​​

Paano Magmahal Muli

Nasaktan ka at nabigo. Normal lang na mahirapan kang magmahal muli. Mahihirapan ka talagang magtiwala at  magmahal muli. Takot ka na kang magmahal at mabigo. Pero hindi dahil nabigo ka ng isang beses ay wala ng tunay na pag-ibig. Kaya nais mong magmahal muli ngunit natatakot ka na baka sa isang masakit na hiwalayan ulit ang hantungan ng pag-ibig na ito.

magmahal
img source: pixabay.com

Paano nga bang magmahal muli?

Prepare yourself

Ihanda mo ang sarili mo. Walang sundalo ang makikipagbakbakan sa gyera ng walang dalang armas. Ihanda mo ang sarili mong magmahal muli. Bago ka umibig, siguraduhin mong naka-move on ka na mula sa iyong dating relasyon. Siguraduhin mong naghilom na lahat ng mga sugat na meron ka at kaya mo ng umibig muli.

Huwag kang magmahal ng hindi ka pa handa. Ang pagkakaroon ng “rebound” ay hindi isang solusyon. Kapag nagmahal ka ng hindi ka pa handa, hindi lang sarili mo ang sinasaktan mo, pati ang partner mo na rin. Mali ang patutunguhan ng isang pag-ibig na nabuo lamang para gamutin ang sakit ng kahapon.

Kung gusto mong magmahal muli, siguraduhin mong kaya mo na at naka-move on ka na.

Learn from your experience

Matuto ka mula sa dati mong relasyon. Hindi man happy ending ang love story mong ito, ay mayroon pa rin itong pakinabang para sa ‘yo. Matuto ka sa relasyon na ito. Saan ka ba nagkamali o saan ka ba nagkulang? At sa pagkatuto mo ay maiiwasan mong magkamali sa iyong bagong relasyon.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Nakipaghiwalay ka ba dahil sa hindi pagkakaintindihan? O dahil sa maling bintang o maling akala? Alamin mo ang iyong mga pagkakamali upang hindi mo na ito maulit pa. Alamin mo kung saan ka nagkulang sa huli mong relasyon at subukan mong punan ito sa bago mong relasyon. Huwang mong hayaan na masayang ang dati mong pag-ibig. Sa halip, gamitin mo ito para magkaroon ng masayang katapusan ang bago mong relasyon. Gamitin mo ang mga aral na natutunan mo para ang bago mong pag-ibig ay magkaroon ng masayang wakas. Walang nangyayari sa buhay natin na walang dahilan. Kaya kahit masakit balikan ang mga pangyayari, hayaan mong matuto ka para mauwi sa happy ending ang bago mong relasyon. Gamitin mo itong inspirasyon upang hindi mauwi dito ang iyong kasalukuyang pag-ibig.

Have faith in love

Maraming mga tao na pagkatapos masaktan ay hindi na na iniwala sa tunay na pag-ibig. Marami sa kanila ay bitter at naniniwalanb lahat ng mga relasyon ay may isang hindi masayang katapusan. Ngunit huwag mong ibilang ang sarili mo sa mga taong iyon. Huwag mong hayaan ang sarili mo na mawalan ng paniniwala sa pagmamahal. Hindi ka makakapagmuhal muli kung hindi ka naniniwala dito. There is still magic in love.

Hindi dahil nabigo ka ng isang beses ay wala ng tunay na pag-ibig. Hindi ka sumukong maglakad noong bata ka dahil lang sa nahulog ka ng isang beses. Maniwala kang makikilala mo rin ang taong nararapat para sa iyo. Kilatisin mong mabuti ang mga taong posible mong makasama panghabang-buhay. Kilalanin mo muna siya bago ka sumabak sa isang relasyon.

Meet the right person

Kapag sigurado ka ng naka-move on ka na at nabigyan mo na ang sarili mo ng oras para maghilom lumabas ka at kumilala ng bagong tao. Hanapin mo ang taong para sa iyo. Kilalanin mo ng mabuti ang taong sa tingin mo ay siya na. Huwag kang tumingin lang sa panglabas na kagandahan sa halip, kilalanin mo talaga ang taong ito at siguraduhin na siya na ang taong para sa iyo. Kumilala ka ng bagong tao, o siguro ang taong para sa iyo ay kilala mo na. Hanapin mo siya sa tamang lugar.

Ang dahilan ng iyong mga paghihiwalay ay dahil hindi sila ang taong para sa iyo. Kaya take the time na hanapin ang tao na magmamahal sa iyo at makakasama mo panghabangbuhay. The right person comes in the right time. Mahihirapan ka man pero kung kikilalanin mo ng mabuti ang bawat taong pasok sa panlasa mo, mahahanap mo rin ang taong magpapasaya sa iyo.

Be optimistic

Huwag mong isipin na dahil nabigo ka sa huli mong relasyon ay mabibigo na rin ito. Sa halip, isipin mo na ang relasyong ito ay magtatapos ng masaya, hindi katulad ng iyong dati. Iwasan mong i-kumpara ang iyong ex sa iyong kasalukuyang kinakasama. Huwag kang maghanap ng mali sa iyong bagong partner. Huwag kang maging paranoid at mahalin ang iyong kinakasama ng buong-buo.

Huwag kang magkaroon ng negatibong mga ideya. Dahil sa nasaktan ka sa iyong dating relasyon, mayroon kang tendency na mag-overthink ngunit hindi mo dapat ito gawin. Isipin mo na ang relasyong ito ay magpapatuloy sa isang masayang katapusan. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng relasyon mong ito.

Harapin mo ang bago mong pagmamahal sa isang positibong liwanag. Tunguhin mo ang isang magandang relasyon. Pakisamahan mo ng maayos ang iyong bagon mong partner at gamitin ang mga natutuhan mula sa iyong past relationship upang maging masaya ang relasyon mong ito.

Huwag kang matakot na magmahal muli. Hindi mo alam, nadaanan ka na pala ng taong para sa iyo. Kaya huwag kang matakot na sumubok magmahal muli matapos kang mabigo. “After the rain, there is always a rainbow,” sabi nga nila. Magmahal, umibig at maging masaya ka.

 

error: Content is protected !!