​​

Paano Kumuha ng OFW ID Card

Nito lang 2017, inilunsad ang isa sa mga proyekto ng gobyerno para sa ating mga OFWs o Overseas Filipino Workers. Ito ay ang pagkakaroon ng OFW ID card.

Ang OFW ID card  ay magagamit ng mga OFWs bilang pagkakakilanlan lalo na sa pagkuha ng kanilang mga benepisyo. Magagamit rin ito bilang panghalili sa OEC o Overseas Employment Certificate.

Ayon kay Sec. Silvestre Bello III, DOLE Secretary, libre lang ang OFW ID card. Kaya naman, kung ikaw ay isang OFW, alam naming nais mong makakuha ng OFW ID Card. O kaya ay kung may kamag-anak ka o kakilalang OFW, matutuwa sila kung ipapaalam mo sa kanila ito.

paano kumuha ng ofw id card

Paano Kumuha ng OFW ID Card?

Narito ang mga hakbang sa pagkuha ng OFW ID Card:

  • Una, kailangang alam mo o may kopya ka ng iyong OEC number. Kung wala ka pang OEC number pero mayroon kang resibo para sa pagkuha nito, pwede mong gamitin ang receipt number bilang OEC number mo.

oec



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.
  • Magtungo sa iDOLE eServices website. I-click ang link na ito >> iDOLE.ph

ofw card online

  • Gumawa ka ng bagong account. I-click lang ang “CREATE A NEW ACCOUNT” na button. Makikita mo ang “Select Existing Document“, piliin ang “Latest OEC Number” at i-click ang “PROCEED” button.
  • Kakailanganin mo na ngayong i-fill up ang form kung saan ilalagay mo ang mahahalagang personal na detalye tungkol sa iyo. Basta mapunan mo ang mga kailangan, pindutin ang “Register OFW Account“.
  • Kung successful ang iyong registration, may matatanggap kang e-mail mula sa iDOLE na mayroong activation link na kailangan mong i-click para ma-activate mo ang iyong account.
  • Kasunod na nito ay ang pag-fill na ng online form para sa application ng OFW ID Card. Kailangan mong mamili kung paano mo makukuha o matatanggap ang OFW ID Card – PICK UP or DELIVERED.

Sa ngayon ay mayroon pang issue sa proseso ng pagkuha ng OFW ID card. Isa na rito ang pagkakaroon nito ng fee gayong naipangako ni Secretary Silvestre Bello III na libre lang ito. Pero ayon rin naman sa iDOLE, maglalabas sila ng opisyal na guideline para sa pagkuha ng naturang ID Card.

Nasubukan mo na ba ang prosesong ito? I-share sa amin sa pamamagitan ng comment ang iyong karanasan. I-share mo na rin kung mayroon kang sentimyento tungkol sa paksang ito.

Pero sandali, bago ka umalis. Favor naman sana, i-like mo naman ang aming Facebook page >> PaanoHow. At kung okay lang, i-share mo na rin ang article na ito para malaman ng iyong mga kamag-anak o kaibigan o kakilalang OFW ang tungkol dito.

error: Content is protected !!