​​

Paano Magtipid ng Pera at Iba pa

Paano magtipid ng pera? Paano mababawasan ang gastos? Ang pagtitipid ay isang epektibong paraan upang maka-ipon at makapag-budget ng pera. Malaki ang maitutulong ng pagtitipid upang maka-ipon ng mabuti at makapag-budget ng maayos. Hindi lamang pera ang pwede nating tipirin, maari rin nating tipirin ang ating mga babayarin upang mabawasan ang ating mga babayaran. Mahirap magtipid, lalo na kung malapit ka sa kainan, o madalas sa canteen ang tambayan, tukso kasi ang pagkain. Hirap na hirap ang ilan na magtipid sa kanilang mga gastusin. Kung ikaw rin ay nahihirapan na magtipid, narito ang ilang mga epektibong mga paraan upang matulungan kang magtipid.

Paano Magtipid ng Pera at Iba pa

paano magtipid ng pera

I-record lahat ng iyong ginagastos.

Ito talaga ang pangunahing hakbang kung paano magtipid ng pera. Sa ganitong paraan, magiging aware ka kung ano-ano ang pinagbibili mo. Sa pagre-record ng mga bagay na iyong binibili, malalaman mo kung alin ang mga bagay na madalas mong pinagkakagastusan. Akala mo, konti lang ang nagagastos mo para sa dine-ins or take-outs sa tuwing kakain ka sa labas. Ngunit kung pinagsama-sama, ang laki pala!! Akala mo, ang paminsan-minsang pagbili mo ng accessories o damit ay maliit lang ang iyong nagagastos, ngunit malaki pala kapag pinagsama-sama.

Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang dapat mong bawasan o iwasan. Kung malaki ang nagagastos mo sa madalas na pagla-lunch o pagme-meryenda sa labas, subukang magbaon ng sariling lunch, at kung desidido ka rin, magbaon na rin ng iyong meryenda. Sa ganitong paraan, hindi ka pupunta sa kahit anong food chains/bilihan ng pagkain at hindi ka mapapagastos. Mahihirapan kang magbaon, ngunit kung gusto mo talaga ay hindi naman ito imposible.

Pagtitipid sa bahay.

Ang pagtitipid sa bahay ay itinuturo n gating mga magulang mula pa noong bata tayo. Habang nagtu-toothbrush, patayin ang faucet ng mabawasan ang babayarin sa tubig. Iwasang gumamit ng shower kung maari namang gumamit ng timba at tabo. Maraming tubig ang nasasayang sa shower. Iwasang gumamit ng bathtub ng madalas, para lamang ito sa pagre-relax at hindi dapat araw-arawin.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Patayin ang ilaw sa kwarto kung walang gumagamit. Hugutin sa saksakan ang electric fan kung hindi ginagamit. Gumamit lamang ng washing machine kung kinakailangan. Kung pwede namang i-hand wash ang mga labahin, bakit hindi? Patayin ang TV kung hindi ito ginagamit. Hugutin sa saksakan ang computer kung walang gumagamit. Bago matulog, patayin ang WiFi router ng hindi ito nakabukos buong gabi.

Kung malapit lang naman ang pupuntahan, maglakad na lang. Kung ayaw magpa-araw, magdala ng paying habang naglalakad. Huwag ring mahiyang bumili sa mga sale ng damit, as long as de-kalidad pa rin ang quality ng mga bilihin.

Imbes na nakaka-ilang bili ka ng bottled water, magbaon ka na lang ng tubig mo. Magbaon na rin ng lunch at meryenda.

Baguhin ang mindset.

Baguhin ang iyong pananaw sa pagtitipid. Mahirap man para sa iyo ang pagtitipid, hindi mo kailangang ulit-ulitin ito sa iyong sarili. Sa halip, hayaang masanay ka sa pagtitipid at magiging madali na lang ito para sa iyo. Iwasan rin ang pagsasabi ng “Wala akong pera” dahil kung wala kang pera, wala talaga, walang magic, at pinaniniwalaan mo rin na wala kang pera.

Gawing positibo ang approach sa pagtitipid. Hindi ito isang gawain para sa mahihirap lamang, huwag kang pa-sosyal dahil yayaman ka sa pagtitipid. Maraming ayaw magtipid dahil namumukha ka raw “cheap” at huhusgahan ka ng ibang tao. Ito ay mali, dahil sa pagtitipid, makaka-ipon ka ng pera at lalago ang ito.

Isang mahalagang paalala: Huwag mong sisirain ang iyong pagtitipid sa pagbili ng mga luho. Kung nakapag-ipon ka na, huwag sayangin ang perang naipon sa mga kagustuhan mo na hindi mo naman kailangan. “Kapag nakapag-ipon ako, bibili ako ng kotse para reward sa sarili ko.” Huwag ubusin ang pera para sa mga luho na hindi naman kailangan. Sa halip, gamitin ito upang lumago pa ang iyong pera.

Huwag masosobrahan.

Huwag sobrahan ang pagtitipid. Maraming tao ang sumosobra ang kanilang pagitipid na naisasakripisyo na nila ang kanilang kalusugan. Kung gutom, bumili, kung pagod, mag-commute. Huwag itong dalhin sa isang punto na hindi na ito pagtitipid, sa halip ay ang pagiging kuripot, maging sa iyong sarili. Kung kailangan ng bagong sapatos, huwag itong ipagdamot sa sarili. Huwag mong ipagdamot sa iyong sarili ang mga bagay na kailangan mo. Kung pakiramdam mo ay mahihimatay ka na sa gutom – bumili ka ng pagkain, huwag mong hayaan ang sarili mong maglupasay sa gutom dahil lamang nagtitipid ka. Huwag mo ring subukang ulitin ang tubig na ginagamit mo panligo. Isaalang-alang pa rin ang iyong kalusugan at hygiene sa iyong pagtitipid.

Good luck sa pagtitipid, siguradong kaya mo ‘yan, konting push pa at masasanay ka rin kahit mahirap sa umpisa. Tandaan, huwag lamang itong sobrahan, at magiging isang tagumpay ang iyong pagtitipid.

error: Content is protected !!