaluhalong toyo, bawang, sibuyas, at paminta sa loob ng 30 minuto o higit pa.
  2. Isalang ang magkakahalong karne ng baboy, toyo, bawang, sibuyas at paminta. Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang karne.
  3. Dagdagan ng tubig at toyo kung nais mong mas may sabaw.
  4. Lagyan ng suka, asin at asukal. Depende ang dami sa inyong panlasa.
  5. Pakuluin lang at ayos na.
  6. Pwede nang ihain ang classic adobong baboy.

Mga alternatibong sangkap ng adobong baboy:

  • Pineapple chunks and juice – pwede mo itong ipalit sa suka at asukal. Magkakaroon ng ibang tamis at asim ang iyong adobo.
  • Patatas – sabi nga nila, pamparami daw. Patatas pa lang, ulam na.
  • Nilagang itlog – pamparami rin. Masarap din kasi. Pwedeng itlog ng manok o kaya itlog ng pugo.
Loading...

Ngayong alam mo na ang mga hakbang kung paano magluto ng adobong baboy, subukan mo na kaagad at ipagluto ang iyong pamilya o kaibigan. Pwede ka ring mag-experiment sa mga sangkap para magkaroon ka ng signatured adobo mo. At syempre, huwag mo kalimutang i-share sa amin. Pwede mo kaming i-message sa aming Facebook page at pwede naming i-feature ang recipe mo.

Comments

comments

error: Content is protected !!