​​

Paano Mag Move On at Makalimot Mula sa Masakit na Nakaraang Relasyon

Paano mag move on? Lahat tayo nasasaktan dahil sa maling pag-ibig. Lahat tayo nakakaranas ng pagkabigo. Ang pagkabigo ay parte ng pagmamahal. Minsan, hindi talaga siya ang taong para sa iyo. Minsan, hindi talaga siya ang forever mo. Nasaktan ka at ngayon gusto mo ng maka-move on. Gusto mo nang makalimot ngunit hindi mo alam kung paano.

Paano mag move on?

Paano mag move on
img source: commons.wikimedia.org

Ituturo namin kung paano mag move on pero kailangan mong maunawaan na para maka move on, kailangan mo ng oras. Hindi ito isang magic na basta na lang mangyayari. Kung ready ka na, simulan na natin para malaman mo na kung paano mag move on at masimulan mo na.

 Acceptance

Tanggapin mo na nagmahal ka at nabigo ka. Tanggapin mo na nasaktan ka. Magsisimula ang lahat sa pagtanggap mo sa mga pangyayari. Kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan at paniniwalan ang mali, para mo lang nilalason ang sarili mo. Para mo lang niloloko ang sarili mo. Kaya’t tanggapin mo na nagmahal, nabigo at nasaktan. Turuan mo ang sarili mo na tanggapin na hindi masaya ang wakas ng love story mo.

Ang pagtanggap sa mga pangyayari ay ang unang habang para maka-move on ka. Sa pagtanggap na ikaw ay nasaktan at nabigo, para kang mabubunutan ng tinik sa lalamunan. Mapapalaya mo ang sarili mo mula sa potensiyal na sakit at depresyon. Huwag mong ipilit kung hindi talaga siya ang para sa iyo. Dahil kung ipinilit mo ito, ikaw lang ang masasaktan sa huli.

Ito talaga ang unang hakbang kung paano mag move on. Kaya, tanggapin mo na. At mag-move on ka na.


Patch things up

“Patch things up” o sa Tagalog “Tapusin mo na.” Hanapin mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo. Huwag mong hahayaan na mayroon kang tanong na hindi pa nasasagot. Itanong mo sa ex mo kung bakit o kung paano kayo naghiwalay. Makipag-usap ka sa kanya ng masinsinan at hanapin mo ang mga sagot na kinakailangan mo.

Ilabas mo rin lahat ng mga emosyon na nasa puso mo. Kung ikaw man ay galit, o malungkot, ibuhos lahat ng mga ito. Ang kinimkim na galit o emosyon ay parang lason na nakamamatay. Express your emotions, pero huwag kang manakit. At huwag mong kalimutan na makipag-ayos sa ex mo.

Kaya itapon mo na lahat ng natitirang emosyon at katanungan. Sa pagbitaw ng mga kinimkim mong galit ay matututo kang tanggapin na tapos ng buong pusona ang relasyon mong ito at hindi na ito babalik pa.

Love yourself

Hindi ito ang sikat na kanta ni Justin Bieber.

Ngunit tungkol ito sa sarili mo. Hindi dahil depressed ka at galing ka sa isang masakit na paghihiwalay ay pwede mo nang abusuhin ang sarili mo. Alagaan mo ang katawaan mo at ang kinabukasan mo. Huwag kang uminom ng sobra-sobra dahil baka sa ospital lang aito mauwi dahilsa alcohol poisoning. Huwag kang manigarilyo dahil gusto mong makalimot at huwag kang gumamit ng droga dahil sa selda lang ang ibabagsak mo.

Hindi dahil sa natapos ang relasyon mo ay end of the world na. Huwag mong hayaang tawanan ka ng ex mo habang pinapanood ka niyang sirain ang buhay mo. Kahit gaano ka kadesperado walang kahit anong inumin o bisyo ang makakatulong sa ‘yo para makalimot. Hindi mo lang sinisira ang sarili mo, sinisira mo rin ang chansa mong maka-move on at maging masaya.

Panandalian kang makakalimot dahil sa alak o droga, ngunit hindi nito maaalis ang sakit na nararamdaman mo.

Spoil yourself

Lumabas ka at magliwaliw. Bilhin mo ‘yung Air Max na matagal mo ng gusto. Kumain ka sa isang mamahalin na Italian Restaurant. Mag-relax ka at mag-adventure. Mag-zipline o mag-outing kasama ng pamilya. Magpakasaya ka at mag-enjoy.

May concert ang favorite band mo sa bansa? Bumili ka ng ticket at sumayaw sa tugtugin. Gusto mong lumipad sa ibang bansa? Pumunta ka sa ibang bansa at mag-enjoy sa pagkain at kultura. Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang kasiyahan na kailangan mo. Single ka na ngayon at dapat kang maging masaya.

Bago ka magmahal ng iba, matuto kang mahalin muna ang sarili mo. “Happiness is the first step to forget,” sabi nga nila.

Forget

Kalimutan mo ang mga alaala na mayroon ka. Itapon mo lahat ng mga memories ng ex mo. Sunugin mo ang mga litrato o i-delete ang mga pictures niya sa cellphone mo. Kung makakatulong, i-block mo siya sa Facebook o social media para mabawasan ang contact mo sa kanya. I-delete mo ang contact number niya mula sa phone book mo para hindi ka magtangkang kausapin siya. Gawin mo ito kapag nahanap mo na ang closure na kailangan mo.

Kung patuloy mong pinanghahawakan ang nakaraan, hinahadlangan mo lang ang sarili mo na makalimot. Kalimutan mo ang nakaraan, at maging masaya sa kinabukasan. Sa paglimot ay mapapadali ng tuluyan ang iyong pag-move on.

Be busy

Humanap ka ng bagong pagkakaabalahan. Sports o hobbies, o lifestyle, humanap ka ng magpapasaya sa iyo. Maging busy ka sa trabaho mo. Pagtuunan mo ng pansin ang mga dapat mong pagtuunan ng pansin. Hanapin mo ang sarili mo. Humanap ka ng maaari mong gawin na magpapasaya sa iyo. Time will heal.

Moving on takes time. Hindi after the day na nag-break up kayo ay ayos ka na, naka-move on ka na. Oras ang kailangan para maghilom lahat ng mga sugat. Oras ang kailangan para makalimot ka. Hayaan mo na magamot ka ng oras, at habang naghihintay ka, maging masaya ka. At kung sa tingin mo ay handa ka ng magmahal muli, at naka-move on ka na, magmahal ka. At sana siya na ang taong para sa iyo. Kaya mag-move on ka na at good luck sa ‘yo. Kaya mo ‘yan.


Comments

comments

error: Content is protected !!