​​

Paano Mag-Order sa Shopee

Sa Shopee-pi-pi-pi-pi, ang dali-li-li-li-li, bumili-li-li-li-li, sa Shopee! Paano mag-order sa Shopee?

O, teka lang ha. Isa ka rin ba sa mga taong kinanta ‘yon? Malamang sa malamang, nahawing na ang kantang ito sa iyong pandinig. Naglalakad ka man sa kalsada, pauwi na jeep o dumaan na bilang patalastas sa telebisyon o sa YouTube, tiyak narinig mo na ang bagong mga advertisements ng Shopee.

At bakit naman hindi? Ang Shopee ay ang pinakamabilis at pinakasikat na shopping platform dito sa Pilipinas. Hindi lamang ito para sa mga taong shopaholic at mahilig mag-online shopping ngunit pati na din sa ating mga small business owners para i-benta ang kanilang mga goods sa mga mamimili.

Sa Shopee, makakahanap ng iba’t ibang uri ng bilihin. Para itong isang Department Store o Mall sa loob ng iyong mobile device! Mapa-makeup, damit, sapatos, gadgets, at kung ano-ano pa! Tiyak, meron n’yan sa Shopee.

Maraming dahilan kung bakit gusto ng tao ang bumili online kagaya ng sa Shopee. Isa na, syempre, ang makatipid sa oras at makaiwas na hassle. Lalo na kapag may mga okasyon. Alam niyo na, marami ang namimili.

Para sa mga baguhan palang sa pagbili sa Shopee, narito kami upang turuan ka.

Paano Mag-Order sa Shopee?

#1 I-download ang Shopee app o hanapin ang kanilang webpage.

Syempre, bago pa man ang iba, kinakailangang i-download muna ang Shopee app sa iyong mobile phones. Mahahanap mo ito sa App Store o sa Google Play Store. Kung ang gamit mo naman ay laptop o PC, bisitahin ang Shopee website sa shopee.ph.

#2 Gumawa ng sariling account.

Upang magamit ang Shopee sa kabuuan nito, kinakailangang gumawa ng sariling account bilang isang mamimili. Sundan lamang ang webpage at punan ang lahat ng kinakailangang, tulad ng paggawa ng account sa ibang websites.

#3 Hanapin ang gustong bilhin.

Una, kung nais mong shopping, kinakailangang mayroon kang listahan ng gustong bilhin upang maiwasang sumobra sa budget. I-search lamang ang pangalan ng produkto sa search bar. Makatutulong din ang mag-kumpara ng presyo ng iba’t ibang nagbebenta upang makatipid. Piliin ang seller na mapagkakatiwalaan. Basahin ang iniwang komento ng mga mamimili bago magdesisyon.

#4 Pamimili

Pindutin lamang ang “Add to Cart” button para sa bawat item na bibilhin. Pagkatapos nito, i-check out ang laman ng cart upang mai-ship na ito sa iyong address at upang mabayaran mo narin ito. Katumbas nito ang pamimili sa supermarket kung saan lahat ng gustong bilhin ay inilalagay sa cart at pupunta sa cashier upang mabayaran ang mga  ito.

#5 I-check out ang cart

Sa pag-check out ng cart, i-fill up lamang ang kinakailangang detalye tulad ng iyong pangalan at address at piliin ang “COD” option o “cash on delivery”. Nangangahulugan ito na babayaran mo lamang ang iyong binili kung natanggap mo na ito. Sa ganitong pamamaraan, nakakasiguro ka at ang Shopee na hindi ka nagbabayad para sa isang bagay na maaaring kailanman ay hindi mo matanggap.

#6 Delivery process

Kadalasan, ay mabibigyan ka ng Estimated Time of Arrival (ETA) ng iyong parcel upang mapaghandaan mo ang pagdating nito sa iyong address na inilagay. Sa ganitong pamamaraan, masisiguro mong may tao sa iyong address na mag-aabot ng bayad kay manong delivery.

At voila! Nasa iyo na ang iyong package at alam mo na kung paano mag-order sa Shopee.

Baka pala interesado ka rin magbenta sa Shopee. Pwedeng pwede na pandagdag kita.

[BASAHIN] Paano Magbenta sa Shopee

Loading...

Ang Shopee ay isang shopping platform kung saan ang mga items ay mula sa mga sellers. Mahigpit man ang security service ng Shopee, makabubuting gawin ang tamang research sa mga seller na iyong pagbibilhan bago ka magdesisyon.

Comments

comments

error: Content is protected !!