​​

Paano Mag-aral nang Mabuti

Batid naming mahirap mag-aral. Iyong tipong pagod ka na pag-uwi galing sa eskwelahan tapos kailangan mo pang tumulong sa mga gawaing bahay. Minsan pa, masasabi mong walang awa yung prof mo. Hirap pa ng mga lessons sa Math. Pero bilang mga anak, na pinag-aaral ng ating mga magulang, kailangan nating mag-aral para maging proud sina mama at papa at para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.

paano mag-aral nang mabuti

Paano mag-aral nang mabuti?

Maglaan ng oras.

Kailangan mong maglaan ng oras para lang sa pag-aaral. Busy ka man, may part-time ka man, kailangan mong pag-aralan muli ang mga pinag-aralan mo sa school. Pumili ka ng isang oras na wala ka masyadong gawain sa bahay, siguraduhin mong nakapagpahinga ka na sa oras na ito. Mahirap mag-aral pag pagod, matutulugan mo lang mga libro mo. Ang study time na ito ay ilaan mo upang balikan ang mga lessons na hindi mo naintindihan, o minsan, mag-advance study sa ibang susunod na lesson.

Magsagot ka ng ilang word problems sa Math, magbasa sa ilang subjects at magtake-down notes habang nagbabasa. Mas maiintidihan at maaalala mo ang iyong binabasa kung isinusulat mo ito sa iyong sariling pagkakaintindi.

Umiwas sa mga sagabal.

Ang study time ay study time. Hindi ito oras para mag-chikahan kay bestfriend sa chat, o mag-usap kasama ang boyfriend/girlfriend mo. Ilayo mo ang lahat ng gadgets at kung anong makakaagaw ng atensyon mo sap ag-aaral. Mahirap mag-aral nang maraming sagabal o pinagsasabay ang mga gawain. Mahihirapan kang intindihin ang lessons at magugulo ang utak mo. Kaya study time is study time.

Tips para sa exam at tests

Exams, tests, quizzes – iba-ibang pangalan, iisa lang ang ibig sabihin. Ang nakaka-brain drain na papel, na uupuanan mo at sasagutan. Alam mo man ang sagot o hindi. Kadalasan ang mga exams na ito ang responsible para sa ating mga huling grades. Kaya kailangan mong seryosohin ang mga ito. Hindi pwede ang sugod kung sugod, kailangan mong mag-review lalo na kung major tests ang mga ito.

Sa pagre-review, magtake-down notes ka habang binabasa mo ang libro. Siguraduhin mong naiintindihan mo ang lahat at isinusulat ang mga mahahalagang terminology na kailangan mong malaman. Uso ang paggamit ng highlighter para sa mga mahalagang salita. Kung epektibo naman sa’yo ang paggamit ng highlighter, ituloy mo lang ito. Iba’t-ibang klase ang pagte-take down notes at nag-iiba ‘yan sa estilo ng estudyante.

Flashcards. Kadalasang nasa makukulay na papel na naglalaman ng mga terminology at mga key concepts na kailangan mong tandaan. Malaki ang maitutulong nito kung isa kang visual learner at audio learner. Pagkatapos mong isulat sa colored paper ang mga important words at ang kanilang meaning sa likod, basahin mo ito ng malakas.

At kung ikaw naman iyong tipo na nakikinig sa music habang nakasakay sa bus o jeep, i-record mo ang sarili mong binabasa ang iyong notes at pakinggan ang iyong sarili on the way to school.

Makinig sa discussions

Kailangan mong making habang nagdi-discuss ang prof mo. Kadalasan kasing nagbibigay ang mga teachers ng items sa exam na wala naman sa libro. Maraming additional information ang maririnig mo habang nakikinig ka sa mga discussions. Huwag kang lumandi habang nagdi-discuss sa harap si ma’am, baka mapahiya ka pa. Habang nakikinig ka, take down notes na rin lalo na sa mga binabanggit ng teacher mo na wala sa libro.

Ilang beses kong nabanggit ang pagte-take down notes. Oo, magsulat, magsusulat at magsusulat ka. Mangongopya at mangongopya. Kailangan mong magsulat para hindi lamang ang mga bagay na naririnig mo ang matandaan mo. Ang pagsusulat ay bahagi ng pagiging isang estudyante. Kaya nga nagdadala ka ng papel at ballpen, di ba?

Set a goal

This tip is actually very important. Kailangan mong mag-set ng sarili mong goal upang ma-monitor ang progress mo. Whether sa grades man, points sa tests or sa ranking sa klase. Kailangan mong malaman kung nag-eexcel ka o hindi. Upang malaman mo kung ano ang dapat mong gawing aksyon. Kapag hindi mo naabot ang goal mo, exert more effort. Kung naabot mo naman, exert effort pa rin para ma-reach ang next goal.

Paano mag-aral sa mga mahihirap sa subject?

Sa totoo lang, walang mahirap sa subjects, pero mayroong mga subjects na ayaw natin o hindi natin forte. Meron at merong mga subjects na hindi talaga natin kasundo. Madalas ay Math ito para sa ibang estudyante. Kapag hindi naman Math, panigurado English ito or Social Studies. Bad news, kung high school ka, hindi mo pwedeng tanggalin ang subject na ayaw mo. Good news! Pwede mo naman itong pag-aralang magustuhan. Parang sa pagmamahal lang, minsan kusa kang nagmamahal, minsan kailangan mong pilitin sarili mo.

Sa Math, masakit man sa ulo ang lahat ng numbers, signs at mukhang alien language ang math, once na naintindihan mo kung paano gawin ang solution, sisiw na lang ‘yan. Kailangan mong maintindihan kung bakit nag-multiply ka dito o bakit na-cancel ang X. Marami ring formula na kailangan ng memorization at once natutuhan mo kung paano i-apply ang formula, kasing-hirap na lang ito ng A, B, C!

Sa English, maraming nahihirapan dahil hindi kabisado ang Grammatical Rules. Madaling kabisaduhin ang rules na ito. Samahan mo ng pagbabasa, pagsusulat at pakikinig o panonood ng mga palabas na ang medium ay English, mas magiging madali ang iyong learning process.

Kaunting tiyaga lang ang kailangan. Makaka-graduate ka din at magiging proud ang mga magulang mo sa iyo.

Oo nga pala, may mga tips din kami kung paano maging matalino.

Comments

comments

error: Content is protected !!