Naging uso sa mga bata ngayon ang paglalaro ng slime. Nakakaaliw nga naman ang pagiging malambot nito at texture. Sa katunayan, makakabili nito kahit saang toy store. Pero alam mo ba na kaya mo ring gumawa nito? Alamin natin ngayon kung paano gumawa ng slime.
Hindi bagong laruan ang slime. Sa katunayan, na-introduced ito noong February 1976 ng kumpanyang Mattel.
Maraming DIY na paraan kung paano gumawa ng slime. Pero sa article na ito, ang ituturo natin ay yung paraan na may mga sangkap na madali lang hanapin dito sa atin na mabibili mo sa palengke o sa mga supermarket o sa school supplies stores.
So, simulan na natin.
Paano Gumawa ng Slime
Alam mo ba?
Isang trivia lang bago natin simulan. Alam mo ba na ang paglalaro ng slime ay nakakawala ng stress? Well, may reason ka na kahit na hindi ka na bata para maglaro ng slime. Mag-enjoy at hayaang mawala ang stress sa pamamagitan ng paglalaro ng slime.
Mga sangkap sa paggawa ng slime:
- 2 Elmer’s glue
- 2-4 drops of food coloring
- glitters
- 1 kutsaritang baking soda
- 2 kutsarang saline solution
Mga gagamitin sa paggawa ng slime:
- kutsara
- plastic bowl
- Airtight container
Mga hakbang kung paano gumawa ng slime:
- Ilagay ang glue sa bowl at ihalo ang food coloring at glitters. Syempre, mas maganda naman ang slime kung makulay. Pero nasa iyong desisyon pa rin. Pwede naman na hindi mo na lagyan ng food coloring at glitters. Kung ayaw mo, proceed ka na agad sa step #2. Haluin ang mixture. Ayos lang kahit hindi pa pantay ang pagkakahalo.
- Ilagay ang baking soda at ngayon, haluin nang mabuti.
- Ilagay ang saline solution. Haluin nang marahan. Sa pagkakataong ito, magsisimula nang tumigas at malapot ang ating mixture.
- Haluin lang nang mabuti hanggang sa magsimula nang maghugis pabilog ang slime.
- Subukan sa pamamagitan ng kamay kung okay na ang mixture para sa iyo. Kung makinis na ba or parang slime na ba talaga siya. Kung hindi pa, dagdagan ang mixture ng saline solution. 1 kutsara pa at ipagpatuloy ang maghahalo sa pamamagitan ng iyong mga kamay.
- Okay na! Pwede mo nang paglaruan ang iyong slime. Enjoy!
- Oops! Kapag tapos na sa paglalaro, huwag kalimutang itago ang slime sa isang airtight na container para pwede mo pang paglaruan muli sa ibang araw.
Tips:
- Pwede mong gawin itong pangregalo. Gumawa ka ng slime, tapos ipanregalo mo.
- O kaya naman, gumawa ka ng kit at i-print ang mga paraan kung paano gumawa ng slime at iyon ang iregalo mo.
Marami pang ibang paraan kung paano gumawa ng slime. Kung naghahanap ka pa ng iba pang paraan, i-try mo ang mga nasa links na makikita mo sa ibaba ng post na ito, sa References.
Paalala lang, maghugas ng kamay pagkatapos maglaro ng slime. Huwag rin isusubo ang mixture. Paglaruan lang. Okay?
Enjoy!