May nagustuhan ka bang video sa Youtube na nais mong mai-download at mapanood kahit na wala kang internet connection? Don’t worry! Dahil may paraan pa naman kung paano mag download ng video sa Youtube. At, syempre, ituturo namin sa iyo.
Dalawang paraan ang ituturo namin ngayon. Una, ay ang paggamit mismo ng Youtube app para mai-download ang video at mapanood mo kahit offline ka o wala kang internet. Pangalawa ay ang paraan na gamit ang desktop para mai-download mo ang video na gusto mo at saka mo na lang i-save sa phone mo o kung saan mo man gusto.
Simulan na natin.
Paano Mag Download ng Video sa Youtube?
Youtube App

- So, syempre, dapat mayroon kang naka-install at updated sa Youtube app sa iyong phone. Android man yan o iOS.
- Paalala lang muna, hindi lahat ng video sa Youtube ay pwede mong i-save offline.
- Mag-search ng video na nais mong mapanood.
- Kung gusto mong maging available offline ang video na pinapanood mo, hanapin mo lang ang Add To Offline button sa app. Pindutin mo lang ito at automatic nang magsisimula ang pagda-download ng video na gusto mo.
- Depende ang bilis sa internet connection mo kaya mas mabuti na kung gagawin mo ito ay mayroon kang malakas na internet connection lalo na kung may kalakihan ang video na ida-download mo.
- Na-e-expire ang video na nai-download mo. Pero nagre-renew rin ito basta magkakaroon ka ng internet connection sa loob ng 15 days.
Desktop/ Web browser
Maraming available nito pero yung pinakapaborito ko na lang ang ituturo ko dito. Pero isang paalala pa ha? Bawal kasi mag-download ng video sa Youtube talaga. So, gamitin lang ito at your own risk.
- Gamit ang computer o laptop, magbukas ng web browser.
- Magpunta sa youtube.com at maghanap ng video na nais idownload.
- I-copy (CTRL+C) ang URL nito o link mula sa address bar.
- Magpunta sa clipconverter.cc.
- I-paste (CTRL+V) ang URL sa box na makikita.
- I-click ang CONTINUE.
- I-click ang DOWNLOAD.

O, simple lang di ba?
Ngayon, alam mo na kung paano mag download ng video sa Youtube. Makukuha mo na ang video na gusto mo. Pero paalala lang ulit, gamitin mo lang nang may pag-iingat. Mas mabuting gamitin lang personally.

