Gusto mo na bang mahanap ang iyong Mr. Right at malaman kung paano magka lovelife? Ready ka na bang magka-boyfriend? Sige. Tignan natin sa article na ito kung may mga bagay na makakatulong sa iyo para makita mo na ang magiging “Love of your life”.
Unang hakbang na kung paano magka lovelife ay ang malaman kung ano ba talaga ang gusto mo para sa magiging boyfriend mo. Paano mo naman kasi makikita kung ano ang gusto mo kung hindi mo naman alam kung ano ang hinahanap mo? Hindi ba? Baka hintay ka nang hintay pero hindi mo alam kung ano ang hinihintay mo. So, alamin mo muna kung ano ang gusto mo.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit kailangang alam mo ang hinahanap mo ay ang pangmatagalang dahilan. Kung naghahanap ka ng Mr. Right, hindi iyan fling-fling lang. Ang hinahanap mo ay karelasyong matino at pangmatagalan o malamang ay panghabang-buhay na.
Dahil hindi ko alam kung ano ang hinahanap mo para sa Mr. Right mo, I assume na naghahanap ka ng someone na pwedeng maging special at pangmatagalan. Ang mga tips na ibibigay namin ay pwedeng hindi effective sa lahat dahil magkakaiba nga ng hinahanap. Pero pwede mo pa rin naman subukan.
Paano Magka Lovelife Para sa mga Gusto Nang Magka-Boyfriend
Tip #1
Para sa isang pag-ibig na totoo, kailangan mong magpakatotoo. Be yourself. Huwag magkunwari.
Alam nating lahat na karamihan sa mga first time nag-date ay ipinapakita lang ang magagandang bagay. Well, okay lang naman yan. Basta ang ipinapakita mo ay hindi pagkukunwari.
Halimbawa, kung siya ay mahilig sa ballad music, huwag kang magkunwaring gusto mo rin ang ballad kung rock ang gusto mo. Okay lang na may pagkakaiba. Hindi lahat ng compatible ay masaya. So, just be yourself.
Tip #2
Huwag sobrahan ang pagbibigay ng compliments. Okay. Kung sobrang nagugwapuhan ka sa kanya, kimkimin mo naman nang kaunti. Pwede mong purihin ang maganda niyang ngiti pero huwag namang sobrahan na pinuri mo na buong katawan niya. Ang mahalaga naman ay maging sincere.
Tip #3
Huwag mong hayaang siya lang ang nagkukwento. Kung ang isang lalaki ay makwento sa sarili, malamang ay may gusto siya sa iyo. Pero kung hindi siya masalita, hindi naman ibig sabihin na wala siyang gusto at ayaw ka niyang kausap. May mga tao lang talaga na madaling maubusan ng sasabihin. Saka isang paraan para magkakilala pa kayo. Kung pareho kayong mauubusan, malamang ay mabo-bored lang kayo sa isa’t isa.
Yan ang mga tips namin sa iyo kung paano magka lovelife. Pero tandaan mo na simula pa lang iyan. Ang susi ay kung paano patatagalin ang relasyon hanggang FOREVER. Yes! Dahil totoong may FOREVER. Maniwala ka lang.