​​

Paano Maiiwasan ang Stress

Iba’t iba ang epekto ng stress sa atin. At kadalasan pa ay masama ang epekto nito lalo na kapag mataas na ang level ng stress na ating nararamdaman. Kaya naman, narito ang article na ito para makatulong na magkaroon tayo ng kaalaman kung paano maiiwasan ang stress.

Paano maiiwasan ang stress

Ano nga ba ang mga masasamang epekto ng stress?

Pagbabago ng ugali at mga gawi.

Ang isang tao ay maaaring maging mainitin ang ulo, maikli ang pasensya, iritable at balisa kung makakaranas ng stress o tensyon. May mga tao din na lumalakas kumain o kaya naman ay nawawalan ng gana sa pagkain kapag stress. May ilan din na napapadalas sa pag-inom ng alak at napaparami sa paninigarilyo.

Epekto sa paghinga.

Bumibilis ang paghinga kapag stress. May ilan na nahihirapan pang huminga. Para bang tumakbo nang napakatagal, parang hingal na hingal at hinahabol ang hininga.

Epekto sa mga muscles.

Hindi nakaka-relax ang muscles ng ibang taong stress. At sinasabing isa ito sa dahilan kung bakit sumasakit ang ulo kapag stress. Dahil sa ang mga muscles at naninigas at hindi makapag-relax.

Epekto sa tiyan.

May mga tao na kapag stress, hindi makapagbawas. May mga tao naman na kapag stress ay mas napapadalas ang pagdumi. May mga tao naman na nagkakaroon ng hyper acidity at acid reflux at heart burn.

Epekto sa immune system.

Kung pabalik-balik na ang stress, maaari na itong mauwi sa paghina ng immune system. Madalas nang dapuan ng sakit ang isang tao kahit simple sipon o lagnat lang.

Dapat bang iwasan ang stress? Maiiwasan ba ang stress?

Lahat ng tao ay nakakaranas ng stress. Dahil ang stress at isang natural na reaksyon ng ating katawan at isipan sa mga pangyayari sa ating paligid. Kaya ang sagot sa tanong kung maiiwasan ba ang stress at sa pamagat natin na paano maiiwasan ang stress, ay sorry. Hindi mo maiiwasan ang stress. Pero pwede mong maiwasan ang “distress”.

Ang “distress” ay ang masamang stress. Mayroon din kasing tinatawag na “eustress” o ang positibong stress na nagdudulot ng pagkakatoon ng masayang mood o good vibes. Kaya nga lang, nasanay na tayo na kapag nabanggit ang salitang stress, negatibo na iyon. Pero sige, focus tayo sa negatibong stress.

Paano maiiwasan ang stress?

Alamin ang nagbibigay ng stress.

Nabanggit na nga, ang stress ay reaction ng katawan kaya hindi ito maiiwasan. Kaya naman, ang iwasan na lang ay ang mga bagay na posibleng magdulot ng stress. Kaya naman, ito ang unang dapat gawin. Alamin mo ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Kung ito ay isang tao, iwasan mo siya hangga’t maaari. O kaya naman ay alamin mo kung paano makisalamuha sa mga negatibong tao. Kung ito ay lugar, huwag kang magpunta sa lugar na iyon.

Umiwas sa mga bagay na magpapalala sa stress.

May ilan na naniniwalang ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay makakapagpawala ng stress at makakapagpa-relax. Maaaring magdulot nga ito ng relaxation pero hindi ibig sabihin nito ay mawawala ang nararamdamang stress. Sa totoo lang ay maaari pa itong makapagpalala sa stress na may mas malala pang epekto. Umiwas na lang sa mga ito.

Kumain ng mga pagkaing stress reliever.

Marami nito. Simulan natin sa gulay. Gaya nga nang palaging bilin sa mga bata, kumain ng gulay para lumusog. Ganoon din dapat sa ating mga hindi na bata. Lalo na iyong mga green-leafy vegetables, stress reliever sila.

Idagdag na rin natin ang iba’t ibang nuts. Mani, almonds, kasoy, at iba pa. Masarap nang kutkutin kung bored, pampatanggal pa ng stress.

Ganoon din ang tsokolate, dark chocolate para mas specific. May content kasi ito na pampa-relax ng ating pag-iisip. Hindi lang iyan, makakatulong pa ito upang madagdagan ang ating focus.

Sa inumin naman, subukan ang tsaa o tea. Kilalang pampa-relax ang chamomile tea. Aroma pa lang nito ay nakaka-relax na.

Mag-ehersisyo.

Magpapawis ka. Kung may budget, mag-gym ka. O kaya naman ay mag-enroll ng boxing lesson o dance lesson. I-enjoy mo ang bawat session para sulit at double benefits. Magiging fit ka na, nagsasaya ka pa. Kung wala ka naman budget, ok na ang mag-jogging sa park. Makakalanghap ka pa ng sariwang hangin habang nagpapapawis. At marami pang ibang benefits ang pagtakbo.

Makipag-bonding sa nature.

Yes! Lumabas ka. Kung laging computer at gadgets ang kaharap mo, i-try mong magpunta sa isang park. Huwag kang magpunta doon para mag-selfie. I-observe mo ang iyong paligid. Tignan mo ang kagandahan ng ating kalikasan.

Makinig sa masasayang tugtugin.

Subok na ito. Alam natin na ang music ay may kakayahang baguhin ang ating mood. Kung alam nating mai-stress lang tayo kung nakikinig tayo ng malulungkot na awitin, bakit pa natin ito gagawin? Makinig ka ng masasaya. Ikaw na bahala sa gusto mong genre. Mag-headbang ka kung gagaan ang iyong pakiramdam. Sumayaw ka sa tugtuging gusto mo.

Mag-meditate.

Ang meditation ay isang napakabisang paraan para mai-release ang stress at mag-relax. Mabuti kung mayroon kang ilang minuto sa isang araw para makapag-meditate.

Mabuhay nang positibo.

Oo, live positively. Iwasan na ang pag-iisip tungkol sa mga kabiguan. Napakalaki nang maitutulong ng pagiging optimistic o positive thinking sa ating buhay at kalusugan.

Ang mga iyan ang paraan kung paano maiiwasan ang stress. Sana ay makatulong sa iyo na ma-overcome mo ang stress. Kung may iba ka pang alam na paraan, share mo naman sa amin sa comment section.

Loading...

Sources: Healthline, EatingWell

Comments

comments

error: Content is protected !!