​​

Paano Mawala ang Pimple Marks sa Natural na Paraan at sa Mabilis na Paraan

Pagkatapos mong problemahin ang pimple, ang poproblemahin mo naman ay kung paano mawala ang pimple marks na iniwan nito. Nakakairita ito lalo na kung sobrang nako-conscious ka na o kaya ito ay napapansin lalo na ng ibang tao. Pero huwag kang mag-alala dahil may solusyon naman diyan.

Maraming paraan, maraming solusyon. May mga magastos pero mabilis at mayroon din namang natural na paraan na may katagalan ang epekto pero mabisa rin naman.

Paano mawala ang pimple marks sa natural sa paraan?

Maraming mga paraan para mawala ang pimple marks. May natural na paraan at mayroon namang hindi natural. Unahin na lang natin ang natural na paraan dahil isa sa kagandahan nito ay ang availability. Madali lang mahagilap, ika nga. Mabibili mo sa mga palengke o talipapa o sa mga supermarket. Simulan na natin!

Paano mawala ang pimple marks

Lemon juice. Iyong katas ng natural na prutas ha? Hindi iyong powdered na tinitimpla. Ang lemon juice ay nagtataglay ng tinatawag na alpha hydroxyl acid na karaniwang sangkap ng mga gamot na pantanggal ng peklat.

  • Pigain ang lemon sa isang lalagyan.
  • Maaaring dagdagan ng kaunting tubig kung ayaw mo ng masyadong matapang lalo na kung sensitive ang iyong balat.
  • Gumamit ng bulak at ipahid ang lemon juice kung saan naroon ang mga pimple marks.
  • Hayaan mo lang na matuyo. Palipasin mo ang ilang minuto bago mo banlawan.

Honey. Ito naman ay isang wonder na parang lahat ay kayang malunasan lalo na sa balat.

  • Lagyan mo ng honey direkta sa mga pimple marks mo.
  • Hayaan mo lang na matuyo at iwan mo lang sa mukha mo magdamag.
  • Magbanlaw kinabukasan.

Potato juice. O katas ng patatas. Mabisa itong pantanggal ng mga dark spots sa mukha gaya ng pimple marks.

  • Maghiwa ng patatas nang maninipis.
  • Ilagay ang mga hiniwa sa mukha nang 20-30 minutes.
  • Magbanlaw ng maligamgam na tubig.

Cucumber juice (pipino). Kagaya ng katas ng patatas, mabisa ring pampaputi ng mga dark spots sa balat ang katas ng pipino.

  • Hiwain ang pipino sa maninipis na piraso.
  • Ilagay ang mga hiniwa kung saan naroon ang mga pimple marks.
  • Iwanan magdamag at banlawan kinabukasan.

Iyan ang mga natural na paraan kung paano mawala ang pimple marks. Mabisa ang mga iyan ngunit sadyang nangangailangan ng regular na paggamit at panahon bago mo makita ang epekto. Ngayon, kung gusto mo nang mabilisang pagtanggal sa iyong pimple marks, narito naman ang mga paraan:

Paano mawala ang pimple marks sa mabilis na paraan?

  • Gumamit ng exfoliant cream. Ang epekto nito ay magpapalit-balat ang iyong mukha. Mamumuti nang mamumuti ang mga dark spots hanggang sa hindi na ito mahahalata.
  • Magpakonsulta sa isang dermatologist. Wala nang iba pang makakatulong sa iyo kung gusto mo talaga ng mabilisang pagtatanggal ng pimple marks. Marami silang maii-suggest na paraan na malamang ay may kamahalan ngunit sadya namang epektibo.

Nasa iyo na kung gusto mo ng natural na paraan o sa mabilisang paraan kung paano mawala ang pimple marks mo. May napili ka na ba? Gawin mo na para mas maging blooming ka. O baka naman may iba ka pang alam na paraan? Huwag nang mahiyang i-share sa amin sa comment area.

Loading...

Reference:

Comments

comments

error: Content is protected !!