​​

Paano Mag-meditate 10-15 Minuto Kada Araw

Paano mag-meditate? Bakit kailangang mag-meditate? Ang meditation ay isang mabisang paraan para mawala ang stress sa ating katawan. Mabisa rin itong paraan para maitaboy ang mga negatibo at umakit ng mga positibong bagay sa ating mga sarili. At syempre, pampa-relax at pampatibay ng focus.

Paano mag-meditate

Paano Mag-meditate?

Maraming paraan kung paano mag-meditate. Ang ituturo namin sa inyo ay isang simpleng paraan lang kung paano mag-meditate at kung paano mo ito magagawa regularly araw-araw.

  1. Magdesisyon ka sa iyong sarili na gusto mong mag-meditate at i-comit mo ang iyong sarili na gagawin mo ang pagme-meditate araw-araw. Isa lang itong pangako sa sarili. Pwede mong isulat at idikit sa pader. Pwede ring i-reminder mo sa iyong phone.
  2. Pumili ng oras para sa iyong meditation. Tuwing umaga ba bago ka pumasok? O tuwing gabi bago matulog? Tuwing tanghali? Ikaw ang bahala. Basta pumili ka ng oras. Kailangan mo itong gawin para regular mong magawa ang pagme-meditate at maging habit mo na sa oras na mapipili mo.
  3. Pumili ng lugar kung saan mo gagawin ang iyong meditation. Mahalagang tahimik ang lugar na iyong mapipili. Dapat at isang lugar din na komportable ka at walang mang-aabala sa iyo.
  4. Kung sakali man na wala talagang tahimik na lugar, maaari kang gumamit ng mga relaxation music o white noise para makatulong sa iyong meditation. Marami niyan sa Spotify. Makakapamili ka. Ako, paborito ko ang tunog ng ulan.
  5. Maupo sa meditation position. Maraming meditation position pero dahil basic lang naman ito, doon na lang muna tayo sa pag-upo nang naka-crossed leg.
  6. Pumikit. Ang pagpikit ay para makapag-focus ka. Para walang ibang bagay kang makita na pwedeng sumira sa focus mo sa iyong meditation.
  7. Huminga nang natural at i-focus ang iyong pansin sa paghinga. I-observe mo ang iyong pag-inhale at exhale. Doon mo lang ilagay ang iyong focus, wala nang iba.
  8. Tapusin mo ang iyong meditation sa loob ng 10-15 minutes. Ikaw rin ang bahala kung gaano katagal. Pwede mong dagdagan ang minuto.
  9. Pag tapos ka na, marahan mong ibalik ang iyong pag-iisip mula sa iyong paghinga papunta sa normal na ikaw.
  10. Gawin mo lang ito araw-araw. At kung masanay ka na, pwede ka nang mag-aral ng iba pang meditation techniques. Marami kang mahahanap sa Youtube o kaya ay mag-invest ka sa isang libro.
  11. Dagdag tip, huwag kang mag-iisip ng negatibong bagay kapag ikaw ay nagme-meditate. Positive lang. at mararamdaman mong magiging mas masayahin ka.

Sana ay makatulong sa inyo ang tutorial na ito. Gawin mo lang regularly at mararamdaman mo ang unti-unti ring pagbabago sa iyo.

Loading...

Sources: The Concious Life, Gaiam

Comments

comments

error: Content is protected !!