Bagamat hindi naman talagang mapaminsala, gugustuhin din nating alamin kung paano mawala ang mga butiki sa bahay. Minsan kasi, nakakainis na yung makakakita ka ng ipot o dumi nito kung saan-saan. Ang masaklap pa kung minsan ay sa iyo pa ito babagsak mula sa kisame.
Alamin natin ngayon kung paano mawala ang mga butiki sa bahay.
Paano Mawala ang mga Butiki sa Bahay
#1. Gumamit ng electronic pest repeller.
Ang mga electronic pest repellers ay nagta-transmit ng ultrasonic sound waves na nakakairita sa pandinig ng mga peste. At isa na nga sa mga yan ang butiki. Kapag hindi na nila makayanan unti-unti na lang silang magsisialisan. Effective din ito sa mga daga, langaw, at lamok.
#2. Gumamit ng naphtalene balls o moth balls.
All-around insect and pest repellant talaga ang moth balls. Lagyan mo ng mga moth balls ang mga lugar kung saan madalas kang makakita ng butiki. Siguraduhin mo lang na hindi ito maaabot ng bata dahil ito ay nakakalason.
#3. Gumamit ng balat ng itlog.
Magpatuyo ng malinis na balat ng itlog. Basagin at ikalat sa mga lugar kung saan madalas makakita ng butiki. Aakalain ng mga butiki na ang lugar ay teritoryo ng ibang predator dahil sa makikita nilang mga balat ng itlog. Kaya naman lalayuan nila ang lugar.
#4. Gumamit ng kape.
Nakakaadik ang aroma ng kape para sa atin. Pero hindi para sa mga butiki. Mas okay kung bagong giling pa lang ang kape. Mas matapang ang aroma nito. Pero para hindi naman masayang, gamitin na lang ang mga used coffee.
#5. Gumamit ng bawang at sibuyas.
Bukod sa kape, ayaw din mg mga butiki ang amoy ng bawang at sibuyas. Ang problema lang dito ay kung ayaw mo din ng amoy ng mga ito.
#6. Gumawa ng pepper spray.
Ayaw din nila ng amoy ng pepper o paminta. Maglagay ka ng dinurog na paminta sa sprayer na may lamang tubig. I-spray ito sa butiki kapag nakakita ka.
#7. Gumamit ng cold-water spray.
Naranasan mo na bang mabagsakan ng butiki? Malamig di ba? Pero alam mo ba na ayaw nila sa malamig? Kaya naman kapag ini-spray mo ang malamig na tubig sa kanila ay aalis kaagad sila.
#8. Gumawa ng lizard trap.
Panoorin ang video na ito mula sa youtube kung paano gumawa ng lizard trap gamit ang cardboard. >> How to make a cardboard LIZARD TRAP
Yan ang mga paraan kung paano mawala ang mga butiki sa bahay. Sana ay maging success ang pagtataboy mo sa mga butiki.