​​

Paano Kumuha ng Digitized TIN ID Mula sa BIR

Isa sa mga importanteng ID na kinikilala sa Pilipinas ay ang TIN ID o TIN Card. Kadalasan kasi ay nangangailangan ng dalawang valid ID sa iba’t ibang transaction, kaya naman napakahalaga na mayroon kang iba pang ID. At isa na nga sa mga madaling kumuha ay ang digitized TIN ID. Alamin natin ngayon dito kung paano kumuha ng digitized TIN ID.

Unang magkakaroon ka ng Tax Payer Identification Number (TIN). Pero hindi naman sapat ang number lang. Kailangan mo rin ng physical na ID card.

digitized TIN ID

Paano kumuha ng digitized TIN ID?

Para magkakuha ng digitized TIN ID, kakailanganin mo ng kopya ng iyong NSO Birth Certificate at kahit na anong valid ID.

  1. Magtungo sa BIR kung saan nakarehistro ang iyong employer.
  2. Humingi ng TIN Application Form. Ang kakailanganin mong form ay BIR Form 1904 para sa EO 98.
  3. I-fill up lang ang form. Ipasa kasama ang mga requirements.
  4. Sa pagkakataong ito ay magkakaroon ka na ng TIN.
  5. At dahil mayroon ka nang Tax Payer Identification Number, pwede ka nang mag-request ng ID card.
  6. Mag-request ng ID card sa BIR na mismo.

Ang pagproseso ng ID ay kadalasang ilang oras lang ang itatagal. So, kaunting paghihintay lang ang kailangan mo at mabibigyan ka na ng digitized TIN ID. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay madaling makuha ang digitized TIN ID. May mga branches kasi na in bulk o maramihan ang pagpoproseso ng ID kaya natatagalan.

Kung sakaling hindi mo makukuha agad ang iyong digitized TIN ID, pwede mo naman itong balikan sa ibang araw. Itanong mo lang kung anong araw mo ito pwedeng balikan at kung ano ang mga kakailanganin mo para mai-claim mo ang iyong TIN ID.

Loading...

Paalala nga lang pala, labag sa batas na magkaroon ng dalawang TIN ang isang mamamayan. So, kung mag-a-apply ka, siguraduhing hindi ka pa nakakapag-apply noon.

Comments

comments

error: Content is protected !!