​​

Paano Gamitin ang Baking Soda Bilang Pampaputi ng Ngipin

Sa pagbe-bake pangunahing ginagamit ang baking soda. Pero bukod doon, kilala ang baking soda bilang mabisang panlinis ng kahit na anong bagay. At alam niyo ba na isa rin itong alternatibo para pampaputi ng ngipin? Sa katunayan, marami na ang mga gumagawa ng toothpaste na may sangkap na baking soda. Mabisa kasi itong pantanggal ng mga stain na dulot ng paninigarilyo at pag-inom ng kape.

So, kung gusto mong pumuti ang iyong ngipin, ituturo namin sa iyo ngayon kung paano mo magagamit ang baking soda bilang pampaputi ng ngipin mo.

Paano Gamitin ang Baking Soda Bilang Pampaputi ng Ngipin

Marami na sa ngayon ang ang gumagamit ng baking soda sa pag papa- puti ng kanilang mga  ngipin. Maari mong sundin ang mga sumusunod na pamamaraan.

#1 Ihanda ang mga sangkap at kagamitan

  • 1 kutsaritang baking soda
  • kaunting tubig
  • kaunting toothpaste
  • platito
  • kutsarita
  • asin (optional)
  • toothbrush

#2 Paghaluin ang mga sangkap

  1. Ilagay ang baking soda sa platito.
  2. Lagyan ng kaunting tubig (3-4 drops only).
  3. Lagyan ng toothpaste. Kasing dami ng normal na paggamit mo ng toothpaste.
  4. Paghaluin ang mga sangkap sa pamamagitan ng kutsarita hanggang sa makagawa ng panibagong paste.
  5. Lagyan ng kaunting asin ang mixture at haluin muli. (Optional lang ito.)

#3 Magsipilyo

Ilagay mo na ang mixture sa iyong toothbrush at isipilyo sa iyong ngipin. Siguraduhin mong magmumog ka nang mabuti. Huwag rin masyadong patagalin ang pagsisipilyo ng mayroong baking soda kasi nagiging sensitive ang ngipin sa pagtagal nito.

#4 Gawin regularly. (weekly)

Hindi ito kailangang gawin araw-araw. Baka kasi makasira ito sa enamel ng ngipin. Kung hindi sensitive ang ngipin mo, pwede mo itong gawin 2 beses kada isang linggo. Pero kung sensitive naman, isang beses lang kada isa o dalawang linggo. Maging matiyaga at makikita mo ang resulta.

Paalala sa paggamit ng baking soda sa ngipin.

Safe gamitin ang baking soda sa iyong bibig. Nakakalinis talaga ito. Nakakatulong din nga ito para maiwasan ang pagkakaroon ng singaw. Siguraduhin lamang na magmumog nang maayos para hindi mo malulunok ang mga tirang baking soda sa iyong bibig. Malamang kasi ay nakapitan na iyon ng mga bacteria mula sa iyong bibig.

May mga nagsasabi na pwedeng lagyan ng calamansi o lemon ang paste mixture. Pero hindi namin ito maiirekomenda. Kasi magiging acidic masyado ang mixture na maaaring makasira sa enamel ng iyong ngipin. Okay na yung tubig lang ang isama sa mixture.

May iniiwang after taste ang baking soda. Para mawala ito, subukan mong magmumog ng tinunaw na toothpaste. Para yung tooth paste na ang huling malalasahan mo.

May iba pang pamamaraan ng paggamit ng baking soda para pumuti ang ngipin sa wikihow.

Loading...

Yan! Alam mo na kung paano gamitin ang baking soda para pampaputi ng iyong ngipin. Simple lang, di ba? At kaunting panahon lang ay makikita mo na ang pinagkaiba ng shade ng ngipin mo ngayon at sa mga susunod na linggo. Hindi na nakakahiyang ngumiti.

Comments

comments

error: Content is protected !!