​​

Paano Maging Handa sa Panahon ng Tag-ulan

Ang Pilipilas ay isang tropikal na bansa. Nangangahulugan lamang ito ng madalas na pag-ulan sa bansa lalo na sa panahon ng tag-ulan. Hindi natin talaga masasabi kung kailan magbabago ang panahon. Minsan, matindi ang sikat ng araw sa umaga pero ikakagulat mo na lang ang biglaang pag-ulan lalo na sa bandang hapon o gabi. Kaya naman napakahalaga na maging handa tayo sa mga ganitong panahon.

img src: https://www.pexels.com/photo/rainy-rain-umbrella-weather-17739/
img src: https://www.pexels.com/photo/rainy-rain-umbrella-weather-17739/

Paano maging handa sa panahon ng tag-ulan?

Laging magdala ng payong.

Hindi talaga natin masasabi ang panahon. Kahit tag-init, umuulan pa rin. Kaya mas makakabuti na ugaliin ang pagdadala ng payong.

Minsan naman, dyahe ang pagdadala ng payong, lalo sa sa mga kabataan. Tama ba? Kung minsan nga, mas gusto pang mabasa na lang sa kaunting ambon kesa magdala ng payong. Kaya kung nahihiyang magbitbit ng payong, ilagay na lang ito sa bag. Pumili at bumili ng maliit na payong na kakasya sa bag. May mga nakita na akong disenyo ng payong na maaaring magkasya kahit sa bulsa lamang.

Pero sa totoo lang, mas mabuti pa ang magdala ng mas malaking payong kasi di hamak na mas matibay ang mga ganitong klase kesa sa maliliit. Lalo na kung ang ulan ay may kasamang hangin.

Siguraduhing laging may charge at load ang cellphone.

Napakahalaga nito. Hindi lang naman kasi ulan ang problema. Kung minsan, problema din ang pagka-stranded sa kung saan tuwing umuulan. Mas mahirap kasing makasakay pauwi sa mga ganitong pagkakataon. Kaya mas mabuti nang hindi lowbatt o dead batt ang ating mga cellphone, at syempre, may load din, para naman maipaalam natin sa ating mga mahal sa buhay ang ating sitwasyon sa ganitong pagkakataon.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Bumili ng sapatos na pang-baha o magdala ng tsinelas.

Ang pagkabasa ng sapatos sa baha ay problema rin. Mas nakakasira kasi ito. Nauuso na ngayon ang mga sapatos na yari sa goma. Kaya kung inaasahan mong uulan, mas mabuting isuot na ang sapatos na pang-baha para naman hindi masira ang pinakamamahal mong sapatos. O di kaya naman ay magdala ka ng tsinelas para sigurado ka.

Magbasa sa social media.

Hindi lang para sa mga sikat ang social media lalo na ang twitter. Sa totoo lang, napakalaking tulong ng twitter sa akin. Sa twitter ko kasi nalalaman kung may paparating bang ulan o sama ng panahon. I-follow mo ang twitter account ng PAGASA (@dost_pagasa). Nagbibigay sila ng update kung uulan ba sa mga susunod na oras.

Paano naman maging handa kung may bagyo? Narito ang aming post tungkol dito. Sundan lamang ang link na ito: Paano Maging Handa sa Bagyo

May alam ka bang ibang tip para sa pagiging handa sa panahon ng tag-ulan? Ibahagi mo ito sa amin.

error: Content is protected !!