Ituturo natin ngayon kung paano gumawa ng mosquito repellent, syempre para makaiwas sa kagat ng lamok na may dalang dengue. Pero bakit pa ba natin kailangang gumawa kung pwede namang bumili? Una, para makatipid. At pangalawa, pwedeng pagkakitaan.
Syempre unahin na natin yung makatipid. Pansariling gamit muna. Kapag naging satisfied ka at effective, saka mo na ibenta.
Paano Gumawa ng Mosquito Repellent
Ang ilan sa mga mosquito repellent na ito ay personal na naming nasubukan at ang ilan naman ay na-research namin. Mayroon din kami article kung paano makakaiwas sa dengue.
#1 Langis ng niyog + citronella oil
Alam natin na maraming gamit ang coconut oil o langis ng niyog. At isa na diyan ang bilang pang-repel ng lamok. Actually, pwede nang walang kahalo ang langis ng niyog. Effective na itong pang-repel ng lamok kung ipapahid sa balat. Pero hinaluan lang namin citronella oil para mas mabango ang amoy. Hindi lang mas mabango, dahil kilala rin ang citronella oil na pantaboy ng lamok. So, kumbaga, double action.
Ang pinaghalong langis ng niyog at citronella ay ipapahid sa balat. At lalayuan ka na ng lamok.
Grabe ang dami talagang benefits ng coconut oil!
#2 Bawang Spray
Ito naman ay para sa labas ng bahay. Hindi ito para sa balat.
Magtadtad ng isang buong bawang. Ilagay ang tinadtad na bawang sa sprayer na may tubig. Para maging mas matapang, haluan ng tinadtad na sili. Isang pirasong sili lang. At para naman mas matagal ang bisa, haluan ng kaunting vegetable oil. Paghaluhaluin lang lahat sa sprayer. May bawang spray (garlic spray) ka na!
I-spray sa labas ng bahay. Sa mga halaman, sa bakuran. Siguraduhin lang na sarado ang bahay dahil baka pumasok ang lamok.
#3 Oregano Mosquito Repellant
Sa amin, kilala ang oregano bilang halamang gamot para sa ubo. Pero pwede rin palang maging mosquito repellant dahil mayroon itong carvacrol, thymol at p-cymeme.
Magdikdik ng dahon ng oregano. Ang dinikdik na mga dahon ay pwede ihalo sa tubig at gamiting pang spray sa paligid o loob ng bahay.
Yan! Alam mo na kung paano gumawa ng mosquito repellent, makakagawa ka na ng pansarili mo. Good luck sa mga lamok dahil hindi na sila makakalapit sa iyo at sa bahay niyo.