​​

Paano Kumuha ng UMID o Unified Multi-purpose ID Card

Kailangan mo bang kumuha ng isang UMID card pero hindi mo alam kung paano, saan at kalian mag-umpisa? Wag nang mag-alala, ituturo sa article na ito kung paano kumuha ng UMID card. Step by step, para madali mo ring maintindihan.

Kaya ano pang hinihintay mo? Tara! Ipagpatuloy mo na ang pagbabasa at panigurado, pagkatapos mo itong basahin, kayang-kaya mo ng kumuha ng iyong sariling UMID card. Isang suggestion lamang ay ang pagte-take note ng bawat step at mahalagang impormasyon.

Bakit nga ba kailangan natin ng UMID?

Bilang isang mamamayang Pilipino na nasa legal na edad na, kinakailangan nating magkaroon ng Government-issued ID, at ang isa sa mga ito ay ang UMID o Unified Multi-purpose ID. Magagamit mo ang UMID card para sa iba’t ibang transaksyon sa gobyerno. Kapag meron kang UMID card, mas mapapabilis at mapapadali ang transaksyon.

Dahil nga multi-purpose ito, ito ang kinikilalang ID card sa iba’t ibang mga government offices. Bukod doon, nagsisilbi rin itong isang official, government-identified ID na maaari mong magamit sa iba pang pagkakataon.

paano kumuha ng umid

Paano Kumuha ng UMID card?

Saan makukuha ang UMID?

Kung ikaw ay isang manggagawa ng gobyerno, makakakuha ng UMID sa GSIS Enrollment Center. Kung ikaw naman ay isang pribadong manggagawa, self-employed o isang OFW, ang UMID ay makukuha sa SSS offices.

Ano ang mga requirements na dapat dalhin?

Isang primary ID:

  • Passport
  • Driver’s License
  • Professional Regulation Commission (PRC) card
  • Seafarer’s Identification and Record Book, or Seaman’s book

Kung wala kang primary ID sa nailista sa itaas, maaaring magdala ng alinmang dalawang (2) ID sa sumusunod na listahan.

  • Company ID
  • School ID
  • Postal ID
  • Philhealth ID Card
  • GSIS Card
  • GSIS Certificate of Membership
  • Tax Identification Card
  • Voter’s Identification Card
  • NSO Birth Certificate
  • Marriage Contract
  • NBI Clearance
  • Police Clearance
  • Senior Citizen Card
  • Pag-Ibig Member’s Data Form
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Card
  • ID Card issued by Local Government Units (e.g. Barangay, Municipality, or City)
  • ID Card issued by Professional Associations
  • Baptismal Certificate
  • Alien Certificate of Registration
  • Transcript of School Records
  • Permit to Carry Firearms issued by the Firearms & Explosive Unit of PNP
  • Temporary License issued by Land Transportation Office (LTO)
  • Permanent Residency ID
  • Certificate from Office of the Southern/Northern Cultural Communities
  • Certificate from Office of Muslim Affairs
  • Certificate of Licensure/Qualification Documents/Seafarer’s ID & Record Book from Maritime Industry Authority
  • Certificate of Naturalization from the Bureau of Immigration
  • Bank Account Passbook

Hindi na kailangang magdala ng iyong larawan dahil kukuhanan ka na roon, kaya kung gusto mo, maari ka ring mag-ayos bago pumunta.

Punan ang mga kinakailangan sa UMID form.

Ang UMID form ay mahihingi sa anumang office na iyong pinuntahan (GSIS Enrollment Center/SSS Office) nang LIBRE. Maaari mong itanong na lang sa teller o sa guard kung saan ito makukuha.

Punan ang mga kinakailangang impormasyon sa UMID form at ipasa ito sa teller kasama ng mga hinihinging ID.

Kukunin ang iyong larawan, iyong fingerprint at iyong pirma. Matapos noon ay maaari ka ng umalis at hintayin mo na lang na dumating ang iyong UMID ID via mailing.

Sana ay napadali ang iyong pagkakaintindi kung paano kumuha ng UMID card.

Loading...

Sources:

Comments

comments

error: Content is protected !!