​​

Paano Makamit Ang Wastong Nutrisyon

Tuwing buwan ng Hulyo, palaging ipinagdiriwang ang Buwan ng Nutrisyon. May mga activities sa mga pamayanan at paaralan na may kaugnayan dito. Pero hindi naman pwedeng tuwing buwan ng Hulyo na lang magiging aware sa kalusugan. Alamin natin ngayon kung paano makamit ang wastong nutrisyon.

Kaugnay na rin ng salitang “gulay” ay madalas ma-i-uugnay ang pagkakaroon ng wastong timbang. Ito ang buwan kung kailan mas self conscious tayo at kung kailan mas ginusto nating maging malusog at masigla.

Paano Makamit ang Wastong Nutrisyon

Pag-alam ng iyong wastong timbang

Una, bago ka pa man mag-diet o mag-exercise o kumilos sa iyong plano, kinakailangan mo munang daanan ang unang hakbang na ito.

Ang hakbang na ito ay ang pag-alam kung ano ba talaga ang iyong wastong timbang.

Ang iyong wastong timbang ay tinatawag na BMI o Body Mass Index. Ito ang ugnayan ng iyong edad, timbang at tangkad. Dito mo malalaman kung tama ba ang iyong timbang ayon sa iyong tangkad at sa iyong edad.

Dahil ang timbang ay hindi isang one size fits all tulad ng pinaniniwalaan ng nakararami. Isang misconception ang sabi-sabing dapat lahat ng babae ay 50 kilos lang. O ang lalake ay nasa 60-70 kilos dapat. Hindi tama iyon.

Ayon sa mga eksperto, maraming mga factors na nakakaapekto sa timbang ng isang tao. At hindi lang ito kasarian.

Upang ma-compute ang iyong BMI, kunin ang iyong tangkad sa metro, at ang iyong timbang sa kilos.

I-substitute ang nakuhang timbang at tangkad sa formula sa ibaba. 𝑘𝑔2/𝑚2

Kung gustong makasigurado, maaaring bumisita sa heart.org at hanapin ang kanilang BMI calculator.

Matapos nito, hanapin ang nararapat na BMI weight chart para sa iyo upang malaman kung ano ang iyong descriptive range (wasted, underweight, normal, overweight o obese).

Kung ikaw ay nasa kahit anong classification basta’t hindi normal, ang ibig sabihin nito’y marami ka pang dapat gawin upang makamit ang iyong wastong timbang.

Ang weight chart ay maaaring mahanap sa: https://goo.gl/i5ETcq

Pag-kamit ng wastong timbang

Para sa mga klasipikasyon sa ibaba, mas nakabubuting kumunsulta sa isang nutritionist upang ma-iplano ng maayos ang iyong diet at nutrition plan ng naaayon sa iyong lifestyle, choices sa pagkain at kung ano pa. Hindi namin hinihikayat ang paggamit ng internet at ang pag-self-medicate ayon dito.

NORMAL – Kung ikaw ay normal, ibig sabihin ay tama ang iyong timbang para sa iyong tangkad, edad at kasarian. Maaaring dahil sa kinakain mo ito, o dahil sa iyong genetics, o sa lifestyle na iyong ikinabubuhay. Siguraduhing healthy ang lifestyle mo; kumakain ka ng masusutansiyag pagkain at regular na nag-eehersisyo upang malayo ka sa mga sakit.

UNDERWEIGHT – Nangangahulugan itong kulang ang iyong timbang para sa iyong tangkad, edad at kasarian. Kinakailangang magdagdag ka ng timbang. Ngunit, hindi nangangahulugang hindi ka na mag-eexercise at kakain ka lang ng madami. Magkaiba iyon. Kinakailangang masustansya pa rin ang amount ng kinakain mo. Konsultahin ang isang nutritionist upang maayos na maibigay sa iyo ang iyong diet at workout plan.

OVERWEIGHT O OBESE – Sa klasipikasyong ito, kinakailangang magbawas ka ng timbang dahil sobra ang bigat mo para sa iyong tangkad, edad at kasarian. Mahalaga ang regular na pag-eehersisyo at ang pagkain ng prutas at gulay parati.

Mga iba’t-ibang paraan ng pagbabawas timbang

WASTONG PAGKAIN AT REGULAR NA PAG-EEHERSISYO – Ito ang kombinasyon na naririnig natin parati. Bakit, naitanong ninyo? Sapagkat ito ang kombinasyon na napatunayan ng ligtas at effective para kahit kanino.

Ang pagkain ng tama o pagda-diet, ng tamang dami at tamang uri ng pagkain ay nakaka-apekto talaga sa maayos na kalusugan ng isang tao. Sapagkat ang lamang vitamins at minerals ng ating kinakain ang nakakatulong sa ating metabolism na mag-burn ng unnecessary fats.

WEIGHT-LOSS/WEIGHT-GAIN PILLS – Minsan, maaaring mag-take ng weight-loss pills o vitamins na matutulungan kang magbawas o magdagdag ng timbang. Ngunit, huwag na huwag mag-ta-take ng gamot na HINDI i-prenescribe ng doktor. Ito ay delikado. Huwag na huwag ring maniniwala sa mga ibinebentang pampapayat sa internet o sa tiyangge – hindi kati-katiwala ang mga “gamot” na iyon. Kapag masyadong mura, magtaka ka na.

Baka malagay pa sa panganib ang iyong buhay at syempre, maaari itong humantong sa kamatayan. Marami ng recorded cases ng mga taong nag-se-self medicate at nag-ta-take ng kung ano-ano na sanhi ng kanilang ikinamatay.

PAALALA: Bago tayo gumamit ng ANO MANG URI ng gamot na pampapayat, siguraduhing konsultahin muna ang iyong doktor na kaagapay mo sa iyong pagpapapayat.

KUMAIN NG PRUTAS PARATI – Gawing palamis o dessert na ang prutas sapagkat malaki ang naitutulong nito sa iyong resistensya at metabolismo. Sa halip na cake, chocolate o ice cream ang dessert ugaliing kumain ng prutas na lang kapalit nito.

Loading...

Ngayon, nabigyan ka na ng kaunting kaalaman sa kung paano mo uumpisahan ang iyong pagkamit ng wastong timbang. Maaari ka ng kumunsulta sa doktor at gawan ng maayos at komprehensibong plano ang iyong nutrition plan.

Comments

comments

error: Content is protected !!