​​

Paano Mawala ang Singaw (Mouth Sore Remedy)

Mahirap kapag magkaroon ng singaw. Masakit lalo na kapag nasasagi. Kaya naman kahit gustuhin mong kumain ay nakakawalang-gana na kung minsan. Narito ang mga paraan kung paano mawala ang singaw. Mayroon ding mga tips kung paano ito maiiwasan.

Ang singaw ay isang sugat na matatagpuan sa bibig. Ayon kay Doc. Willie Ong, 30% ng mga tao ang nagkakaroon ng singaw. Karamihan ay mga kababaihan. At madalas rin ito sa mga nasa edad 16 hanggang 25.

Walang eksaktong eksplanasyon kung bakit nagkakaroon ng singaw. Pero kadalasang nagsisimula ito sa pagkakasugat ng mga tissues sa bibig. Kagaya na lamang kapag aksidenteng nakagat ang labi. Sinasabi rin na may kinalaman ang stress at puyat kung bakit nagkakaroon ng singaw.

Paano Mawala ang Singaw?

Kadalasang kusang nawawala rin ang singaw kahit hindi na ito gamutin. Ngunit dahil sa masakit nga ito, gusto natin mas pabilisin pa ang pagkawala nito o huwag nang palalain pa. Narito ang mga paraan kung paano mawala ang singaw nang mas mabilis.

paano mawala ang singaw

  • Umiwas sa mga pagkaing maaasim at maaalat. Hindi totoong gamot sa singaw ang calamansi, asin at tawas. Lalo lamang nitong pamamagain at palalalain ang iyong singaw.
  • Umiwas rin sa mga pagkaing maanghang dahil maiirita nito ang mga singaw.
  • Iwasan na rin ang matitigas na pagkain. Dahil masakit ito kapag tumama sa singaw. Kumain na lamang ng malalambot na pagkain o yung mga pagkaing madaling lunukin gaya ng lugaw.
  • Kumain ng yogurt. Makakatulong ito upang matabunan ang sugat ng singaw at mabawasan ang sakit.
  • Gumamit ng coconut oil o langis ng niyog. Maglagay sa cotton buds at ipahid sa bahagi kung saan naroon ang singaw.
  • Gumamit ng mouthwash. Inererekomenda ang paggamit ng mouthwash para mamatay ang mga bacteria sa bibig.
  • Gumamit ng toothbrush na may malambot na bristles.
  • Magpalit ng toothbrush kaagad kapag nagkasingaw at regular na magpalit ng toothbrush kada tatlong buwan.
  • Kung dumarami ang singaw, kumonsulta na sa doktor. Maaaring ang mga singaw mo ay sintomas na ng ibang sakit na kasi gaya ng foot and mouth disease. Mas mabuti nang ma-check ng mga eksperto.
  • Pahinga. Makakatulong ang pagpapahinga lalo na ang pagtulog para mas mapabilis ang pagkawala ng singaw.
Loading...

Ayan na ang mga paraan kung paano mawala ang singaw. Sana ay maging mas mabilis ang iyong paggaling. Tandaan lang, kapag lumala na, huwag nang mag-atubili na kumonsulta sa doktor.

 

 

Comments

comments

error: Content is protected !!