​​

Paano Mawala ang Stiff Neck

Ang hirap magkaroon ng stiff neck, ‘no? Hindi ka makalingon kapag may tumatawag sa ‘yo. Masakit. Challenge talaga! Ngayon, alamin natin kung ano ang pwede mong gawin kung paano mawala ang stiff neck na nararanasan mo.

Ang stiff neck ay ang paninigas ng leeg na nagdudulot ng hirap sa paglingon. Maaaring kasabay nito ang pagkakaroon rin ng sakit ng ulo, leeg at balikat. Mahirap talagang lumingon. Kailangan mo pang ipihit ang buong katawan mo kapag nakakaranas ka ng stiff neck. We feel you. Hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan.

Bagamat hindi talaga komportable ang pakiramdam kapag may stiff neck, may magagawa naman bukod sa pagtitiis. Ituturo namin sa iyo kung ano ang mga pwede mong gawin para kahit paano ay gumaan ang iyong pakiramdam kapag mayroon kang stiff neck.

paano mawala ang stiff neck

Paano mawala ang stiff neck?

Paano mawala ang stiff neck?

Wag kang mag-alala at wag kang ma-stress, ramdam namin ang hirap mo sa stiff neck na yan. Kaya naman narito ang mga tips kung paano mawala ang stiff neck na nagpapahirap sa iyo.

Hot towel

  • Kumuha ng isang towel.
  • Basahin ang towel sa mainit na tubig. Hindi kailangang sobrang init. Siguraduhing kaya ng iyong balat ang init. Iyong hindi ka mapapaso.
  • Pigain ang towel at ilagay sa bahagi ng leeg kung saan masakit. Makakatulong ito para maka-relax ang masasakit at naninigas na muscles.
  • Gawin ito sa loob nang paulit-ulit sa loob ng 20-30 minuto.

Ice pack

  • Kumuha ng ice pack. Kung hindi umubra ang mainit, subukan ang malamig.
  • Ilagay ang ice pack sa bahagi kung saan masakit. Makakatulong ito na mapawi ang sakit.
  • Gawin ito nang paulit-ulit sa loob ng hanggang isang oras.

Malunggay

  • Dikdikin ang dahon ng malunggay.
  • Ilagay sa bahagi kung saan nananakit.

Turmeric

  • Uminom ng turmeric. Kilala ang turmeric o luyang dilaw na nakakapagtanggal ng pamamaga.

Stretching

Paalala lang muna, huwag bibiglain ang leeg sa gagawing stretching. Dahan-dahan lang gagawin ang mga sumusunod:

  • Pagtingala at pagtungo. Gawin ito nang mabagal at paulit-ulit.
  • Bumilang ng limang segundo habang nakatingala at limang segundo rin habang nakayuko, samantalang sampung segundo naman habang gumagalaw papunta sa pagtingala o pagtungo.
  • Pakaliwa at pakanan. Kagaya ng pagtingala at pagyuko, gawin din ito nang marahan at maingat.
  • Bumilang ng limang segundo habang nakapaling pakaliwa at limang segundo rin habang nakapaling pakanan, samantalang sampung segundo naman habang gumagalaw pagpaling sa kaliwa o kanan.
  • Paikot naman. Paikot pakaliwa at paikot pakanan. Muli, dahan-dahan lang at maingat.
  • Pwede mo ring subukan ang quick massage na makikita mo dito >> Quick Massage for Neck Pain.

Baguhin ang pwesto sa pagtulog.

  • Maaaring ang stiff neck mo ay sanhi lang ng pagkangawit sa iyong pwesto sa pagtulog. Baguhin mo ang iyong nakagawiang pwesto.
  • Subukan mo ring magpalit muna ng unan. Pumili ng mag komportable.

Sumangguni sa Doktor

  • Ang stiff neck ay maaaring isang sintomas ng mas malalang karamdaman. Kaya naman kung hindi nagbabago ang sakit na nararamdaman dahil sa stiff neck sa loob ng ilang araw, huwag mahihiyang sumangguni sa mas nakakaalam. Magpa-check up ka na kaagad.
  • Kung ang stiff neck ay may kasabay na ibang sintomas gaya ng pagsusuka, pagkahilo, lagnat, magpa-check up ka na din kaagad. Baka ibang infection na iyan.
Loading...

Mahirap talaga magkaroon ng stiff neck. Ngunit kagaya naman ng ibang problem, may solusyon din ito. At ngayon, alam mo na kung paano mawala ang stiff neck na nagpapahirap sa pagkilos mo. Paalala lang na gawin ang mga nabanggit nang may pag-iingat.

Comments

comments

error: Content is protected !!