​​

Paano Mawala Ang Eyebags

Gusto mo bang malaman kung paano mawala ang eyebags mo? Sawa ka na bang matawag na “panda” dahil sa laki ng eyebags mo? Ang pagkakaroon ng eyebags ay resulta ng stress, pagod at pagpupuyat. Kung ikaw ay isang office worker na madalas mag-overtime, o kung ang trabaho mo ay sa gabi, at lalo na kung nakaharap ka lagi sa computer, hindi mo maiiwasang magkaroon ng eyebags. Heto ang mga solusyon kung paano mawala ang eyebags mo.

paano mawala ang eyebags

Paano Mawala ang Eyebags a la Maine

Paano mawala ang eyebags?

Get enough sleep

Isang dahilan ng pagkakaroon ng eyebags ay ang kakulangan sa tulog. Kung kaya’t hindi mo dapat balewalahin ang nakukuha mong tulog. Kung hindi naman pwede dahil sa trabaho, subukan mong isaalang-alang ang iyong tulog. Huwag kang mag-overtime paminsan-minsan at gamitin mo ang oras na ‘yon upang makatulog ng mabuti. Tapusin mo ang mga paperwork mo nang maaga upang makauwi ka rin nang maaga, makatulog nang mas maaga at asahan mong unti-unti nang mawala ang eyebags mo.

Kung schoolwork o pag-aaral naman ang kalaban mo, mas nakabubuting i-distribute mo ang iyong pag-aaral ng kaunting oras bawat araw. Kumpara sa pag-aaral buong gabi bago ang iyong test, mas nakakatulong ang pag-aaral ng paunti-unti. Mas naiintindihan mo ang iyong pinag-aaralan at tinutulungan mo ang iyong kalusugan dahil nakakatulog ka ng mabuti.

Proper diet

Tamang pagkain ang isang paraan upang mapalayas ang eyebags mong naninirahan na sa ilalim ng iyong mga mata. Ang kakulangan sa Vitamin E ay isang dahilan ng pagkakaroon ng eyebags. Kumain ka ng Vitamin E, phosphorous at calcium-rich na mga pagkain. Ang saging ay isang mayaman sa phosphorous at ang calcium ay makikita sa iba’t-ibang uri ng prutas at gatas.

Ang regular na pag-inom rin ng tubig ay isang epektibong paraan upang mawala ang eyebags mo. Ang tubig ay nakaka-hydrate ng iyong undereye area na tumutulong para maalis ang eyebags. Isang sikat na beauty trick ay ang paglagay ng stainless na kutsara sa loob ng freezer at ilagay ito sa iyong mga mata upang matanggal ang iyong eyebags. Ang malamig na temperatura ay tumutulong sa daloy ng dugo sa iyong mga blood vessels.

Ang regular na pag-inom ng gatas ay nakatutulong rin dahil ang gatas ay rich in calcium at natatanggal rin nito ang tension sa tissues sa ilalim ng ating mga mata.

Natural ways

Maraming mga natural na paraan kung paano maalis ang eyebags mo. Isa na rito ang paglalagay ng cucumber o potato slices sa ibabaw ng iyong mga mata. Ang ascorbic acid at caffeine sa cucumber ay nakakatulong upang mabawasan ang pangi-ngitim at pamamaga ng iyong under eye area.

Maraming health benefits ang paggamit ng cucumber at patatas. Ang cucumber ay nakakatulong sa pag-alis ng mga pimple, acne o wrinkles dahil mayaman ito sa Vitamin E at ginagawa nitong makinis ang ating balat dahil sa taglay nitong nutrients and minerals. Maganda ring moisturizer para sa balat ang cucumber dahil ito ay 95% na tubig.

Marami ring mga facial masks na nabibili ngayon. Maganda ang benefits kung ang facial mask na bibilhin mo ay rich in Vitamin E dahil ang bitaminang ito ay nakatutulong mag-alis ng eyebags at naghihilom ng dead skin cells.

Temporary fix

Kung wala kang oras upang magpa-facial at may pupuntahan ka sa loob ng ilang oras, makeup ang iyong best friend. Mayroong isang powerful makeup product na tinatawag na “concealer”. Tulad ng pangngalan ito, ito ay nagtatago ng mga imperfections at pimples sa ating mukha. Ang simpleng pag-apply nito sa ilalim ng iyong mga mata ay nagbubura na iyong mga eyebags. Ginagamit ito sa ilalim ng mata, sa mga sugat at pimples na gusto mong mawala.

Ngunit panandalian lamang ito, at ito ay nagtatago lamang at hindi nagbubura. Pagka-alis mo ng iyong makeup, makikita mo parin ang iyong eyebags. Mabuti itong gamitin sa mga oras ng emergency at mabilis na pangangailangan.

Regular exercise

Ang regular na exercise ay maraming health benefits. Hindi lang ito nakakatulong upang maging flexible at magising ang mga muscles at joints sa buong katawan, nakakatulong rin ito upang mag-circulate ng maayos ang dugo sa ating katawan. Ang tamang pag-ikot ng dugo sa ating katawan ay nakakatulong para maalis ang  eyebags.

Ang simpleng paggawa ng mga gawaing-bahay o pagtakbo at paglalakad ay nakakatulong sa ating katawan. Hindi nakabubuti ang paghiga sa kama magdamag at panonood ng videos parati.

Ang exposure sa radiation at ang pagtutok sa screen parati ay nakakasama sa ating mga kalusugan at nagdudulot ng pamamaga ng ating mga mata.

Pagpahingain mo ang iyong mga mata paminsan-minsan dahil ang sobrang exposure sa radiation ay nakakadulot ng pagod sa iyong mga mata. Take a break away fom electronics pag minsan, hindi umiikot ang mundo sa internet. Ang simpleng pag-log-out mula sa iyong Facebook account ay isa ng malaking tulong sa iyong kalusugan.

Upang matanggal ang mga eyebags sa ilalim ng iyong mga mata, tamang lifestyle at pahinga ang iyong kailangan. Dapat mong isaalang-alang ang iyong kalusugan at huwag mong kalilimutang alagaan ang iyong sarili.

Ikaw? May iba ka pa bang alam na paraan kung paano mawala ang eyebags? Share mo naman sa amin sa comments.

Comments

comments

error: Content is protected !!