​​

Paano Ka Magugustuhan ng Crush Mo

Madalas, nagkakagusto tayo sa tao pero may gusto silang iba. Syempre, gusto nating maibalik ‘yung nararamdaman natin. Gusto nating magustuhan rin nila tayo. Wala namang masama kung babaguhin natin ang ating sarili para sa ibang tao. Dapat lamang na para ito sa ikabubuti.

Narito ang ilang mga tips para makuha ang puso ni crush. Isa itong kumpletong guide at naglalaman ito ng tips at steps kung paano ka magugustuhan ng crush mo.

Paano ka magugustuhan ng crush mo?

src: https://www.reddit.com/r/pokemon/comments/3aigcs/my_pok%C3%A9mon_drawing_challenge_continues_with/

Sabihin na natin na ikaw ay isang Caterpie ngayon at kailangan mong maging isang Butterfree para mapansin at magustuhan ng crush mo. Nakahanda ka ba?

Mag-umpisa sa physical appearance

Okay—let’s face it. Sabihin man nating, “don’t judge a book by its cover”, isa sa mga dahilan kung bakit ka magugustuhan ng isang tao ay ang iyong physical appearance. Lahat naman tayo ay maganda at gwapo, may kanya-kanya tayong charm at appeal. Kailangan lang nating hanapin iyon. Umpisahan ang pagbabago sa iyong outer appearance.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Subukan mong mag-ayos, i-style ang iyong buhok o magpagupit. Baka naman natatakpan ng buhok mo ang mukha mo. Magandang tignan kapag maayos ang buhok mo. Magpulbo o gumamit ng mga facial wash upang maging makinis at flawless ang iyong mukha. Huwag mong sosobrahan, baka naman eh magmukha ka ng clown sa kapal ng foundation mo, bibili ka lang naman pala ng suka sa tindahan ng crush mo. Gusto ng mga lalaki ang natural beauty, maari mo itong ma-achieve sa pag-aaply ng little to no makeup at pagpapahalaga sa iyong skincare. Kapag lalaki ka naman, alagaan ang iyong mukha at ugaliing maghilamos bago matulog.

Magdala ng panyo para pamunas sa iyong mukha kung pinagpapawisan ka, importante ang panyo dahil kailangan mo ito kung babahing ka o uubo ka, malaki ang maitutulong nito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Hindi ka magmumukhang haggard.

Siguraduhin rin na plantsado at presentable ang iyong suot na damit. Magandang tignan kapag malinis at maayos ang iyong uniform. Kapag marunong kang mag-ayos, tiyak, may mga taong makakapansin nito at makaka-appreciate ng ginagawa mong pagbabago, malay mo, mapansin ka ni crush?

Magparamdam kay crush

Matapos mong mabago ang iyong hitsura, matapos kang mag-effort para sa iyong looks, oras na upang magparamdam kay crush. Ipaalam mo sa kanya na may taong katulad mo, na nabubuhay ka sa mundong ito. Sumama sa kanyang mga kaibigan, kausapin siya at i-message sa text o sa chat, hang out with them. Make yourself a part of his circle. Maging isa kang mabuting kaibigan sa kanya. Isang kaibigan na comfortable siyang kasama.

Hindi ko sinasabing ipagpilitan mo ang sarili mo sa kanya at sa kanyang mga kaibigan, pero do it smoothly, huwag mong biglaang ipilit ang iyong sarili. Take small steps upang walang makapansin. Kausapin mo siya, itanong kung naiintindihan niya ang lesson sa Math, itanong kung okay na ba ‘yung thesis nila.

Kapag comfortable na siyang makasama ka, at kung palagi kang nandiyan sa tabi niya na handang tumulong o makinig, mapagkakatiwalaan ka niya at makikita niya ang halaga mo sa kanya. Wala namang masama sa pagpaparamdam at pagtulong sa taong gusto mo, malinis naman ang iyong intensyon at hangga’t wala kang nasasagasaan o nasasaktan.

Kapag may problema si crush, mag-offer ka ng tulong. “Kung kailangan mong maglabas ng sama ng loob, nandito lang ako, makikinig para sa’yo.” O di naman kaya ay i-cheer siya kapag siya ay malungkot. “Ano ka ba, kaya mo ‘yan, ikaw pa!! Sisiw lang ‘yan sa iyo eh.”

Ang hindi mo dapat gawin ay ang pag-agaw o pag-flirt sa crush mo. Lalo na kung taken nap ala ang crush mo. Panghawakan ang iyong dignidad at quality bilang isang tao. Huwag mong ibaba ang halaga mo. Huwag mong lampungin na parang uod sa stick ang taong gusto mo. Baka mailang pa siya sa iyo. Sapat na, na maiparamdam mong nandiyan ka para sa kanya.

Paano kung manhid si crush at hindi niya nararamdaman mga effort mo? Aba, ma-alarma ka na. Mahirap pakisamahan ang mga taong manhid dahil hindi sila marunong makakita ng efforts ng ibang tao. Ngunit kung gusto mo talaga, maaring mabago si crush kung magpupursigi ka at magtiya-tiyaga.

Ang huli sa lahat, magpakatotoo ka sa iyong sarili. Maaring nagbago ang iyong hitsura, ang iyong pananamit, ngunit huwag mong baguhin kung sino ka, kung ano ang iyong personalidad. Hayaan mong magustuhan ka niya kung sino ka. Kung masayahin kang tao at malakas tumawa, huwag kang magbabago at maging isang Maria Clara. Let him fall in love with who you really are. Huwag kang magsinungaling sa sarili mo. Kung magugustuhan ka niya dahil nagbago ka, hindi ikaw ang gusto niya, kung hindi ay ang isang estranghero na hindi ikaw.

And if all of it fails, kapag ginawa mo na lahat at hindi ka pa rin niya lilingungin ng dalawang beses, marami pa namang isda sa dagat, marami pang tao sa buong mundo. Good luck at sana magustuhan ka rin niya!

error: Content is protected !!