​​

Paano Maging Straight ang Buhok (PLUS Natural Ways)

Gaya ng kulay ng balat natin, magkakaiba rin ang ating buhok. May kulot, may wavy at mayroon din naman straight. At karamihan sa mga Filipina, gustong maging straight ang kanilang buhok. Paano nga ba? Alamin natin dito kung paano maging straight ang buhok.

Isa rin ang straight na buhok sa pinakasikat na style ng buhok ngayon. Madalas itong ginagamit kapag may ganap na pormal, tulad ng mga speech o defense. Mas malinis kasi itong tignan at hindi hanapan ng ayos. Samantala, mas madalas naman ang kulot kapag prom o graduation.

Hindi lang naman para sa mga babae ito, pwede rin ito para sa mga lalaking kulot ang buhok at naghahangad na baguhin ang isang aspekto sa kanilang sarili.

Sa artikulong ito, aming tatalakayin ang iba’t-ibang paraan kung paano maging straight ang buhok.

Paano Maging Straight ang Buhok

Permanenteng paraan

Kung hangad mo ng isang matagalang commitment sa iyong straight hair, ito ang paraan para sa iyo. Ang permanenteng pagpapa-unat ng buhok ay tinatawag na “rebonding” sa mga salon dito sa Pilipinas. Sa ibang bansa naman, mas kilala ito sa mga katawagang “straight hair perm” or “permanent treatment.”



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Ang proseso ng rebonding ay ang pag-sira sa natural na bonds ng ating buhok at pagsasa-ayos nitong bonds upang maging unat ang buhok. Kadalasan, umaabot mula sa 1,000 – 1,500 pesos ang rebonding, depende na rin sa kung gaano ka-sosyal ang salon na iyong papasukan.

Ayon na rin sa aking mga nabasa, ang rebonding rin ay available sa mga lalaki ngunit depende ito sa haba ng iyong buhok at uri ng salon na papasukan.

Ang ma-i-re-recommend kong mga salon na maaaring may franchise sa inyong lugar ay: David’s Salon, E-mix Salon at Encarnacion Francisco Salon (Luzon).

Kadalasan, i-pina-partner rin ang hair rebond kasama ng iba pang services tulad ng Brazilian Blowout o ang pagpapakulay ng iyong buhok. Ikaw na ang bahala sa kung anong hairstyle ang sa tingin mo’y babagay sa iyo.

Kadalasan, mawawala ang epekto nito matapos ang isang taon o kung tumubo na ang iyong natural na buhok. Hindi advised na yearly magpa-rebond ng buhok dahil nakakasira ito sa natural hair bonds na mahirap ng ibalik sa normal.

BABALA: Hindi naming hinihikayat ang DIY rebond kits na nabibili online. Mahirap magtiwala sa mga kemikal na hindi naman approved ang pagkakagawa. Hindi rin ligtas ang pag-apply ng kemikal sa sarili dahil maaaring magdulot ito ng pagkabulag, paglalagas ng buhok at iba pa.

Di permanenteng paraan

Syempre, kung may permanenteng paraan, mayroon rin namang panandalian lamang. Para ito sa mga taong hirap mag-commit sa iisang uri ng hairstyle o para sa mga taong kinakailangan lamang ito para sa isang espesyal na okasyon.

Ang pinakasikat at pinakamadaling paraan na mairerekomenda ko sa iyo ay ang paggamit ng isang flat iron o plantsa para sa buhok.

Ang flat iron o plantsa ay nabibili sa halagang 1,000 – 2,000 pesos. Mayroon ring maliit na size para sa mas maikling buhok.

Maaari itong gawin sa sarili o humingi ng tulong mula sa iba upang hindi mangawit ang iyong braso.

Ito ang proseso:

  1. Mag-apply ng anumang uri ng hair protection spray o cream na mabibili sa Watsons o sa anumang drugstore upang hindi mo priniprito ang iyong buhok.
  2. Siguraduhing walang buhol sa iyong buhok at nasuklay mo ito ng maayos.
  3. I-set ang settings ng iyong flat iron sa gitna, hindi masyadong mainit, hindi masyadong malamig. Depende ito sa uri ng settings na available sa iyong iron.
  4. Mag-umpisa sa pinakababang layer ng buhok at itali palayo ang buhok na hindi mo pa uunatin sa ngayon. Unatin ang iyong buhok paakyat hanggang sa matapos lahat.
  5. Bigyan ng isang huling coat ng styling gel ang iyong buhok tulad ng Vittress o hair polish.

Ang parehas na proseso ay nag-a-apply rin para sa mga lalaking mas may maikling buhok. Kung may bangs ka, ihiwalay ang iyong bangs at unatin ito ng kaiba sa ibang parte ng iyong buhok, pababa ng iyong mukha.

Matatanggal ito kapag ikaw ay naghugas na ng iyong buhok o kapag ito ay nabasa na.

Hindi rin naman hinihikayat ang araw-araw na pag-uunat ng iyong buhok. Dahil kahit ano pa mang protection oil ang ilalagay mo, hindi maiiwasan ang pagkawasak ng natural bonds ng iyong mga hibla.

Paano Maging Straight ang Buhok sa Natural na Paraan

Kung ikaw ay isa sa mga naniniwala na ang pagpaplantsa ng buhok at paggamit ng mga chemicals sa buhok ay maaaring makasira sa iyong buhok in the long run, pwede ka naman gumamit ng mga natural na paraan para maging straight ang iyong buhok. Makakadagdag pa sa natural na pagiging blooming mo.

#1 Egg + Olive Oil

  • 1 itlog
  • 1/2 part na olive oil
  • Paghaluing mabuti ang itlog at olive oil.
  • I-apply sa buhok hanggang sa anit.
  • Banlawan pagkalipas ng isang oras.

#2 Aloe Vera

  • Sikat sa mga shampoo ang aloe vera kaya pwede mo rin ito gamitin sa iyong buhok.
  • Ihalo ang katas ng aloe vera sa langis at ipahid sa buhok.
  • Banlawan pagkalipas ng 30 minutes.

#3 Lemon Juice + Coconut Milk

  • Hindi lang pampaputi at pampakinis ng kutis ang lemon, pwede rin sa buhok.
  • Paghaluin lang ang katas ng lemon at gata ng niyog.
  • I-apply sa buhok.
  • Banlawan ng warm water.

Para sa iba pang tips, pwedeng bisitahin ang page na ito >> 7 Home Remedies to Get Straight Hair Naturally.

Ngayon, alam mo na kung ano ang iyong gagawin kung paano maging straight ang buhok na iyong gusto. Tandaan, ang ating buhok ay parte ng ating pagkakakilanlan kung kaya’t ito ay mahalin at alagaan.

error: Content is protected !!