​​

Paano Magkaroon ng Abs o 6 Pack Abs

Marami ang interesadong malaman kung paano magkaroon ng abs o 6 pack abs. Pangarap ito lalo na ng mga kalalakihan. Pero mayroon din namang mga babae na gusto ring magkaroon ng abs.

Para sa mga taong gustong magkaroon ng abs, ang pagkakaroon nito ay masasabing pampaganda o dagdag sa pogi points. Para sa kanila, mas nakakaakit ang mayroon nito. Uso na rin siguro dahil sa mga nakikitang modelo at artista na mayroong mga abs. Sexy ang pagkakaroon ng abs.

So, isa ka ba sa mga gustong magkaroon ng abs? Gusto mo na bang malaman kung paano magkaroon ng abs?

Simulan na natin!

Paano Magkaroon ng Abs o 6 Pack Abs

Mga Ehersisyo na Dapat Mong Gawin Araw-araw

Makukuha mo lang ang Abs na pinapangarap mo kung magkakaroon ka ng disiplina na gawin ang mga ehersisyong ito nang araw-araw. Kung malaki ang tiyan mo, mapapaliit mo muna ito at sa susunod ay magkakaroon ka na ng abs.

Panoorin ang mga sumusunod na short videos para malaman mo na rin kung paano gawin nang tama ang mga sumusunod na exercise.

#1 Sit ups

#2 Leg lifts

#3 Jackknife Crunches

#4 Lunge twist

Makabubuti kung gagawin mo nang regular at araw-araw ang mga nabanggit na exercise. Mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin habang tumatagal. Pwede mong gawin na tig-iisang set lang na may count of ten kada exercise pero maipapayo namin na dagdagan mo ang set habang tumatagal para magkaroon ng abs.

Mga Pagkain na Kailangan mong Iwasan o Bawasan para magkaroon ka ng abs

Kanin

Tayong mga Pinoy ay talaga namang mahilig kumain ng kanin. Medyo challenge talaga ito Nakasanayan na kasi. Pero pwede naman na kumain na lang ng mga alternatibo gaya ng brown rice o red rice.

Sugar

Mortal na kalaban ng taba sa tiyan ang asukal. Kapag hindi iti na-burn ay magiging taba ito. Mabuti sana kung ito ay nako-convert sa muscle kaso ay hindi, bagkus ay nagiging fats.

Starch

Ang mga pagkaing may starch na gaya ng potato chips, french fries at iba pa ay dapat mo rin iwasan dahil mayroon din itong oil na may fats.

Frozen Processed Foods

Umiwas sa mga ganitong pagkain. Bilang kapalit ay kumain ng mga fresh cooked meat.

Junked Foods

Lagi na rin itong sinasabi kahit sa mga bata. O baka naaalala mo na pinagbabawalan ka ng iyong magulang na kumain ng mga junked foods.

Soft drinks and powdered juice

Sangkatutak ang sugar content ng mga softdrinks at mga juices. May softdrinks na zero-sugar pero mas mabuti kung huwag ka na lang din bumili nito. Tubig na lang. Mas nakatipid ka pa. O kung di ka mapigilan, yung natural juice na lang.

BASAHIN: Paano Mag-diet

Loading...

Mahabang paglalakbay ang pagkakaroon ng abs. Ang tanging shortcut lang ay depende sa iyong sariling motivation at disiplina. So, isang huling tip kung paano magkaroon ng abs, maging disiplinado ka.

Comments

comments

Tags:
error: Content is protected !!