​​

Paano Maging Blooming

Mahirap man pagsabayin ang trabaho, pag-aaral, oras at pamilya at oras para sa iyong sarili, syempre, kinakailangan paring magmukha kang presentable at maganda. Ang salitang “blooming” ay madalas ginagamit lamang para sa mga kababaihan, ngunit hindi, dahil lahat tayo, pwedeng maging maganda. Sa article na ito, aming tatalakayin ang iba’t-ibang mga paraan kung paano maging blooming at magmukhang fresh kahit na stress pa rin sa iyong career at buhay.

Paano Maging Blooming

Skincare

Gents, ladies, ang unang step ay ang pag-aalaga sa inyong balat. Maraming mga videos sa internet at articles sa mga magazines ang nagbibigay ng detalye sa kung anong skincare routine ang inyong gawin para sa inyong skin type.

Ang ating balat, tulad ng ating mga sarili ay unique at mayroong mga bagay-bagay na kinakailangan.

Kung oily ang iyong skin, mahalagang mag-cleanse araw-araw upang hindi hahalo ang polusyon mula sa hangin sa inyong natural oils at magkakaroon kayo ng mga pimples na talagang mahirap umalis!

Sa mga may dry skin naman, importanteng mag-moisturize pa rati upang maibalik ang natural na glow na inyong balat.

Oo, maaring mahirap mag-commit sa isang skincare routine at tunog-sosyal ito. Ngunit magtiwala kayo sa akin, dahil may mga murang skincare products na nabibili sa Watsons at Mercury Drug sa halagang 20 pesos per sachet. Hanapin ang mga products ng iWhite Korea, at siguraduhing mayroong cleanser, moisturizer at mask.

Ang pagkakaroon ng isang skincare routine ang unang step sa pagiging blooming at fresh.

Makeup

Isang paraan upang masma-enhance pa natin ang natural nating kagandahan ay ang paggamit ng makeup. Dito sa sub-topic na ito, aking tatalakayin ang iba’t-ibang mga products na pwedeng gamitin on-the-go at talagang may makikita kang pagbabago!

Concealer – ang concealer ay ginagamit upang itago ang iyong mga imperfections tulad ng inyong mga eyebags at pimples na talagang hindi natin makokontrol. Kung night shift ang iyong trabaho, talagaang hindi maiiwasan ang dark circles at dull skin. May mga murang concealer na mabibili sa Watsons tulad ng Maybelline Age Rewind at Maybelline Fit Me concealer na 399 pesos.

Liptint – ito na ata ang #1, go to ng mga Filipino ladies natin ngayon. Dual na kasi ang gamit nito, pwedeng gamiting blusher at lipcolor. Ang pagkakaroon ng konting kulay sa iyong mukha ay magbibigay ng isang fresh look na mas fresh pa sa bagong huling isda sa dagat. Magandang quality ang KJM liptint na mabibili online for about 88 pesos

Confidence

Syempre, ang huling parte ng pagiging blooming at fresh ay ang pag-aari ng iyong style at freshness. To be blooming, you have to feel like it. Kailangan mong maramdaman ang pagiging fresh, at maging confident sa pang-araw-araw mong buhay. Walang tatalo sa pagiging confident at pagkakaroon ng isang malakas na aura sa iyong sarili.

At ngayon, alam mo na kung paano maging blooming, handa ka ng i-rock ang mundo sa isang mas fresh at mas blooming na ikaw.


Resources:

Loading...

www.youtube.com/user/MichelleDy

Comments

comments

error: Content is protected !!