​​

Paano Humaba ang Buhok (Pampahaba ng buhok)

Para sa mga girls, hindi nawawala sa uso ang mahabang buhok. Tuwid man, wavy o kulot na buhok. Kahit nga sa mga boys ay marami na rin ang nagpapahaba ng buhok. Kaya naman marami ang nagtatanong kung paano humaba ang buhok? O paano magpahaba ng buhok nang mabilis? Ano ang pwedeng gamitin na pampahaba ng buhok?

Paano humaba ang buhok?

Una sa lahat, kailangang maunawaan mo muna na ang pagpapahaba ng buhok ay hindi overnight at hindi instant. Kung gusto mo nang overnight na pampahaba ng buhok, mag-wig ka na lang.

Huwag palaging mag-shampoo.

Ginawa ang shampoo para maging panlinis sa buhok, pantanggal ng mga dumi. Pero bukod sa mga dumi ay natatanggal din nito ang mga oils na kailangan ng buhok para lumago nang healthy. Pwede mong gawing salitan ang pagsa-shampoo.

Gumamit ng conditioner tuwing magsa-shampoo.

Bukod sa salitang pagsa-shampoo, gumamit ka rin ng conditioner every time na gagamit ka ng shampoo. Makakatulong ang conditioner na maibalik ang nawalang essential oils na kailangan ng buhok mo.

Magbanlaw ng malamig na tubig.

Mahirap maligo nang malamig na tubig, di ba? Pero alam mo bang makakatulong ito sa paghaba ng iyong buhok? Makakatulong kasi ito upang mapanatili ang mga essential oils sa iyong buhok.

Subukang gumamit ng mga hair-boosting supplements.

May mga nabibiling food supplements na makakatulong para mas mapabilis ang paghaba ng iyong buhok. Pwede kang sumubok nito.

Gumamit ng aloe vera.

May mga shampoo at conditioner na mayroong halong aloe vera. Pwede mong piliin ang mga ito. O kaya naman ay pwede kang bumili ng aloe vera oil. O kaya naman ay kung may tanim kang aloe vera, pumutol ka na lang ng isang dahon at iyon ang iyong gamitin. Ipahid mo lang ang aloe vera sa iyong anit. Patagalin sa buhok ng kahit isang minuto lang bago banlawan. Makakatulong din ito kung nais mong maging straight ang iyong buhok.

Kumain ng mga protein-rich foods.

Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay makakatulong para sa mabilis na paghaba ng buhok. Ang ilan sa halimbawa ng mga ito ay ang karne ng baboy, baka, manok, isda. Pati itlog at keso ay mayaman din sa protina. Isali mo na rin ang mga beans gaya ng monggo at nuts gaya ng mani at pili.

Loading...

Yan ang mga paraan na makakatulong sa iyo para humaba ang iyong buhok. May iba pang paraan kung paano humaba ang buhok pero mas mabuti na yung doon ka sa natural na paraan. Para natural din ang paghaba ng buhok at natural din ang ganda.

Comments

comments

error: Content is protected !!