​​

Paano Bumili Online Kahit Wala Kang Credit Card

Paano bumili online kahit wala kang credit card?

Sa panahon ngayon, napakarami na ang nagsulputang mga Online Shops. At kung minsan pa, may mga items na tanging mabibili mo lang online. Sa mga ganitong pagkakataon, madalas at kailangan ng credit card para makabili online. Pero paano na lang kung wala kang credit card? Paano mo mabibili ang item na gusto mo?

bumili online

Paano bumili online kahit wala kang credit card?

Money remitance (Padala ng pera)

May mga online shops na tumatanggap ng money remitance. Kilala naman natin halos lahat ang mga ito. Nariyan ang LBC, Cebuana Lhuiller, M. Lhuiller, Palawan Pawnshop, at marami pang iba.

Banko

Marami rin nito. May mga online shops na tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng pagdedeposito ng pera sa kanilang account.

ATM Cards at Debit Cards

Isa ito sa magandang alternatibo sa credit card. Basta may laman ang ATM card mo o debit card mo ay maaari mo itong gamitin na panghalili sa credit card sa para bumili online.

Smartmoney Card

Ang Smartmoney card ay nagsisilbing parang isang debit card na rin. May advantage pa kasi pwede mo itong i-link sa iyong Smart mobile number. Nangangahulugan ito ng karagdagang seguridad dahil lahat ng transaction na mangyayari ay magpapadala ang Smartmoney ng SMS sa mobile number kung saan ito naka-link.

Paymaya Virtual Credit Card

Isa ito sa pinakapaborito ko. Hindi mo na kasi kailangan ng pisikal na card. Ida-download lang ito sa inyong Android phone o kaya naman ay iOS. Madali lang din mag-register, mobile number lang ang kailangan. Madali lang din itong lagyan ng laman, sa mga 7-11 branches, pwede.

Paymaya Card

Ito naman ay kung gusto mo lang magkaroon ng pisikal na card ng Paymaya. Ili-link mo ito sa app na iyong na-download, ang Paymaya Virtual Credit Card.

Yazz Card

Ang Yazz card naman ay isang prepaid VISA card na maaaring gamitin sa pagbili online.

Paypal

Isa itong online payment system. Isa rin ito sa mga sikat na gamitin sa pagbili online. Maaari mong i-link ang iyong ATM card, credit card, debit card, Smartmoney card dito.

Loading...

Marami nang mga paraan ngayon para makabili online kahit wala kang credit card. Cashless, tawag nila. Pero kahit na cashless ang transaction, kailangan pa rin maging maingat. Dahil may mga kawatan na rin online. Talamak ang mga scammers kaya napakahalaga na magdagdag ng pag-iingat.

Comments

comments

error: Content is protected !!