​​

Paano Mawala ang Dysmenorrhea o Menstrual Cramps

Paano mawala ang dysmenorrhea o menstrual cramps? Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi mauunawaan ang hirap na nararanasan ng mga kababaihan tuwing sila ay mayroong buwanang dalaw. Kasama na riyan ang sobrang pananakit ng puson o dysmenorrhea o tinatawag din na menstrual cramps. Kaya naman sa article na ito, aalamin natin kung paano mawala ang Dysmenorrhea o Menstrual Cramps.

Ang Dysmenorrhea o menstrual cramps ay pananakit ng puson na nararanasan ng mga babae tuwing sila ay may buwanang dalaw o regla. Ang salitang dysmenorrhea ay hinango sa Greek word na “dys” na ang ibig sabihin ay mahirap, masakit o abnormal,  ang “meno” ay month  o buwan at ang “rrhea” naman ay daloy o flow.

Sintomas ng dysmenorrhea:

  • Pananakit ng tiyan na minsan ay maaaring malubha
  • Kakaibang pakiramdam sa tiyan. Maaaring hindi masakit pero may pakiramdam ng presyon.
  • Pananakit ng mga kalamnan sa bahaging balakang, likod, at mga hita.

Paano Mawala ang Dysmenorrhea o Menstrual Cramps

Narito naman ang mga paraan para mabawasan ang sakit o mawala na nang tuluyan ang nagpapahirap na dysmenorrhea:

#1 Hilutin ang puson

Epektibo ito para sa pananakit na hindi pa malubha. Hilutin lang nang bahagya ang puson. Huwag masyadong diinan. Makakatulong ito para ma-relax ang iyong muscle sa puson.

#2 Mahiga nang may suportang unan sa likod

Makakatulong ito para mapagaan ang sakit na nararamdaman sa iyong puson. Pumili ng unan na medyo mataas, pero uwag naman sobra at baka pati likod mo ay sumakit na rin.

#3 Heat therapy o hot compress

Maglagay ng mainit na tubig sa isang bote. Balutin mo ito ng bimpo at gamiting pangmasahe sa iyong puson. Marami na rin ngayong mabibili na electronic hot compress sa Shopee. Pwede mong subukan.

#4 Over-the-counter na Gamot

Kapag malala na talaga, pwede kang mag-take ng over-the-counter na gamot gaya ng ibuprofen o mefenamic acid. Kilala ang mga yan na mga mabisang pain reliever.

Panoorin mo itong episode kung paano mawala ang dysmenorrhea o menstrual cramps ng Pinoy MD:

Loading...

Sana ay makatulong ang article na ito sa iyo para matutunan mo kung
paano mawala ang dysmenorrhea o menstrual cramps. Alam namin na mabigat at mahirap iyan para sa mga nakakaranas. Kaya mo yan!

Comments

comments

error: Content is protected !!